Chapter 23May tumapik sa balikat ko. Si Harris. Umupo sya sa tabi ko. "Anong problema mo." Bungad na tanong nya saakin.
"Uminom ka muna dyaan." Ininom ko lang ang Alak. Kinuha nya din ang Alak at tinunga ito.
Mayamaya pa. May umupo sa kandungan ko. Tumingin ako sa babae. Naka tube lang ito at maikling short na halos lumuwa na ang Bataan. Tsk. Hindi na bago saakin to.
"Are you free tonight?" Tanong nya.
"Sorry I'm busy" tinagal ko sya sa pagkakandung saakin. Kaya nahulog sya.
"Ouch."maarteng sabi nya. Tinulungan ito ni Harris."oww. Thank you honey" malanding usal nya.
Ngiti lang ang ginanti ni Harris. Ganyan si harris. Matulungin talaga sya sa mga babae. Ewan ko ba dyan. Kaya binansagan naming Kj. Napaka kill joy kasi tsk.
"Seriously!?, wala ka ata sa mood" napa-tsk na lang ako. "Alam ko kung bakit ka ganyan? May bumabagabag dyan sa utak mo no. Tell me?"
"Yes. Tsk" yumuko ako at ginulo ang buhok ko.
"Family, babae ba yan? O ano." Saad nya.
"Babae." Maikli kong sagot.
Ngumiti sya ng malapad. "Whooooa. tell me who's the lucky girl. Huh"
"Si...irish" sabi ko.
"What the." usal nya.
"Hep!! Hindi ko pa alam kung gusto ko talaga sya aish. Pero ayaw kong nakikita syang may kasamang ibang lalaki. O kaya masaya sya sa ibang lalaki. Ang gulo." saad ko.
"simple lang yan. Dahil nagseselos ka."Napatingin ako sa kanya. "Ayaw mo syang makitang masaya o kasamang ibang lalaki. Kasi nga nagseselos ka."
Gulong-gulo ako. "Hindi mo pa alam kung gusto mo ba talaga sya? Tsk. Nararamdaman yan pre. Kusang nararamdaman yan" saad nya. "Tell me? Kapag kasama mo ba sya nagiging masaya ka?"
Tumango ako. "o-oo." Oo nagiging masaya ako kapag kasama ko sya
Ngumiti sya. "Eh. Bumibilis ba tibok ng puso mo kapag kasama mo sya o magkadikit ang mga katawan nyo. O di kaya... sa mga simpleng salita nya lang. Bumilis na tibok ng puso,mo?"
Napatigil ako. Napangisi sya. "Pre. Isa lang ang ibig sabihin nyan...in love ka"
"What?! No. I'm not." Giitko.
"Gago ka! Wag kang masyadong deny. halata na ulul" sagot nya.
"Natatakot ako."Mahina kong saad.
"Iniisip mo nanaman ba si shanen." Tumango ako. Tinapik nya ang balikat ko "pare. walang nakakatakot. Kung iniisip mong lahat ng babae ay manloloko. Nagkakamali ka. Bakit na try mo na ba lahat. Hindi diba. iba si shanen at Irish. Ibang iba ty."Saad nya. I know ibang iba sila. Pero kaya ko bang mahalin si irish."Kung takot ka lang na masaktan ulet pare. Wag mong pairalin yan. Sundin mo mga sinasabi ng puso mo. Hindi ang isip. Kasi ang isip dyan nagsisimula ang pagsisisi. Congrats pre. finally your in love" tinapik nya ang balikat ko.
I'm in love?. I'm in love with irish.
Irishelle's pov
Hindi pa din ako makatulog. Ilang oras na akong nahiga dito sa Kama ko pero walang dumapo saakin na antok.
*booooogsh*
Napabangon ako ng may kumalabog. Kaya dahan dahan kong binuksan ang pintuan at naglakad pababa. Bukas ang ilaw sa kusina kaya nagtungo ako duon.
Nakita ko si ty. Na kumukuha ng malamig na tubig. "Where have you been?" Saad ko.
"Sa bar *huk*" saad nya. Don't tell me??
"Uminom ka!" Tumango sya at naglakad paakyat sa kwarto nya. Sinundan ko ito.
"Bat kaba uminom?" Hinabol ko sya. Pero sinaraduhan lang ako. Aba't.
Binuksan ko ito. Buti hindi nya ito nilock. Nakita ko syang sumusuka sa banyo. Kaya Dali Dali akong pumasok duon. Halos masuka ako ng maamoy ko ang suka nya. Kahit nandidiri ay nilapitan ko ito.
Lumabas na sya. Pa ika-ika sya. Aalalayan ko na sana sya ng hinawi nya ang kamay ko. "Kaya ko *huk* sarli ko"saad nya.
"Anong kaya. Patumba-tumba ka na nga. Halika na nga."Saad ko. Inalalayan ko sya at hiniga duon sa Kama. Pumunta ako sa closet nya at kumuha ng tshirt.
Hinagis ko sa kanya ito. "Maghubad ka. Ang baho mo" tumalikod na ako "make it faster!!" Naiinip kong sabi.Mayamaya pa ay humarap na ako sa kanya.
Halos lumuwa ang Mata ko ng makitang nakahubad pa sya. Nakahilig lang ang ulo nya.napatingin ako sa katawan nya. Pakshet 6 pack abs etooo!
"I can't... I cant Undress my self *huk*" parang batang sabi nya. Nakanguso pa ito.
Naglakad ako sa kanya at sinuot sa kanya ang damit nya. Ng matapos ito "wait lang ah." Kukuha ako ng cup noodles sa baba. Para mahimasmasan sya kahit papano
Pagbalik ko duon ay tulog na si ty dala-dala ko na din ang noodles na niluto ko.napangiti ako sa posisyon ni ty. Nakasandal sya sa headboard ng Kama nya.Lumapit ako duon at napangiti ako. Napaka amo ng mukha pero kapag gising ito kala mo binagsakan ng kangit at lupa.Mukha syang nahihirapan kaya hiniga ko sya ng maayos at kinumutan.
"I love you.."nagulat ako ng magsalita sya. Mukha syang may pinapaginipan. At sino naman ang Sinabihan nya ng I love you. Mas nagulat pa ko ng magsalita sya ulet. "Iloveyou.... Irish"
What?! he said I love you to me. dala lang yan. Dala lang yan ng kalasingan irish. pero naalala ko ang sabi ni mommy "kapag nalasing ka duon mo nasasabi ang gusto mong sabihin na hindi mo kayang sabihin." Impossible?!?
BINABASA MO ANG
Arrange Marriage With a Playboy (EDITING)
Teen FictionTyrelle Standford & Irishelle Smith. (COMPLETED) (I'm editing some cringe parts guys, pero ganon pa din ang takbo ng story so read it na.)