ITO ang magiging simula. Simula ng tuluyan kong pag iwas sakanya. Nakapag desisyon na ko na hindi pa man nagsisimula, pipigilan ko na.I was confuse with this. Hindi ko pa alam kung ano to pero gusto ko nang huwag nang umpisahan pa kung ano man ito. I'm afraid of this.
Hindi ko man mapangalanan kung ano ito ay gusto ko ng tapusin na. Mas maganda na siguro na hindi ko na ituloy kung hindi ko naman sigurado kung ano man ito.
Tiningala ko ang kalangitan. Natatakpan ng ulap ang araw. Umiihip ang panghapong hangin na hindi na ganoon kainit.
Hinintay kong mawala sya sa aking paningin bago umpisahan muling maglakad at umalis. Hinintay kong makalayo sya bago ako tuluyang umalis.
Kasabay ng iilan pang estudyante ay nag umpisa na muli akong humakbang. May nakakabangga pa rin sakin dahil sa pagmamadali. Hindi ko na lamang itong pinansin at tumuloy na lamang kung saan.
Diretso lamang ako nang lakad pero maya maya pa ay huminto na at nanatili sa aking kinatatayuan. Hindi ko alam pero mayroong nagtutulak sa akin na tumigil at manatali sa aking kinatatayuan.
Nilibot ko ang aking tingin. Sa aking paligid ay naroon ang iba't ibang estudyante. Iniikot kong muli ang aking mata at natagpuan ang isang pares ng mata na diretsong nakatingin sa akin ilang metro lamang ang layo.
She was standing near the tree. Nakasumbrero sya pero kita pa rin ang kanyang mata. Malapad ang kanyang pagkakangiti at diretso syang nakatingin sa akin.
Kumunot ang aking noo at lumingon sa paligid. Iniisip baka may iba pang tao at sakanya ito nakatingin. Nang walang ibang tao akong nakita ay ibinalik ko ang aking tingin sakanya. Nakita ko syang lumalapit na sa akin kaya inumpisahan ko na rin ang paglalajad paalis sa aking kinatatayuan.
"Wacky!" Sigaw nya. Hindi ko sya pinansin at pinagpatuloy pa ang paglalakad. Mas binilisan ko pa ito.
"Wacky! Wacky! Wacky!"
Patuloy pa rin ito sa pagtawag ng aking pangalan. I don't think na kilala ko sya. Hindi ko sya mamukhaan.
"Joaquin Ortega!" Mas binilisan ko pa ang aking lakad.
Ang iba sa nakakasalubong ko ay nakatingin na sa amin dahil sakanya. Napapikit na lamang ako ng tawagin nyang muli ang aking pangalan.
"Joaquin Wacky Ortega." Mas malakas nyang sigaw. "Punyeta. Kapag hindi ka pa lumingon ay ipagkakalat ko na nahulog ka sa fountain ng school nyo noong elementary ka pa." Patuloy nyang pag sigaw.
Hindi ako nagpatinag. Marami nang may alam ng kanyang sinabi. Kahit na ngayong mga kaklase ko ay alam na ang tungkol doon. I'm being bullied way back then. Back in elementary days.
Pagkatapos noon ay akala ko ay titigil na sya. Natahimik sya kaya lalo kong binilisan ang aking lakad. Hindi ko na rin sya nilingon at tuloy tuloy lamang ako.
"You're being punished by your instructor, way back in high school." Narinig kong muli nyang sigaw. "Sa pagkakataong yun ay pinaglakad ka sa buong school nang —"
Agad akong huminto nang lakad. Nilingon ko sya agad. Natahimik sya nang makitang nakatingin na ako sakanya. Tumaas ang kanyang kamay at kumaway sa aking direksyon. A wild grin plastered on her face.
Kinunot kong muli ang aking noo upang alalahanin kung sino man sya. As far as I know, hindi ko sya kilala. Maaari ring hindi ko lamang sya natatandaan.
Unti unti syang naglakad papalapit sa akin. Naroroon pa din ang malaking ngisi sakanyang mukha. Mabagal ang kanyang lakad kaya inihakbang ko na rin ang aking paa upang salubungin sya.
