Chapter 33

12.4K 286 1
                                    


Chapter 33

Kanina pa kong maghihintay Kay ty. Takte daig pa babae kung magayos. Tignan nyo ko naka grey na blouse at high ways pants lang na tinernuhan ng flat shoes.

Pagbukas ng pintuan.. "What the!! Ano yan! Hindi lamay pupuntahan natin ty. SIMBAHAN. SIM-BA-HAN" iritado kong sabi.

Pano ba naman kasi naka all black sya. Jusmiyo!!! Pero wag kayo. Ang pogi nya hihihi.

"Tsk. " pumasok ulet sya.

Paglabas nya ay halos mapanganga ako. Naka t shirt na white at short na maong na hanggang tuhod lang. Shemayy!!!

"Ano! Ok na siguro to" nabalik ako sa katinuan ng magsalita si ty. "Why are you staring mylove.... Hot na ba ko sa paningin mo. "

"OO TY. ANG HOT MO! PWEDE KA BA MAMAYA!" pero syempre hindi dapat sabihin yan! Mamaya di pa kami makapagsimba eh. Hehehe.

Inirapan ko na lang sya at iniwas ang tingin "sakit mo sa mata." Sarap mo!!

"Tara na nga. Mamaya ma late pa tayo misa", tumango ako at naglakad. Hinawakan ni ty ang kamay ko. Ngumiti sya.

Ng makarating kami sa simbahan ay nakatingin lang si ty. Duon.

Hinila ko sya. "Tara pasok tayo sa loob"

Nagaalanganin pa syang tumingin duon. " don't be afraid ty. Mabait sya trust me! " nakangiti kong sabi. Hinila ko na sya.

Umupo kami. Lumuhod ako. "Bat ka nakaluhod. "

"Sumunod ka na lang. " Hays ewan ko ba dito takot na takot. Tsk.

Lumuhod din sya. "Now bow your head. Manalangin ka sa kanya ty. Wag kang matakot . Nakikinig lang sya saatin. "Para syang batang tinuturuan ng teacher. Ngumiti ako....

•••••••

Nang matapos kami ay niyaya ko sya sa kainan. "Ano kamusta ang simba" nakangiti kong sabi.

"Hmmmm." Ngumiti sya. "Nakakagaan ng loob. Thankyou"

Tumango ako at hinila sya sa kwek-kwekan. Gusto kong matuwa sa reaksyon nya ng dinala ko sya dito. "What that's? "

"Kwek-kwek"

"Kwek-kwek? Bat may orange. Malinis ba yan? " nakangiwi nyang sabi.

"Hindi ah! Tagal ko na tong kinakain. Tsaka masarap Yang orange na yan dun sa loob may itlog" saad ko.

"Manang fe." tawag ko dun. 11 years old pa lang ako ay ka close ko na si manang fe. Suki nya rin ako sa kwek kwek. Hehehe.

"Oh ineng! Kay tagal natin di nagkita. Lalo kang gumanda. "Papuri nya saakin. "Oh ineng' sino yang kasama . Ka'y gwapo din. Ka ano-ano mo ba sya ineng. Mukha syang familiar saakin.. "

Sasagot na sana ako ng magsalita si ty. "I'm tyrelle Stanford. Irish' husband"

"Aba!!! Oo nga kilala na kita. Kayo yung may Ari na sikat na kompanya dito. " tama!! Sila ang sikat na kompanya dito. Stanford company ata yun.

"Opo . Ako nga po" nakangiting usal ni ty.

"Ay pakshet!! Si fafa ko"

"Yummy nya. Shit"

Napatingin ako duon . Mga baklang to pinagnanasaan ba naman asawa ko.

"Ay bakla! Malandutay ka. Tignan mo oh nakatingin asawa nya. ",

Diko sila pinansin. "Manang fe. Penge po kaming kwek-kwek"

Tumango sya at inabot saamin. "Thank you po" napapansin ko halos lahat ng dumadaan at kumakain dito nakatingin Kay ty. Bwisit!!

