Advance merry christmas! Here's a little gift from me. Enjoy reading! - Sy
- - -NANG makita ang titig nya ay agad kong iniiwas ang aking tingin. Tumikhim ako saka ibinalik ang tingin sakanya bago ulit umiwas at tumingin na lamang sa bintana.
"I... Mean, Janna's date." Pagliliwanag ko. "We're going to stalk them." Dugtong ko pa.
Narinig ko ang tawa ng driver kaya napapikit ako. Pakiramdam ko ay namumula ang aking tenga. Hindi ko na nagawang lumingon sakanila para makita pa ang reaksyon nito.
"Bakit hindi mo yayain sya ng tuluyan sa isang date?" Bakas sa boses nya ang pang aalaska.
Tumawa pa ito at pagkatapos ay sumipol. Sinubukan kong lingunin si Belle pero ibinalik ko lang muli ang aking tingin sa bintana. Pumikit muli ako at tumikhim.
Narinig ko na din ang kanyang mahinang pagbungisngis. Lalo ko lamang naramdaman ang pag iinit ng aking tenga. Muli ay pumikit ako.
"You've never been on a date. Right, Wax?" Aniya.
Tumango lamang ako pero hindi pa rin ako lumingon sakanya.
Ang byaheng dapat ay nasa kinse minutos lamang ay parang ang bagal at tumagal.
"Sa ganyang edad nauumpisahan ang pagdedate." Muling sabi ni Mang Rey. "Ganyang edad ako unang nanligaw at unang nakipag date."
"Oh! You mean, sa ganitong edad nyo din po nakilala yung asawa mo?" Boses naman ni Belle ang aking narinig.
"Oo. Sya ang una kong nakadate noong araw."
Inabala ko lamang ang aking sarili sa bintana. Hindi ko na rin sila nilingon. Ni hindi ko na rin sila sinagot o nag tanong.
Ilang beses pa silang nagpalitan ng kwento. Tanong ng isa, sagot naman ng kabila. Ang huli ko na lamang narinig ay ang pang aasar na naman na tanong.
"Sa susunod ay sana kayong dalawa naman ang makapag date." Natatawang pahabol nya bago kami lumabas.
Umiling lang si Belle sakanya. Ako naman ay ngumiti lamang bago ako tuluyang lumabas na ng sasakyan.
Nauna na rin akong maglakad. Naramdaman ko na lamang ang kanyang presensya nang nasa tapat na kami ng pintuan at papasok na sa mall.
"You know what. Mukhang madaldal yung driver nyo." She chuckled. Binilisan naman nya yung lakad nya para masabayan ako. "Wait up! Bagalan mo naman."
Umakto akong parang walang narinig. Dire-diretso lamang ang aking lakad. Nakasimangot syang tumabi sa akin. Rinig ko ang kanyang pagbuntong hininga at kanyang hingal.
Bumuntong hininga ako saka tumigil upang lingunin sya. Iniangat naman nya ang kanyanv ulo at tiningnan ako pabalik.
"Nasaan sila?" Nagtataka ang kanyang tingin. Muli ay bumuntong hininga ako. "Janna"
Mukhang natauhan sya kaya kaagad nyang kinuha ang kanyang phone sakanyang bulsa.
She was just wearing a loose top and a short short. Wala syang ibang dala kung hindi ang kanyang cellphone.Ang alam ko ay may usapan sila ni Janna sa bahay. Ayun nga lang ay may lakad naman ito at alam kong alam nito na may lakad sya pero nagpunta pa rin.
"They're on Food Fiesta." Aniya habang ipinapakita sa akin ang text. "Ang alam ko ay sa second floor iyon malapit sa dulo."
Tumango ako at inumpisahan nang muli na maglakad. Sumunod naman agad sya at sumabay sa akin sa paglalakad.
Maraming tao kaya bahagya kaming nababangga o kaya naman natatabig ng ibang tao. Upang maiwasan ay pumunta ako sakanyang likuran at hinawakan sya sakanyang magkabilang balikat.
![](https://img.wattpad.com/cover/107335095-288-k76119.jpg)
BINABASA MO ANG
Just Say It
Teenfikce[ COMPLETED ] Ysabelle Sanchez and Joaquin Ortega's story Started: 06 | 11 | 17 Finished: 06 | 11 | 18 Highest Rank Achieved: #456 in Teen Fiction