Diretso lamang ang tingin ko sakanya. Hindi rin naman nya inalis ang kanyang tingin hanggang nang sa malapit na ay niyakap nya ko.
Ang kanyang mga braso ay nasa aking leeg. Natatamaan din ako ng kanyang sumbrero kaya iniangat ko ang aking kamay at inalis ito mula sakanyang ulo.
"Now, do you know who am I?" Nakangiti nyang tanong.
Umiling ako sakanya. Hindi ko pa rin sya maalala. Kahit anong pilit ko ay hindi ko sya maalala. Tiningnan nya ko ng masama saka bumitaw sa akin at lumayo.
She pouted her lips and stomp in her foot. Hindi naman ako natinag sa aking kinatatayuan. Nakatitig lamang ako sakanya at pilit pa ring inaalala kung sino nga ba sya.
"Hindi mo ba talaga ko naaalala?" Tanong nyang muli. Muli rin ay umiling ako. "Nakakatampo kana"
"Ikaw si Wacky Ortega diba?" Aniya.
Tumango ako sakanya. Tinitigan nya kong muli. Kumunot ang kanyang noo at bigla na lamang nanlaki ang kanyang mata na akala mo ay may napagtanto.
"Oh my god! Don't tell me, nagka amnesia ka? Bakit wala naman syang nakakwento?"
"Sino... ka ba talaga?" Tanong ko sakanya.
She stomp her feet again. Tapos ay lumapit sya sa akin at ginawa ang isang bagay.
She slapped me... hard.
Rinig ko ang malakas na tunog ng kanyang pagsampal. Mariin ding tumagilid ang aking mukha. Ibinalik ko lamang ang tingin ko sakanya at madiin syang tinitigan.
"Ano bang problema mo?"
Natatawa syang umiling. Nang makita ang aking itsurang iritado ay lalo pa syang humagalpak.
"Baliw" Mahina kong sabi.
Hindi sya tumigil sa pagtawa. Nakahawak na rin sya sakanyang tyan. Namumula na rin ang kanyang mukha dahil doon.
Pinagmasdan ko lamang sya. Isang pangalan ang pumasok agad sa isip ko. She. Ang kanyang pagtawa ang aking naaalala.
Ipinilig ko ang aking ulo upang mawala ito sa aking isip. Those smiles. Nang gugulo nang muli aa aking isip ang kanyang mukha maging ang aking napaginipan.
Naiimagine ko na ang kanyang itsura sa aking harapan. Ang kanyang marahang pagtawa maging ang kanyang pagtitig. Sa aking imahinasyon ay nandito sya nakatayo sa aking harap at nakatitig ng diretso sa akin.
Ang kanyang mukha ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan, itinulak ko sya palayo at nagulat sya dahil doon.
"I'm... sorry." Bulong ko na lamang.
Masama nya kong tiningnan. Bumuntong hininga ako saka tinalikuran sya. Ihahakbang ko pa lamang ang aking paa nang magsalita na naman sya.
"Alysa."
Napatigil ako nang marinig ko ang pangalang yon. Ilang saglit pa ay naramdaman ko na lamang ang yakap nya mula sa aking likuran.
"I miss you, Wax" Aniya nang pabulong.
Napapikit na lamang ako. She's back. Hinanda ko na ang sarili ko sa araw na ito ngunit kahit ano palang gawin, alam kong sa sarili ko na hindi pa. Hindi pa ko tuluyang handang harapin syang muli.
Kinalas ko ang kanyang hawak. Umikot rin ako paharap sakanya saka sya hinalikan sa noo. I'm sorry. Naramdaman ko ang pagyakap nyang muli sa akin. Mahigpit. Pagkabasa ng aking damit. Umiiyak sya.
Memories. That night. She. Accident. Pinikit kong muli ang aking mata. Unti unting namuo ang luha. Hanggang ngayon, dala ko pa rin ito. Dala ko pa rin ang nangyari noong nagdaang taon. Until now, sinisisi ko pa rin ang sarili ko dahil doon.
BINABASA MO ANG
Just Say It
Teen Fiction[ COMPLETED ] Ysabelle Sanchez and Joaquin Ortega's story Started: 06 | 11 | 17 Finished: 06 | 11 | 18 Highest Rank Achieved: #456 in Teen Fiction