"Pabalot mo na lang yan" tumayo ako.

"What? Kakain na nga tayo eh"

"Tsk. " lumapit ako Kay manang few at humingi ng plastic.

"Oh ineng'aalis na agad kayo" tumango ako at naglakad papunta Kay ty. Naka kunot noo nya kong tinitigan.

Nagmatapos ko na ang paglagay sa palstik na karinig ako ng nagpainis saakin....

"Arte-arte kala mo naman maganda. Di naman sila bagay nung boy" saad ng girl duon sa kakwentuhan nya.

Aba't ako pa maarte ah! At ano Di kami bagay ni ty. Lumapit ako duon

"excuse me? Ako ba pinaguusapan nyo" saad ko.

"Kung sabihin kong ikaw" nakataas din ang kilay nya saakin. Tinaasan ko din sya ng kilay.

"Masyado naman ata akong maganda para ako ang pagusapan nyo. " nakangiti kong sabi. "At anong sabi mo. Ako maarte? Pano " turo ko.

"Sasabihin mong Di kami bagay nung lalaki na yun " mukha naman nagukat si ty sa nakita nya. Pinakuha ko kasi sya ng suka kaya hindi nya ko nakita.

"Di naman talaga kayo bagay ah!" Nakangiti nyang sabi. Grrr!! I want to punch her.

"So anong gusto mo na bagay kayo ng ASAWA ko. " pinagdiinan kong saad sa asawa. "Sorry miss. Hindi sya pumapatol sa.... " tinignan ko sya mula ulo hanggang paa. "Mukhang paa"

"How could you? !"aambahan nya sana ako ng sampal.

Nahuli ko na to at hinawakan ng madiin. "Ouch"

"Gusto mo manghiram ng mukha sa aso " nakita kong natakot sya. Napangisi ako. "Kaya Subukan mong sampalin ako manghihiram ka talaga ng mukha sa aso. " binitawan ko na ang kamay nya. I flipped my hair. Tsaka naglakad.

Nagpipigil ng tawa si ty ng madatnan ko. "Your jealous huh? "

Inirapan ko sya. "Shut up"

Narinig kong natawa sya. Naglakad ako papuntang parking lot. Narinig kong tinawag nya ko pero Di ko sya pinansin. Bwisit sya hindi man lang ako tinulungan duon. Sinabihan na nga kaming hindi bagay. Huhuhu

•••••••••

"My love" pagtawag ni ty. Di ko sya pinapansin hanggang paguwi. Bat ba? Gusto kong magpakipot eh. Hihihi.

(a/n: ayan dyan ka magaling sa pagka-pabebe mo)

*pout *

"My loveeee. Yuhoooo" winagayway ni ty ang kamay nya sa harap ko. Tinignan ko sya ng masama at tumalikod . Kukunin ko na lang ang karne sa ref buti alam ko kung pano magluto ng adobo.

Niyakap ako ni ty sa likod. "Sorry! I love you" pinatong nya ang baba nya sa balikat ko. "Kaya ako natutuwa kasi nagiging palaban ka. Good yun kasi pano kapag wala ako sa tabi mo Di mo maipapagtangol sarili mo. Pero.... Sorry kung hindi kita tinulungan"

Napangiti ako kaya humarap ako sa kanya. Nakasimangot sya kaya hinalikan ko ang labi nyang nakausli. Damn!! Bat ba ako biniyayaan ng gantong kagwapong asawa.

" sorry din." napangiti sya . "I love you"

Hinalikan nya ang ilong ko. "I love you more. My love"

••••••••••••••

NEXT CHAPTER POV MUNA NI DENVER MY LOVES! HIHIHIH.

VOTE AND COMMENT!

LAB U HEHE

Arrange Marriage With a Playboy (EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon