MADALAS kaming tinutukso ni Janna, kapatid ni Wacky. Madalas din nila kaming tinutukso. Ewan ko ba, tingin nila palagi ay gusto namin ang isa't isa. Eh hindi naman.Komportable lamang ako sakanya at tingin ko naman ay komportable din sya saakin.
Nakilala ko sya dahil kay Janna. Sya talaga ang kaibigan ko pero pinakilala lamang ako ni Janna sakanya.
"Sabi sayo okay lang na magkagusto ka kay Kuya" Tukso na naman nya. Nakatingin lang ako sakanya "Boto kaya ko sayo" Dugtong pa nya.
Hindi lang sya ang taong sinasabi na bagay daw kami at boto sila para sakin. Hindi ko alam kung bakit tingin nila sa amin yun.
"Tumigil ka." Sagot ko sakanya at sinamaan pa sya ng tingin.
Ngingiti lang sya.
Minsan nga ay ni set up nila kami sa isang date. Isa pa yun sa mga mahal na restau sa amin. Minsan din ay pababayaan nila kong mapahamak para iligtas ako ni Wacky sa gulo. Kaya mula noon, si Wacky na talaga ang nagtatanggol sakin. Sya na din madalas taga hatid sa akin sa infirmary kapag may galos, sugat at sakit ako. Nasanay nalang ako sa presensya nya sa paligid.
"Wala ka ba talagang gusto kay Kuya? Sabihin mo na, hindi ko naman sasabihin sakanya"
I just rolled my eyes at her "Wala nga." Sagot ko. "At haler. Never mangyayari yun"
"Sus. Alam mo, parehas kayo. Parehas kayong indenial"
"Whatever"
Hinila ko na lamang sya palabas ng classroom namin. Pupunta nga pala sa mall ngayon dahil bibili daw sya ng libro at nagpapasama sa akin.
"Teka." Pigil nya. Napahinto tuloy kami sa hallway. "Hintayin natin si Kuya. Sasabay nga pala sya saatin. Nakalimutan kong sabihin" Sabi pa nya at napakamot sa ulo nya.
Wala naman akong nagawa kaya tumabi nalang muna kami sa gilid at hinintay si Wacky sa may hallway.
Inilabas ko muna ang phone ko at tinext si Yna na baka malate ako ng uwi. Yna is my younger sister. One year lang ang agwat namin kaya ay nagkakasundo rin kami.
First year highschool sya samantalang kami ay nasa ikatlong taon na sa highschool. So far ay wala pa kong nagiging problema pwera nalang kapag napapaaway, nagagalusan o kaya ay napagtitripan.
Ilang minuto lang ay nasa harapan na namin si Wacky. Nakatingin saakin at nakataas ang kilay.
"Ano?"
"Bakit kasama ka?" Tanong nya. Nakaturo pa ang isang daliri saakin.
Minsan ay ang sarap nitong batukan nalang. Pero dahil mas matangkad sya sa akin ay hindi ko sya abot kaya ang ending ay sasamaan ko lang sya ng tingin.
"Sasamahan nya ko Kuya" Sya na ang sumagot.
Halos magkadikit na ang kilay nito sa sinagot ni Janna sakanya. Problema nya?
"Akala ko ba, ako ang sasama sayo?"
"Ano . . Dalawa kayo. Kasi . . . Para naman may kasabay ako umuwi. Tama. Tama."
Lalo lamang itong nakanuot ang noo sagot nya.
"Kayo na—"
Hindi na pinatapos ang kanyang sasabihin dahil bigla nyang inangkala ang kamay nito sa braso nya. Hinila naman nya ko palapit sakanila.
"Plan." Bulong ko sakanya. "May plano ka." Dagdag ko pa.
Ningitian nya ko saka bumulong "This is for you future sis-in-law." Then she giggle.
BINABASA MO ANG
Just Say It
Teen Fiction[ COMPLETED ] Ysabelle Sanchez and Joaquin Ortega's story Started: 06 | 11 | 17 Finished: 06 | 11 | 18 Highest Rank Achieved: #456 in Teen Fiction