MAGKAHIWALAY naming hinanap ang bawat biktima na nadamay sa laro. Hindi namin sigurado kung sino sino ito pero maaaring isa sa mga palagi naming kasama o hindi naman kaya ay kakilala at ka close namin dito sa Academy.Ang hula lamang namin ay sina Rex, Janna at Yna ang mga itinago. Hindi kami sigurado pero itinatak namin sa aming isip na kailangan namin silang mahanap.
I was in our building. Nagbabakasali na narito sila at dito itinago. Inuna ko ang mga classroom sa ikaapat na palapag. Wala sila doon sa naunang dalawang silid kaya lalo akong kinabahan.
Namumuo na ang pawis sa aking noo. Hinihingal at lalo akong kinakabahan habang iniisa isa ang bawat silid. Sana ay narito kahit na ang isa sakanila.
Nang buksan ko ang ikatlong silid ay bumungad ang madilim na loob nito. Tahimik ang buong silid at maayos pa ang bawat gamit na naroon. Tanda na wala pang pumapasok dito at hindi pa nagalaw ang mga gamit.
Dahan dahan akong pumasok at inilibot ang aking tingin sa loob. Kaunting liwanag lamang ang naroon pero kita mo pa rin naman ang ayos ng nasa loob nito. Maayos. Tahimik. Halata na wala pa ngang pumapasok dito kanina. Marahil ay hindi dito itinago ang isa sakanila.
Marahan akong naglakad palabas. Dahan dahan kong isinara ang pinto saka humakbang sa susunod na classroom. Ito na ang huling classroom dito sa ikaapat na palapag.
Hahawakan ko pa lamang ang doorknob ng may marinig akong ingay mula sa loob. Saglit lamang ito pero naulit pagkatapos lamang ng ilang segundo.
Inilapit ko ang aking tenga sa pinto. Mahinang kaluskos lamang ang aking narinig. Bumuntong hininga ako saka muling hinawakan ito at dahan dahang inikot.
Bumungad sa akin ang medyo madilim na paligid. Tahimik rin ito at walang bakas na mayroon nang nanggaling dito kanina. Kumunot ang aking noo nang may marinig muli akong kaluskos pero wala namang ibang tao bukod sa akin.
Muli kong inikot ang aking paningin. Mula sa pinto ay unti unti akong pumasok at dumiretso sa teacher's table saka muling tumingin sa paligid. Muli akong nakarinig ng kaluskos. Hindi ko alam kung saan ito nanggagaling. Hindi ko matansya kung saan ito nagmumula.
Dahan dahan akong humakbang papunta sa likuran na bahagi nito. Naroroon ang huling row ng mga upuan at iba't ibang mga naka paskil sa likod.
Nasa kalahati pa lamang ako nang maramdaman ko ang pag vibrate ng aking cellohone. Dali dali ko itong kinuha at bumungad sa akin ang pangalan ni Belle sa screen.
Belle:
Wala ang tatlo sa east wing.
Napapikit ako nang makita ang kanyang text. Wala sila doon. Sigurado ako na mahihirapan kaming mahanap ang bawat isa sakanila. Sa laki at lawak ng academy ay hindi ito mahahanap ng madali.
Idagdag pa na hindi namin sigurado kung sino ang aming mga hinahanap. Maaari na ang tatlong pinakamalapit sa amin, pero maaari rin na isa sa mga kaibigan o hindi naman ay kakilala lamang. Maaaring madamay lahat ng aming kilala. Maraming pwedeng posibilidad kaya kailangan naming malaman kung sino sakanila.
"Sino ang tatlo?" Mahina kong tanong sa aking sarili. Muli ay napapikit ako at naramdaman muli ang pagvibrate ng aking cellphone.
Belle:
I'm going on the next building. How about in your area? Someone you found?
Bumuntong hininga na lang ako at hindi na sya nireplyan. Inihakbang kong muli ang aking mga paa at pinuntahan ang dulong bahagi ng silid. Tanging yapak ko lamang ang aking naririnig. Nakakaramdam ako ng paglamig. Kinagat ko ang kaing labi at pinigilan ang panginginig ng aking tuhod hanggang sa makarating ako sa aking pupuntahan.
"Walang tao." Naibulong ko na lamang.
Walang kahit na ano ang aking nakita roon. Tahimik akong umalis sa silid at dahan dahang isinara ang pintuan. Ganoon din ang nangyari sa mga sumunod na pinuntahan kong mga classroom.
Walang tao ang bubungad. Tahimik. Madilim. At puro lamang ang hangin ang aking kasama. Wala sila rito sa aming building. Hindi ko pa rin nakikita ang kahit na isa kina Janna kaya mas lalong lumalakas ang aking hula na sila nga ang idinamay sa larong ito.
Nakarating na ako sa unang palapag. Nawawalan na ako ng pag asa na mayroong isa ang nandito. Nalibot ko ang tatlong palapag pero wala pa rin akong nahana. Marahil ay sa iba sila naitago o hindi naman kaya ay wala naman talaga silang itinago.
Maaari rin na pinaglalaruan lang nila ang aming mga isip at pinapasakay sa larong kanilang sinimulan. Hindi ko na alam. Lalo lamang akong naguguluhan lalong tumatagal.
Isang pagbukas ng pinto ang aking narinig. Nanatili ako sa aking kinatatayuan hindi umiimik. Sa totoo lang ay natatakot ako. Natatakot na ako sa pwedeng mangyari. Kahit anong pilit kong maging matatag ay nawawala ito tuwing naiisip na mayroon pang ibang damay bukod sa akin.
Hinintay ko ang pagdating ng kung sino. Nanatili lamang ako sa aking kinatatayuan. Naririnig ko na ang kanyang mga yapak. Mararahan ang mga hakbang nito ngunit hindi nakakaligtas ang pagtunog ng kanyang sapatos. Hinanda ko ang aking sarili at nagtago na sa pader na kung saan sya dadaan.
At nang makalagpas na sya ay agad ko itong hinawakan. Ang aking kanang braso ay nakalock sakanyang leeg habang ang isa naman ay nakahawak sakanyang kaliaang siko.
"Wacky!" Sigaw nito sa akin. "This is Belle, you idiot"
Kahit na narinig ko na ang kanyang boses ay hindi ko pa rin sya binitawan. Niluwagan ko lamang ang hawak sakanya saka isinubsub ko ang aking mukha sakanyang likuran. Ang kaninang kamay na nasa kanyang leeg ay inilipat ko sakanyang bewang. I hugged her from behind.
"Wacky..." Nanginginig nyang tawag.
Alam kong hindi sya komportable sa aming ayos. I just want to be comportable, again. At sya lamang ang makakagawa niyon sa akin. Umpisa pa lamang ay naging komportable na ako sakanya. She was my comfort zone.
"Stay still." Bulong ko sakanya. "Let's stay like this. Kahit ilang minuto lang."
Nang hindi ko narinig ang kanyang pagtanggi ay ipinikit ko ang aking mata saka hinigpitan ang aking yakap. Naramdaman ko naman ang kanyang kamay na ipinatong sa aking mga kamay saka marahang hinaplos ito. Comfort.
Sa katahimikan ay mayroon akong unti unting nararamdaman. I can feel my fast heart beat. Mabilis itong pumipintig na para bang kinakabahan ako. Bahagya akong lumayo dahil ayoko nya itong malaman.
Tumikhim ako at tinanggal ang aking pagkakayakap sakanya. "Mag umpisa na muli tayo." Pormal kong sabi.
Umikot sya at humarap sa akin. Tinaas nya ako ng kilay saka inirapan. Akmang mag uumpisa na zyang maglakad papaalis ay nakarinig kamo ng kalabog. Nagkatinginan kami at sabay na tumango.
Tinakbo namin ang distansya mula sa may locker patungo sa stock room kung saan nang gagaling ang tunog. Nang makarating ay sinenyasan ko syang manatili sa aking likod. I tried to open the door, surprising at hindi ito naka lock. Pagkabukas pa lamang ng pinto ay bumungad na sa amin ang babaeng nakayuko at nakatali ang mga paa.
Hindi pa man din kami nakakaimik nang iniangat nito ang kamyang mukha. May piring ang kanyang mga mata at may busal ang kanyang bibig. Pero kilala namin ito.
"Yna." Tawag sakanya ng kanyang kapatid.
Mabilis itong nakalapit at inalis ang piring na tumatakip sakanyang mata. Isinunod naman nito ang kanyang bibig. Inabala ko naman ang aking sarili na tamggalin ang tali nito sakanyang kamay at paa.
The first victim was Yna. Her sister. Kung sya nga ang una, lumakas lalo ang aking hinala na si Rex at Janna nga ang dalawa pang damay.
"Ate..."
Hindi sya umiiyak. Nakangiti pa ito nang ibaling ang tingin kay Belle. Nababakas sakanya ang malamig na paningin ngunit hindi nakikita sakanya ang takot.
"You're already safe."
We find the first one. Two damays to go.
BINABASA MO ANG
Just Say It
Novela Juvenil[ COMPLETED ] Ysabelle Sanchez and Joaquin Ortega's story Started: 06 | 11 | 17 Finished: 06 | 11 | 18 Highest Rank Achieved: #456 in Teen Fiction