PAGKATAPOS ng kanyang sinabi ay agad itong bumagsak sa sofa. Nakaya nyang ubusin ang tatlong bote ngunit umepekto na rin ito sakanyang sistema.Natatawang bumaling si Janna kay Alex at kinurot ito sa pisngi ngunit hindi na ito magising pa.
Bahagya ko rin itong tinapik sa pisngi ngunit kagaya kanina ay hindi ito natinag. Tuluyan na itong nakatulog at humihilik pa sya.
"Knock out" Natatawa nyang bulong.
It's already 12:30 pm. Iilan na lamang ang nananatiling gising at isa na kami ni Janna doon.
Inilibot ko ang aking tingin at nakitang si Mommy at Tito na lamang ang nasa labas. Marahil ay umakyat na sa kanilang kwarto si Daddy at balak ng mag pahinga.
Nilingon kong muli si Janna. Ngumiti sya sa akin at sumenyas na aakyat na sya patungo sa kanyang kwarto. Tango na lang ang itinugon ko sakanya.
Nang maiwan mag isa, ay agad kong iniayos si Alex sa sofa. Dahil sa ginawa nya kanina ay naisip ko na makaganti na lamang sakanya.
Hahayaan ko nalang syang manatili dito. Hindi na ko mag aabalang buhatin sya dahil alam ko naman kung gaano kabigat ang isang ito. Kahit ganito ang pangangatawan nya ay may kabigatan din sya.
Inaayos ko lang sya ng maayos sa sofa. Pagkatapos ay nagtungo na rin ako sa aking kwarto. Kagaya ng nakagawian ay naglinis muna bago tuluyang matulog.
KINAUMAGAHAN ay nagising na lamang ako dahil sa sigaw at malalakas na katok mula sa labas. Parang nagkakagulo sila sa labas ng pinto ng aking kwarto.
"Love. Come on, breakfast is ready. Get off on bed" Sigaw ni Alex mula sa labas.
"Don't wake him up" Panunuway naman sakanya ni Janna.
"Shut up." Aniya ulit. "Tanghali na Love. Wake up"
Nilingon ko ang digital clock na nasa sidetable ko. It's just 8:45 in the morning. Maaga pa para sa pag aalmusal gayong late na kami nakatulog kagabi.
Tinabunan kong muli ng kumot ang aking mukha. Itinakip ko rin ang isang unan sa aking tenga. Naririnig ko pa rin ang kanilang sigawan sa labas. Umagang umaga ay nagsisigawan na agad sila.
Naramdaman ko na lang ang paghila nila sa kumot. Tingin ko ay nasa magkabila ko silang gilid.
"Hindi naman pala naka lock." Aniya. "Wake up, Love."Tinatagan ko lang ang paghawak sa kumot. Ayaw ko pang bumangon. Mas mabuting sabihing tinatamad pa akong bumangon. Maaga pa naman kahit papaano.
"Love. Ano ba. Gising na."
Sa pagkakataong ito ay hinampas nya na ko ng ilang beses para pabangunin. Pinipilit pa rin nyang alisin ang kumot na aking pinangtataklob.
"I don't want to" Bulong ko. "Inaantok pa ko. Gisingin nyo nalang ako after 10 minutes."
"Hindi pwede. Get up. Get up. Get up."
"I don't want to." Tugon ko nalang.
Tinamaan na ako ng pagkatamad sa pag bangon. Parang gusto ko nalang na mamahinga maghapon. Wala na rin naman akong gagawin dahil hindi na kami nakapasok para sa araw na ito.
Patuloy naman sila sa paghila ng kumot. Alam kong hindi nila ko titigilan hangga't hindi nila ako napapabangon.
Sa mga ganitong sitwasyon sila nagkakasundo na dalawa. Sa pang bibwisit sa akin. Pareho sila sa mga ganitong pamamaraan.
"Mr. Joaquin Ortega. Get up." Madiin nyang sambit. "Ayaw mo ah"
Bigla na lamang silang natahimik, maya maya ay naramdaman ko na ang kanilang mga kamay sa isang gilid. Inihuhulog nila ako sa kamang aking kinahihigaan.
BINABASA MO ANG
Just Say It
Teen Fiction[ COMPLETED ] Ysabelle Sanchez and Joaquin Ortega's story Started: 06 | 11 | 17 Finished: 06 | 11 | 18 Highest Rank Achieved: #456 in Teen Fiction