A/N: sa taas ang outfit ng dalawa^^. Sana magustuhan nyo!diko po kasi talaga ma explaine kung ano ang mga susuotin nila. So kumuha na lang ako sa Google. Hehe.
Chapter14
Sila mommy ang naghatid samin airport, gusto nga sana namin dalawa ni tyrelle na mag sasakyan na lang pero hindi naman pumayag sila mommy dahil mas madali daw ang eroplano at para hindi na mapagod kakamaneho si tyrelle, at eto kaming dalawa. duon ako sa window seat habang sya naman nasa tabi ko
hindi ko maiwasan na hindi mapatingin kay tyrelle, seryoso lang syang nagtitingin sa magazine. ang gwapo talaga ng isang 'to. ang perfect ng pagkahulma ng ilong at ang labi nya napakaganda din. swerte siguro ng mga nagiging girlfriend neto, naalala ko tuloy yung kwento sakin ni amber about sa ex ni tyrelle. grabe di ko aakalain na maloloko papala ang isang 'to
"What are you staring at." saway ni tyrelle habang nakatingin pa rin sa magazine
Umupo na lang ako ng maayos at tumingin sa bintana. Ang ganda ng view! Pero mas magandang panoorin si tyrelle hihi, Kinuha ko ang aking cellphone at pinicturan ang mga ulap na nadadaanan namin, dahil ang ganda ko ngayon. nag picture na din ako para may maipost mamaya
napukaw ng atensyon ko ang itsura ni tyrelle, dumungaw ako sa magazine at nakita ko ang familiar na babae sakin. hindi ko alam kung san ko nga ba nakita yun pero alam kong kilala ko yun. isinara ni tyrelle ang magazine at nag crossarm at pumikit ang mata. gusto ko sana katalk kaya lang antok ang isang 'to. Napahikab ako at sumandal sa bintana
Naramdaman ko ang marahan na pagtapik ni ty sa pisngi ko, minulat ko ang mata ko at inalis ang pagkakasandal sa balikat ni tyrelle. luminga-linga ako sa paligid at nakita ko ang madaming bundok
"Andito na ba tayo?" tanong ko sa kanya,
"Malamang."
ngumuso ako "Sungit." abala sya sa pagkuha ng mga maleta namin, tinulungan ko na sya at lumabas na ng eroplano
Isang oras lang ang byahe patungo sa hotel na tutuluyan naming dalawa ni tyrelle, abala ako sa pag kuha ng mga litrato habang manghang-mangha sa ganda ng dagat
"Welcome to Cove Hotel, Mrs and Mr Stanford." sinalubong kami ng bati ng mga staff at manager. binigyan pa kami ng fresh buko. nagsorry naman ako sa kanila sa inasal ni ty dahil tinalikuran nya lang ang mga ito.
Na kay tyrelle na ang susi ng kwarto, malaki naman ang kwarto na binigay samin, may bathtub at may pool access pa. kaya lang isang king size bed lang. namula ako ng maalala ang sinabi ng lolo ni tyrelle kagabi
"Rest for a while, pagkagising mo magswiswimming tayo." sambit nya sakin, tumango naman ako sa kanya at pinagmasdan syang pumasok sa banyo. humiga ako sa kama. saan nga pala matutulog si tyrelle kung ganong iisa lang ang kama? pwede naman kaming tabi malaki naman ang kama hehe
Nagising ako sa ingay sa baba. Pagtingin ko sa orasan ko 5:00 na. Ang tagal ko naman pala matulog sabagay pagod. Nagpunta ako sa cr. Excited na akong magsuot ng swimsuit no! Bili ko pa to sa mall!
Nag lugay lang ako. At sinumulan na ang bumaba. Wahhh! Ang ganda talaga dito. Andaming tao. Mga lights paikot sa dagat.
Bumaba na ako dahil wala si tyrelle sa kwarto, saan naman kaya nagpunta ang isang yun sabi ba naman nya na papasyal kami ngayon. may ilang staff ang bumati sakin. naglakad lang ako hanggang sa mapahinto ako dahil may nakita akong pamilyar na nakatalikod sakin
"Tyrelle—" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil kusa akong napahinto, para akong pinako sa pwesto at hindi makapagsalita. may kung ano sakin na parang nasaktan sa nakita. bakit paba ako magtataka kung alam ko naman na playboy ang isang 'to at kasal lang kami sa papel.
gulat na tumingin sakin si tyrelle, at mabilis na tinulak ang babaeng kahalikan. tumingin sakin ang babae na nanlilisik ang mata panigurado bitin sya. "I-irish."
ngumiti ako ng mapakla sa kanya, "A-ah, sorry, maghalikan na kayo. sorry sa istorbo."
