Chapter 17Ilang araw ang nakalipas at walang nagbago saming dalawa ni tyrelle. pwera nga lang sa lagi syang nagsusungit. nasasanay naman na ako sa kanya dahil lagi ko naman syang nakakasama mapabahay man o sa school.
Ilang araw na lang din, birthday ko na. Nakausap ko na si mommy about this at for sure engrande nanaman 'to, isasabay daw kasi ni mommy ang 18th birthday ko sa announcement sa wedding naming dalawa ni tyrelle. i ask tyrelle about this pero wala naman syang nasagot. sabi ko nga kay mommy ma huwag na paghandaan ng bongga ang birthday ko. okay lang naman kung kaming mga pamilya lang ang nanduon. pero dahil walang birthday ko ang hindi engrande, wala na talaga akong magagawa about it.
Abala na sila sa pag-asikaso sa debut ko, at ako na mismo nag-presinta na mag bigay ng mga invitations card. naibigay ko na through email yung mga malalayong lugar at yung invitations para kay amber at denver nasa akin na. nakabihis nako at pababa sa hagdanan dahil gusto ko ako na mismo ang magbigay sa kanila. namiss ko din kasi sila
Denden Calling...
"Den!" malaki ang ngiti ko hanggang sa makababa nako sa sala, sa gilid ng mata ko nakita ko ang pag labas ni ty sa kusina
(Kumusta ang vacation? I've seen your post! Mukhang enjoy na enjoy ka ha, maganda ba ang dagat?) ani denden sa kabilang linya
napatigil ako at nagdadalawang isip kung ikwekwento ba sa kanya ang nangyari sa zambales, panigurado kasing magagalit sya at baka malaman pa nila mommy kaya huwag na lang
"Oo naman, Maganda ang dagat at m-mababait ang mga tao." aniko "Paalis nako, andyan na ba si amber? see you there!"
(Andito na si amber sa bahay, kararating lang. take care and i miss you!)
"Miss you,too." napatingin ako ng padabog na sinara ni tyrelle ang banyo, nakabusangot lang sya sakin ng humarap
"Who are you talking to?" tanong nya sakin
"Huh? si denver?" patanong ko din na tanong sa kanya, "Sya yung bestfriend ko since elementary, nagmeet na kayo nung wedding hindi ba?"
"Yes, yung lalaking kayakap mo." sarcastic na sambit nya sakin, napakunot ako ng noo sa inasta nya
"Nagseselos kaba?" may kung ano sakin na natuwa dahil baka nga nagseselos sya. pero bakit sya magseselos eh bestfriend ko naman talaga si denver
Mabilis syang umiling sakin habang nakaigting ang panga, parang pinipigilan ang sarili na magsalita ulit.
"A-alis lang ako ihahatid ko lang yung invitation kila denver." nahihiya pang paalam ko nang maupo sya sa sofa, pero agad naman syang tumayo
"Ihahatid kita." magsasalita pa na sana ako kaya lang pinutol nya ang sasabihin ko "wait me here. may kukunin lang ako."
dahan-dahan akong tumango, "O-okay." hindi naman sya nagtagal sa taas at bumaba na din.
Sa bahay ni denver kami nagdesisyon na magkita-kita, matagal-tagal na din kasi nung huli kong punta sa kanila. tumigil naman ang makina sa harapan ng bahay nila denver, tumingin ako sa kanya at hindi alam ang sasabihin dahil nahihiya ako sa kakatingin nya sakin.
"Susunduin kita mamaya." napaangat ako ng tingin nang magsalita sya, nakatingin pa din sa mga mata ko, ako na mismo ang nag-iwas baka mamaya pamulahan nanaman ako ng pisngi
"Okay, itetext na lang kita—ay.." aniko at napatingin sa kanya dahil may nakalimutan ako, mabilis kong kinuha ang cellphone sa bag at pinakita sa kanya yung pending ko pa din na friend request sa kanya. "Hindi mo pako kinoconfirm dito. matagal ng pending 'tong friend request ko."
BINABASA MO ANG
Arrange Marriage With a Playboy (EDITING)
Teen FictionTyrelle Standford & Irishelle Smith. (COMPLETED) (I'm editing some cringe parts guys, pero ganon pa din ang takbo ng story so read it na.)