17

285 12 2
                                    


ISANG tikhim ang nagpaiwas sa amin mula sa pagkakatitig. Sabay naman kaming napalingon doon at nakitang si Tito Seb ito.

Matalim ang kanyang titig at mataas din ang sulok ng kanyang labi. Tumikhim muli ito dahilan upang mapatayo na ako at mapakamot sa aking batok. Ganoon din ang ginawa ni Belle at lumapit na kay Tito. Ikinawit pa nya ang kamay sa braso nito.

"Am I interrupting something?" Nakataas nyang tanong.

Nagkatinginan kami ni Belle saka sabay na umiling. Pinaningkit nya ang kanyang mata at tinaliman pa lalo ang kanyang tingin. Napalunok ako at muling umiling.

"No, Tito" I said.

Nawala ang talim ng kanyang tingin ngunit napalitan naman ito ng pag ngisi. He looks like a strict father at nakakaintimidate sa tuwing titingnan mo sya. Mula sakanyang pagtitig, pagngisi at pati ay pagtaas ng kilay ay nakakatakot.

"Actually, he's goi—"

"Oh, I forgot!" Putol nito sakanya. Tumingin ito sa akin saka ngumiti. "Dito ka na magdinner. Naghanda na si Say"

"No. I mean he's going na Dad." Nagtataka akong tumingim sakanya pero pinandilatan nya ko ng mata.

Tumango nalamg ako. "I'm going."

"You sure?" Tumango akong muli. "Okay, if you said so."

Tumalikod at naglakad na sya papunta sa dining area. Naiwan naman kami at nagpapakiramdaman.

What's her problem?

Sa ikalawang araw ng paglilinis ay nadagdagan lamang kami ng gawain. Dagdagan punishment dahil sa nagawa naming pagtakas mula nung isang gabi.

Nasermonan pa kami at pareho lamang napangiwi dahil sa dami ng bilin at sermon sa amin. Puro tango at iling nga lang din ang aming naisagot.

Sa ikatlo at huling araw naman ay naging maayos na ang lahat. Nasa unang palapag na kami ng aming building at nangangalahati na rin sa gawain.

Si Belle pa rin ang taga punas at ako pa rin ang sa pagma mop. Ang kaibahan nga lang nagyon ay ang dalawa pa naming kasama na prente lamang nakaupo at nakasandal sa locker area.

Nakatingin lamang sila sa amin habang kami ay abala sa paglilinis. Nakailang pagpaparinig na ang ginawa ni Belle ngunit hindi ito pinapansin ng dalawa. Nagpapatay malisya lamang sila at nagbibingi bingihan.

"Faster" Nakabusangot na sabi ni Janna sa amin.

Sinamaan naman lang sya ng tingin ni Belle pero ginantihan nya naman ito ng pag irap. Si Rex naman ay nakapikit na habang hinihintay kaming matapos sa aming ginagawa.

"Kung tumulong ka kaya?" Sarkastikong sagot naman ni Belle sakanya.

Ningisian lamang naman sya ng kapatid ko at umiling. "You're fault. You're punishment."

Napangiwi na lamang ako sakanilang dalawa at nagpatuloy nalang sa paglilinis. Maya maya ang pagsulyap ko sakanila ngunit mabilis ko ding ibinabalik sa akong ginagawa.

"Bakit kasi nagpahuli kayo" Pagsingit naman ni Rex. "Gagawa nalang ng kalokohan ay nagpahu—"

Napatingin ako sakanya nang may tumamang basahan sakanyang mukha. Nagpakawala ng isang malakas na halakhak si Janna kaya mahina akong natawa dahil doon.

"The fuck, Belle!" Sigaw nito dito.

Napatawa pa kami lalo ng isang basahan na naman ang tumama sa mukha ni Rex. Basa pa ito at tumutulo pa ang tubig sa sahig.

"Your mouth. Bad" Simpleng sabi nito.

Ihahagis nya sana ang pabalik ang basahan ngunit pinigilan na sya ni Janna. Tiningnan na lamang nya ito ng masama. Nagkibit balikat lang naman si Belle sakanya saka nagpatuloy sa ginagawa.

Just Say ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon