11

425 20 1
                                    


SAKA lamang lumabas ang aking malakas na tawa ng makita kong tuloy tuloy na syang naglalakad paalis.

Mabuti na lamang ay walang ibang tao ang nandito, kung hindi ay baka kung ano ang isipin nila dahil sa pagtawa ko.

Tumunog na ang bell. Hudyat na mag uumpisa na ang klase. Pinagpagan ko ang uniporme ko at nag umpisa ng maglakad paalis sa aking teritoryo.

Maraming estudyante na ang aking nakakasalubong. Mga nagmamadali at naglalakad ng mabilis. Mabuti na lamang ay nasa may likod lamang ako ng aming building, dahil kung hindi ay kagaya din nila akong late na sa unang klase.

Pinagpatuloy ko ang aking paglalakad hanggang nasa tapat na ako ng aming classroom. Sumilip muna ako sa unahang bahagi upang malaman kung nandoon na ang aming instructor. Mabuti na lamang at wala pa.

Kumaway sa akin si Rex habang may malaking ngisi sakanyang mukha. Tinanguhan ko lamang sya at dumiretso na sa aking upuan na katabi lamang ng kanya.

"You're late, huh" Aniya.

Hindi ko sya nilingon pa. Nanatili lamang akong nakatingin sa unahan. Alam ko na susunod nito. Uusisain na naman ako tungkol sa mga bagay.

"May pinagkakaabalahan" Dugtong pa niya. "Isn't it. Hmm"

Tinagilid ko ang aking ulo at tiningnan sya "Huh?"

Wala sa mga sinabi nya ang aking naintindihan. Puro lamang syang salita na bitin o hindi naman kaya ay puro pahiwatig. 

He smirk then he shrug his shoulders. "Nevermind. Saan ka galing?"

"In the usual"

"With?"

"No one"

Kuryusidad ang aking nakita sakanyang mukha. Hindi sya kumbinsado sa aking mga sinasabi. Tingin ko ay may gusto pa syang itanong at malaman.

Ibinalik ko na lamang ang aking tingin sa unahan. Hanggang ngayon ay wala pa ang aming instructor. Mukhang late din ito katulad ng iba pang estudyante.

"No one?" Nagdududa nyang sabi. "You sure?"

Tumango ako. Hindi na sya muling nagtanong pero ramdam ko ang kanyang pagtitig sa akin.

"I though. Oh well, nothing."

Pagkatapos ng kanyang sinabi ay hindi na muli itong nagsalita. Napailing na lamang ako. Kung ano ano na naman siguro ang tumatakbo sa isipan nya.

Para syang si Janna kung mag isip. Kaya siguro ay gusto nya ito dahil pareho sila. Pareho sila sa mga bagay bagay.

May sasabihin sana muli ito nang dumating na ang aming instructor. Si Mr. Cuevas, our English instructor. Isa sa mga terror dito sa aming eskwelahan.

Then, the boring lesson came.

Maghapong puro klase lamang ang nangyari. May mga seatworks, projects at kung ano ano pa ang pinagawa.

Alas tres ng hapon ng matapos ang klase. Nag uumpisa ng magsialisan ang mga estudyante sa aming classroom. Nagpahuli na lamang kami sa paglabas. Nagsisiksikan na sila at halos magtulakan makalabas lamang.

Nang kakaunti na lamang ang tao ay tumayo na si Rex at tinanguhan ko bilang hudyat na aalis na kami.

We have a code. A dude code rather. Mga bagay at kilos na kami lamang dalawa ang nakakaalam at nakakaintindi. 

Nakatayo pa lamang kami sa tapat ng aming upuan ng may tumamang isang bagay na naman sa aking ulo. Isang bote ng mineral water.

Rinig ko ang malakas na tawa ni Rex sa aking tabi at paglalakad ng sinumang tao mula sa may pinto.

Just Say ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon