Chapter 18:

14.6K 361 5
                                    



Chapter 18:

"Happy birthday to you, Happy birthday to you."

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata dahil sa mga pamilyar na boses sa paligid, gulat akong napatingin sa harapan dahil andito sila mommy sa harapan ko,

"Gising na ang debutante!" masayang sambit ni kuya hawak-hawak ang mga lobo.

Habang ang daddy naman, may hawak na HAPPY BIRTHDAY, OUR PRINCESS banner at alam kong sulat kamay ni kuya vince yun, ang pangit kasi! At si mommy naman, malaki ang ngiti habang hawak hawak ang cake.

"Early in the morning pinaiiyak nyo ko, hindi pa nga ko nakakapag toothbrush at hilamos." naluluhang sambit ko habang nakatingin sa kanila

Agad naman lumapit sakin ang daddy natatawa at niyakap ako, sumunod naman si kuya na yumakap din sakin.

"Happy birthday, princess." hinalikan ako ni daddy sa pisngi at pinunasan ang mukha ko

humalik din si kuya vince sa noo ko at pinisil ang pisngi ko. "Ang pangit mo umiyak," pangaasar nya sakin "Kidding, Happy birthday little sis."

Pinakawalan naman nila ako sa yakap, at ako na mismo ang lumapit kay mommy. naluluha na rin sya habang nakangiti sakin

"Blow your candle anak." aniya, pumikit naman ako at pinagsiklop ang palad para humiling, hinipan ko yun at niyakap si mommy

"Thank you mommy!" hinalikan ko sya sa magkabilang pisngi, at kila daddy at kuya vince. "Napasaya nyoko, sobra."

"Dapat lang princess, maaga pang gumising ang mommy para ibake ka ng cake at maaga din kami syempre gumising para bumili ng mga balloons." sambit naman ni kuya vince

"At nagluto na rin ako ng breakfast.." singit naman ni daddy na kinatawa naming lahat

"Group hug?" inopen wide ni mommy ang kanyang braso, agad kaming lumapit sa kanya nila daddy

"Group hug!" masayang sambit namin.

Kinagabihan, andito ako ngayon sa nirent ni mommy na hotel. inaayusan ako ng buhok at minemake-up-an para sa party mamaya, kinuha ko agad ang aking cellphone at nagbabakasali na baka nagtext o nagchat na sakin si tyrelle, kaninang umaga kasi wala na sya sa tabi ko nung tinanong ko naman si mommy hindi naman daw nila napansin si tyrelle dahil wala naman daw duon pagkapunta nila.

Huminga ako ng malalim at nakaramdam ng lungkot sa dibdib, hindi nya ba alam na birthday ko ngayon? sabagay hindi naman importante sa kanya ang birthday ko dahil sino ba naman ako? ako lang 'to. si irishelle na mahal na mahal ka! Charot

Pumalakpak sa tuwa ang baklang nag-aayos sakin habang pinagmamasdan ako sa salamin, napangiti ako ng tumingin ako sa salamin.

"Ayan! Mas lalo kang gumanda, kamukhang-kamukha mo ang mama mo dear!" masayang sambit nya habang inayos ng kaunti ang buhok ko

"Totoo po, nagmukha po talaga akong tao sa ayos ko." masayang sambit ko habang sinusuri ang mukha sa salamin, ako ba to? ang ganda masyado! gandang di mo inakala

"Dear, you're human. ano kaba! hindi lang uso sayo ang mag ayos, tinatago mo kasi ang ganda mo. although maganda ka naman talaga." nakangiting puri nya sakin, sabay kaming napalingon sa pintuan "Sir! Tuloy ho kayo, tapos na ang anak nyo. diba po ang ganda ganda nya?"

Arrange Marriage With a Playboy (EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon