53

158 8 0
                                    


NANATILI lamang tahimik ang lahat habang nakatingin at naghihintay sa sasabihin ang tatlong may pasimuno. Nakapalibot sa amin ang karamihan sa estudyante ng Academy.

Parang isang meeting ang nangyayari. Nasa itaas sila ng stage habang kami ay nasa ibaba at tahimik na nakaupo sakanilang tapat. Mayroong nakatayo sa aming mga likod na animo'y mga bantay. Mayroon din sa paligid at ilang bahagi pa ng aming gymnasium.

Malalaman na namin ang kahihinatnan ng aming mga ginawa. Mabibigyang resulta na ang aming mga pinaghirapan. Hiling lamang namin ay maganda ang kahantungan ng mga ito.

Labinlimang mga upuan para sa aming labinlimang estudyanteng lumaban sakanila. Bakas sa mga mukha ang kaba. Nanginginig na din ang mga kamay ni Janna na nakakapit sa aking braso. Sa aking kaliwa naman ay si Belle na diretso lamang ang tingin sa unahan.

Hindi man nya sabihin ay nararamdaman ko ang kanyang kaba. Ilang beses na ang kanyang pagbuntong hininga. Napansin ko din ang kanyang pagkabalisa at paulit ulit na paglalaro sakanyang mga daliri.

Tumikhim ako para makuha ang kanilang mga atensyon. Nang linungin nila ako ay binigyan ko sila ng isang tipid na ngiti upang pampalakas ng loob.

Aaminin ko, maging ako ay nag uumpisa nang makaramdam ng kaba. Kahit ako ay nararamdaman na rin ang kanilang nararamdaman. Ayoko umalis dito pero king sakali, tatanggapin ko na lamang ito at tahimik na lilipat sa iba.

"Kinakabahan na ko." Aniya ni Janna at mas hinihpitan pa ang hawak sa akin. "Oh, god!" Mariin pa nitong bulong.

Ramdam ko ang matindi nyang kaba. Maging si Belle na tahimik lamang sa aking tabi ay alam kong ganoon na din katindi ang nararamdaman. Sumabay pa ang tahimik at tensyon sa paligid. Nararamdaman ko ang mga tingin ng mga estudyante. Hindi ko man tingnan ay alam kong masasama ang mga ipinupukol ng mga ito.

"Shh" Saway sakanya ni Belle. "Shut up Jans. Nahahawa ako sa kaba mo."

"You shut up, Belle." Pabulong nitong sagot. "Hindi ko na kaya. Maiihi na ata ako dito."

Bahagya akong natawa dahil sakanyang sinabi. Kahit ramdam na ramdam na namin ang tensyon ay hindi pa rin nila maiwasan na hindi maging seryoso. I know behind of their acts, they're nervous. Idinadaan na lamang nila sa pagbibiro ang lahat upang maibsan sandali ang tensyon. Nakakatuwa na sa kabila nito ay nakukuha pa rin nila ang magbiro.

Binabawasan lamang nila ang tensyon. Ginagawa nila ito upang mabawasan ang kaba na dulot ng tensyon na nagaganap. Narinig ko rin ang mahinang tawa ni Rex sa tabi ng aking kapatid. Maging ang iba pa naming kasamahan ay tila narinig ang kanilang sinabi kaya maging sila ay natawa na lamang.

"Both of you, keep quiet." Madiing bulong ko sakanilang dalawa. "Ang ingay nyo. Pwede namang manahimik lang."

Sinunod nila ang aking sinabi. Hindi pa man din umaabot ng limang segundo ay nagkaringinan silang dalawa at sabay na tumango sa isa't isa.

"You, shut up." Aniya nila at narinig ko na naman ang mahinang pagtawa ng iba pa naming kasama.

Napailing na lamang ako at naghahanda na sana nang sasabihin nang marinig namin ang tunog ng microphone. Nang iniangat ko ang aking ulo ay nakita ko ang tatlo na nakatayo at may hawak ng kanya kanyang mga mic.

Bumuntong hininga ako. Ilang minuto o baka segundo na lamang ang natitira sa oras. Matatapos na ang lahat. Dito na matatapos ang lahat. Magiging maayos na ang lahat.

Nakatingin lamang kami sakanila. Ang buong atenston namin ay nasa kanila at naghihintay sakanilang mga sasabihin.

"Fifth day." Pagsisimula nila. Sabay sabay pa din ang kanilang paglalakad. "And this day, matatapos na ang lahat." Pagpapatuloy pa nila.

Just Say ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon