18

279 9 0
                                    


KAGAT ang pang ibabang labi ay pinipilit kong huwag matawa dahil sakanyang itsura. Iniyuko ko pa ng bahagya ang aking ulo dahil sa pagsulyap at pagtitig nya sa akin ng masama.

"Now, who's mistress?" Natatawang sabi ni Janna.

Katabi ito ni Alex sa kanan habang ako naman ay naka upo sa tapat nya. Katabi ko at katapat naman ni Janna si Belle, habang si Rex ay naka upo sa gitnang bahagi.

Sinamaan nya ito ng tingin. Hindi naman nya ito inalintana at gumanti na lamang mula sa pang gagamot nito sakanya. Puro mura at masasamang salita na lumalabas sa bibig nito dahil sa diin na ginagawa nya dito.

"Shut up!"

Humagalpak sila ng tawa dahil sa sagot nito. Nakangising nakatingin lamang naman si Belle sakanya. Iniiwas din nya ang kanyang tingin tuwing tinititigan sya nito.

Bakas sa mukha ni Belle ang katuwaan dahil sa nakikitang reaksyon nito sakanya. Panay lamang ang tingin nya dito habang ang isa ay naman umiiwas.

"You deserve that, Lex" Ngisi kong sabi sakanya.

Inilipat naman nya ang kanyang tingin mula kay Belle papunta sa akin. Ningitian ko sya, sinamaan naman nya ko ng tingin at itinaas ang kanyang kamay. Iniayos nya ang kanyang kamao na para bang susuntukin ako.

"Oh, Lex. Don't me. You can't do that"

He smirked. Tumayo din sya ngunit hindi lumapit sa akin. "I can, Love. Trust me, I can" Pabalang nyang sagot.

Kita ko sakanya gagawin nga nya ang kanyang sinabi. Pilit ko pa ring tinaas ang aking kilay. Hamon kung gagawin nga nya o nagbibiro lamang.

Nakatayo lamang naman sya doon. Tinitimbang kung itutuloy o hindi. Napaupo lamang sya ng hilain sya ni Janna paupo. Hinawakan nito ang kanyang baba at idiniin na naman ang hawak nya.

"Shit" Mura nito ng idiniin na naman ni Janna.

Sinamaan na naman ito ng tingin ngunit kagaya kanina ay isinawalang bahala lamang nya ang tingin na yun. Nilingon ako ni Janna at bahagya pa kong inirapan. What?

'What did I do?' I mouthed to her.

Lalo lamang nya akong sinamaan ng tingin. Nawala lamang ang kanyang tingin ng tumikhim si Rex kaya napalingon kami dito. Nagkibit balikat lamang naman ito at sumimsim sa ice tea na nasa tapat nya.

"Saturday, next week, Jans" Aniya ni Alex kay Janna.

Tumango lamang naman ito at dumiretso ng upo. Bahagya pa nya akong sinulyapan at mabilis ding umiwas. Napa angat ang tingin ko sakanila at napataas ang kilay.

"Saturday?" Wala sa sariling tanong ko sakanila.

Iniyuko ni Janna ang kanyang ulo. Hinawakan nya ang kanyang porselas na nasa kanyang palapulsuan ang pinaglaruan ito. "It's nothing, Kuya" Sagot naman nya.

I know there's something. Patunay na ang kanyang paglalaro sakanyang porselas, tanda ito na may tinatago sya. Mannerism na nya ito mula pa pagkabata kaya alam kong may hindi sya sinasabi.

"You're lying." Mariin kong sabi.

Napaangat ang tingin nya pero mabilis ding umiwas at humarap sya kay Alex. Ininguso nya ako kaya napatingin si Alex sakanya. Ibinalik din nya ang tingin kay Janna at tumikhim sya.

Napakunot ang noo ko dahil sa ginagawa nila. Halata na mayroon silang tinatago. Sinipa ko ang paa ni Alex sa ilalim ng mesa. Tiningnan nya ko saglit ngunit umiwas din kalaunan. Inulit kong muli ngunit ganoon pa rin ang nangyari.

"Spill it." Marahan kong sabi.

Tumingin ako sakanila ng palipat lipat. Nakayuko lamang silang dalawa. Patuloy pa rin ang paglalaro ni Janna sakanyang porselas.

Just Say ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon