ILANG oras ang aming ginugol sa pagbabantay sakanila. Nanatili kami doon ng mahigit pa sa limang oras ngunit hindi na sila pa lumabas muli.Nilalamon na naman ang aking utak ng kung ano anong mga negatibong bagay. Hindi ko ito maiwasan pagkatapos ng aking mga nakita kahapon.
Nakailang buntong hininga, pagkuyom ng kamao, at mga salitang pampakalma ang ginawa ko na sa aking sarili ngunit hindi pa rin ito sapat. Nananatili pa rin sa aking isip ang lahat.
"Wacky!" Mariing tawag nya. "Let's go. Another day to stalk" Aniya at hinila ako sa aking kinauupuan.
Hindi ako kumibo. Hindi rin nya ako napagalaw mula sa aking kinauupuan. Pinabigat ko ang aking sarili upang hindi nya ako mahila pataas. She glared at me. Mas lalo ka lamang pinabigat ang aking sarili.
"Wacky!" Bulyaw nya. "What the!"
Natawa ako dahil sakanyang itsura. Bakas sakanyang mukha na hirap syang iangat ako mula sa aking kinauupuan. Unti unti yang binitawan ang akibg kamay saka naupo na lamang sa aking tabi.
"Ayaw mo?" Umiling ako. "Bakit?" Umiling muli ako kaya nakatanggap ako ng batok mula sakanya. "Dahil na naman kahapon."
Muli ay bumuntong hininga na lamang ako. Ayoko munang makita ang ganoong eksena. Siguro ay titiisin ko muna na hindi sya makita. Titiisin ko muna na hindi lumapit sakanya. Nakaya ko naman yun ng sampung buwan, kaya makakaya ko muli ngayon.
"Maybe next time." Saad ko. "Uwi na tayo" Anyaya ko sakanya.
Dahan dahan akong tumayo. Sya naman ang hinawakan ko sakanyang kamay at biglang hinila. Natawa ako nang mabilis ko syang nahila paangat at tumama sa aking baba ang kanyang ulo.
She glared at me again. Ginulo ko lamang ang kanyang sagot bilang tugon sakanya saka sya tinalikuran. Nag umpisa na akong maglakad pabalik sa bahay na aming tinutuluyan.
"Are you sure?" I nodded. "Talagang talaga?" I nodded again.
Kumunot ang kanyang noo at hinampas ako sa aking balikat. Hinawakan din nya ang aking kamay saka hinila papunta kung saan. Akmang kakawala ako sakanya ngunit mas hinigpitan pa nya ang hawak sa akin.
"Where are we going?" Tanong ko.
Parehong direksyon ang aming pinupuntuhan kagaya kahapon. Pinilit ko ang aking sarili na huminto ngunit dahil sa lakas ng kanyang pagkakahila ay nadadala ako sakanya.
Ilang piglas pa ang aking ginawa ngunit hindi pa rin ito umepektibo. Dire siretso pa rin ang kanyang lakad kasama ako.
Sandali lamang ang ginawa naming paglalakad. Ilang bahay lamang ang aming nadaanan bago nuling makarating sakanila. Kakilala nya ang may ari ng bahay kaya doon nyang piniling tumuloy kahapon. Inaasahan na rin ang aming pagdating dahil bago pa kami nagpunta dito ay nagkaroon na ng reservation.
Pinalano nya talaga na magpunta kami rito. Plano nya rin na dalhin ako sakamya dahil alam kong rinding rindi na sya sa aking pinagsasabi tungkol sakanya. Iba na nga lang ang nangyayari ngayon. Hindi ko na sya gustong guluhin dahil sa tingin ko ay nakalimutan n\ nya ang kanyang mga salita.
"Tada! We're here" Sigaw nya.
Pinili nyang magtago sa likod ng puno katapat lamang ng bahay na aming minamanmanan. Tahimik kong pinagmasdan ang bahay. Naka angkala naman sya sa akin at kagaya ko ay nag aabang din ng kung anong mangyayari.
"Just... Five meinutes. We're done. Uuwi na rin tayo." Bulong ko sakanya.
Narinig ko na lamang ang kanyang pagbuntong hininga ngunit hindi ko na rinig ang kanyang salita. Nilingon ko sya. Tahimik syang nakatingin sa bahay. Mukha syang interesadong interesado sa ginagawa naming paghihintay.
BINABASA MO ANG
Just Say It
Teen Fiction[ COMPLETED ] Ysabelle Sanchez and Joaquin Ortega's story Started: 06 | 11 | 17 Finished: 06 | 11 | 18 Highest Rank Achieved: #456 in Teen Fiction