Mabilis akong tumalikod sa kanila, nadinig kong tinawag ako ni tyrelle pero hindi ko magawang lingunin sya. Duon ako umupo sa tabi ng dagat. pinunasan ko ang luha
Bakit ba ako umiiyak?
dahil ba nasasaktan ako? pero bakit? hindi naman dapat dahil wala naman akong pakelam kay tyrelle, he can fuck and kiss everyone kasi kasal nga lang kami sa papel, pero sa nakita ko hindi ko nagustuhan. atleast pay some respects to our marriage kahit na kasal lang kami sa papel.
sino kaya yung babaeng kahalikan nya? hindi ba alam nun na kasal na yung tao? napatawa ako ng mahina. as if naman na sasabihin nya yun he didn't want to announce our marriage after all.
"Miss, nagiisa ka ata." nagulat ako ng may biglang umupo sa tabi ko, amoy na amoy ko ang kanyang hininga ang baho at amoy alak!
"Teka miss, kapag kinakausap ka namin pumirmi ka lang." hinila naman ako paupo ng isa na nakaupo din sa gilid ko
"D-don't touch me!" kinakabahan na usal ko habang pumipiglas sa kanya, parehas na silang lasing at walang katao-tao dito
"We're not bad you know, Gusto lang namin kausap. Tutal nagiisa ka lang din sumama kana samin." nakangising sambit nung isa
"Yes you are, and I'm not going with you. tatawag ako ng tulong kapag hindi mo binitiwan ang kamay mo sa kamay ko." banta ko na nagpatawa sa kanila
"Miss, ang area na 'to madalang lang dumaan ang mga tao. bukod kasi sa madilim...delikado." nakangising usal nya sakin, hinatak ko ang aking kamay at mabilis na tumakbo. mabilis din naman akong naharang ng isa at pangisi-ngisi sakin
"N-no, Help! Help me!" naramdaman ko ang lalaki sa likuran ko agad akong humarap sa kanya at akmang hahampasin nang mahawakan naman ako ng mabilis ng isang lalaki
"Eto ang mga gusto ko, mga hard to get." bulong nya na nagbigay ng libong-libong kaba sakin
tinulak ko ang dibdib nya "Stay away from me, your breath stink!"
tumawa ang isang lalaki "Jackpot tayo dito pare, ang ganda ganda at ang kinis ng katawan."
Mabilis kong tinakip ang aking kamay sa dibdib ko, at naiiyak na tumingin sa kanila. naramdaman ko ang kamay ng lalaki sa puwitan ko kaya mabilis akong nakalayo sa kanya pero mahigpit ang nahawakan ng lalaki
"Help me! Help me!" sigaw ko "Tyrelle! Help me, please..No"
"Just one night, miss." hindi pa nila ako nilalapitan bumulagta na ang isa sa kanila
"Fuck you! What the fuck are you doing to my wife?" galit na sigaw ni tyrelle at galit na galit na sinugod ang isang lalaki. agad din naman itong bumulagta hindi nakuntento si tyrelle dahil binalikan nya pa ito at pinagsusuntok kahit na wala ng malay ang dalawa
kahit nanghihina ang tuhod ko lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay. "Tyrelle, no. baka mapatay mo sila." mahinang usal ko
tumingin sya sakin at nagbaba ang tingin sa dibdib ko. ang isang strap kasi ng bra ko nasira dahil sa kakahila ng isang lalaki. hinila nya ako patayo. hinubad nya ang kanyang tshirt na suot at sinuot sakin.
"Fuck this!" malutong na mura nya at inis na tumingin sa kakadating lang na mga staff at iba pang security guard "You have to fucking sure na dalawang ito mabubulok sa kulungan, or else I'm gonna make your life miserable!"
"T-tyrelle," mahinang ani ko dahil hinila nya lang ako paalis duon "masakit na ang paa ko."
tumigil sya at madilim ang matang tumingin sakin, lumuhod sya at mabilis na kinuha ang aking paa para tignan. may sugat duon kaya medyo mahapdi. nagpakawala nanaman sya ng malutong na mura.
i know he's mad, and so am i, but I couldn't do anything natakot ako. ramdam na ramdam ko pa din sa katawan ko ang panginginig.
"you know I'm mad right?" he murmur, tumango lang ako sa kanya at nanghihina
"I just don't know what to do.." humihikbing sambit ko, hinila nya ako at kinulong sa yakap. i feel warm and safe. kaya mas lalo akong humikbi. sumiksik ako sa kanyang dibdib at ramdam ko ang higpit sa yakap nya
"I'm sorry, Baby. I'm here."
BINABASA MO ANG
Arrange Marriage With a Playboy (EDITING)
Teen FictionTyrelle Standford & Irishelle Smith. (COMPLETED) (I'm editing some cringe parts guys, pero ganon pa din ang takbo ng story so read it na.)