Chapter 24

13.1K 293 1
                                    


Chapter 24

Isang Araw nakakalipas ng masabihan ako ni ty ng 'I love you' mahirap paniwalaan. Pero kung totoo man yun. Aba kailangan ko magpakain kasi finally nagustuhan na din ako ng gusto ko.YES gusto ko na talaga si ty.

"Irish. Sino yung kasama mo nung nakaraang araw." Saad ni denver. Habang naglalakad kaming tatlo.

"Ah si Karl yun." Usal ko.

"Karl devera?" Singit ni amber.

Tumango ako. "Oo sya nga. Hehe"

Tumango lang sya. "New friend huh?"

Ngumiti ako. "Yep."

"Ay. Nakalimutan kong pumunta sa dean office. Una na kayo." Tumango Kami at nagsimula nang mag lakad.

Nagulat ako pagpasok ko ay may bumuhos saaking malagkit. Pintura to! Omaygadhhh sinong may gawa nito

May narinig akong tumawa. "Ano bang problema mo. Kylie ah" sigaw ni amber.

"Yang malanding kaibigan mo" maarteng saad nya.

"Sainyong dalawa mas malandi ka." Giit ni amber.

Tumalim ang titig ni kylie may amber. "Walang sino man ang nangahas ang magsabi saakin ng malande. You bitch"

"Pwes kami na ang magsasabi sayo na malande ka" aambahan sana ito ng sampal ni kylie huli na't nahawakan ko na ito.

"Dumampi lang yang kamay mo sa mukha ng Kaibigan ko. Ibabalibag kita" seryoso kong tanong.

Mukha syang nagulat."don't touch me. Your dirty iww" maarteng usal nya.

"alam mo kung anong ayaw ko sa lahat. Ang...maarte"sakto may natira pang pintura na ibunuhos saakin. Walang pagalinlangan ibinuhos ko din ito. Lahat ay nagulat sa ginawa ko. Ang mga alipores nya ay napa-omaygadhh.

"Omaygadhhh. Why did you do that?!" Sigaw nya habang pinupunasan ang katawan nya.

Ngumiti ako "because I can."tumalikod na kami.

Nagulat ako ng may humawak sa balikat ako. At.

*PAK*

Nakangisi si Kylie saakin. "Hindi pa tayo tapos." Aambahan nanaman Sana nya ako ng sampal pero. hinuli ko na to. Langya! Hilig nilang sumampal.

"Nasasarapan kana ata sa pagsampal saakin." Inis kong sabi. Sinampal ko sya ng napaka lakas kaya napatumba sya. Lampa. lumuhod ako at tinignan sya. Nakahawak sya sa pisngi nya. Lalapit Sana ang mga alipores nya. Mukhang susugurin ako ah.

"Gusto nyong sumali" nakangisi kong saad. Nagsiatrasan naman sila. andami na ang nanonood saamin. Si amber nakangisi lang. Narinig ko pang nagsalita sya." gandang labanan to"

Bumaling ako kay kylie. Sinampal ko sya. "para sa pagbuhos ng pintura sa katawan ko.and last."sinampal ko sya. Napa whooa ang lahat. "Para sa pagsampal sa maganda kong mukha." Tinap ko sya sa balikat at binigyan ng isang napaka matamis na ngiti.

Bumulong ako sa kanya. "Wag ako." Tumayo ako at pinagpagan ang sarili

Narinig ko pang nagsalita si kylie. "May araw ka din saakin" galit na sigaw nya.

Hinarap ko sya. "Owww. I'm scared"mukha syang naiinis kaya napatawa kami.

"Magpalit ka muna ng uniform girl." Saad nya. "Tara kunin natin sa locker mo yung uniform mo ng makabihis kana."

Hindi ako sumagot at naglakad ba lang. Piste!!! ang lagkit.

"Grabe girl. Iba ka. "
Nakangising saad nya. Ngumiti lang ako. "idol na kita hahaha"

Umiling iling na lang ako. Ng matapos kami ay dumiretso na kami sa klase namin.

DISCUSS

LISTEN

DISCUSS

LISTEN

DISCUSS

*BELL RINGING*

Lahat kami ay tumayo. "Amber. Let's go I'm hungry."

Tumango sya. "Andun daw si denver sa cafeteria. Let's go naiinip na yun"

"Nabalitaan ko ang nangyare sainyo kanina. Irish" ani ni denver.

"Grabe kung nandun ka. Mamamangha ka." Nakangising saad ni amber. Umiling ako.

"Hindi mo dapat sya ginanun" napataas ang bosesw ni denver. napatingin kami. Napatingin din sa kanya ang lahat dito. "I mean. Hindi mo na sana ginawa yun."

Naiinis ako sa sinabi nya. "What?! Edi hahayaan ko na lang na saktan ako ganun.

Umiling sya. "Oh yun naman pala eh." Umirap ako. "Ano bang pinuputok ng butchi mo dyan. Pinagtanggol ko lang naman Sarili ko."

"Ok. Ok. Sorry" napairap na lang ako sa kawalan. Pinagpatuloy ko ang pagkain.

Last subject na lang hhehehe

Discuss

Discuss

Discuss

Discuss

Yannnnn na. "Uwiaaaan na" sigawan namin lahat.

"Irish sumabay ka na lang saamin."saad ni denver.

Umiling ako."hindi na. Sige na. Para naman masolo ko ni amber

Namula si amber pinandilatan nya ako. Napatawa ako.

"Kayo talaga puro kalokohan" saad ni denver."o sya sige na. Umuwi ka ah! Magiingat ka"

"Opo. Nanay" tumawa ako. "Byee. Amber. Bye nanay." Tumakbo na ko palabas. Narinig kong sumigaw si denver.

Nagantay lang ako dito ng sasakyan. Hindi ko kasi dala sasakyan ko. Lumipat ako ng masasakayan duon ako sa malapit sa kanto kasi madaming dumaan kapag gantong oras.

Habang naglalakad ako sa eskinita para shortcut.Parang may sumusunod saakin. Napatingin ako duon pero walang tao. Nagsimula na kong kabahan.Wala naman katao dito. Kasi kapag dumadaan ako dito ay may mga batang naglalaro. Malayo layo pa naman ang lalakarin ko. Binilisan ko na lang ang lakad.

Pinagpapawisan na ako. Para talagang may sumusunod saakin. Pilit kong hindi isipin iyon. Kinalma ko ang sarili ko. Tumingin ako sa likod. Nakakita ako ng lalaking naka bonet. "sino ka. Bat ka sumusunod saakin"kahit natatakot ay pinilit ko pa ding lakasan ang loob ko.

Nakita ko kung pano ngumiti ang lalaking nasa harap ko. Nagulat ako ng nasa harapan ko na sya at bigla nya akong tinakpan ng panyo. Nandilim ang Mata ko...

Arrange Marriage With a Playboy (EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon