39

164 7 0
                                    


I don't need any fucking warning from him. This time, I can protect her with or without that warning. Kaya ko ang protektahan sya. Kaya ko rin namang bantayan sya.

That was my tasked to her. Ang bantayan sya. Matagal ko na namang ginagawa yun kahit na nung hindi kami nagpapansininan. I've always checked on her. Mas doble nga lang ngayon.

"Kuya, you know Spade? How?" Nakakunot nyang tanong sa akin.

Nagkibit balikat ako at walang balak na sagutin ang kanyang tanong. Iniyuko ko amg aking ulo upang maiwasan ang kanyang mga tingin.

Kahit nang narito na kami sa bahay ay kinukulit pa rin nya sa nangyari kanina. Wala akong ibang sinagot mula sakanyang mga tanong. Umiiling lamang ako dahil ayoko sana syang madamay.

"Kuya!" Twag nyang muli. "Paano mo nakilala si Spade?" Pagpupumilit nya.

Umiling muli ako at binisan ang paglalakad. Mabilis akong nagtungo sa aking kwarto at mabilis din na inilock iyon upang hindi na sya makapasok pa.

Bumuntong hininga ako saka pumikit nang mariin nang marinig ko ang pagkalabog ng aking pintuan. Malalakas at mapwersa ang bawat katok na kanyang ginagawa. 

Sinalpakan ko na lamang ng earphone ang aking tenga. Nilakasan ko din ang volume ng aking cellphone upang hindi ko sya marinig. Komportable akong humiga. Wala na ang ingay.
Wala na akong ibang naririnig kung hindi ang mabagal na kanta na syang natugtog sa aking playlist.

Ipinikit ko ang aking mata. Nang ipikit ko ay nakikita ko na naman sya. I still dreaming of what happened, years ago. I know it was my fault. Kasalanan ko kung bakit nangyari yun.

"Go home." Bulong ko.

Malakas na bumubuhos pa rin ang ulan. Ang kulog at kidlat ang syang tanging naririnig. Natahimik sya sa kabilang linya.

Marahang pagbuntong hininga lamang ang aking naririnug mula sakanya. Alam kong narinig nya ang munti kong pakiusap.

"Go home." Pag uulit ko.

Wala na akong pakialam kung marinig na nya ito. Ang gusto ko lamang ay ang makita at makasama sya ngayon. Tatlong araw na syang wala.

"Hindi pa pwede." Aniya.

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Bumuntong hininga at patuloy na ibinulong ang kanina ko pang pakiusap.

"Wax."

"Please?" Pag susumamo ko.

I hope she didn't forget what date today. I hope she didn't forget anything today. Kung makalimutan man nya ay maiintindihan ko, umaasa pa rin akong naaalala nya ito.

Isa sya sa mga malapit sa akin. Bestfriend ko pa at parang kapatid na din. Sana, maalala nya. Sana. Sana. 

"Lys..." Muli kong pagtawag.

Mariing buntong hininga lamang nya ang aking naririnig. Muling umugong ang tunog ng kidlat. Muli ay napapikit ako at napakapit ng mahigpit sa cellphone na aking hawak.

"Wax, hindi talaga pwede."

Bumuntong hininga muli ako dahil sa narinig. It was loud and clear na wala talaga syang naaalala ngayon. Gusto ko magalit sakanya. Gusto kong sabihin pero alam kong hindi ko naman kayang gawin.

Pilit na ngiti ang aking ginawa. Fine. Kung hindi talaga pwede, edi hayaan na lamang.

"Okay..."

"Wax! I'm sorry."

"It's okay. I understand." Sabi ko na lamang.

"Wax, pagkauwi ko, mag uusap tayo." Tumango ako kahit hindi nya nakikita. "Okay?"

Pagkatapos nang ganung usapan ay agad ko nang ibinaba ang tawag. She forgot what's the event for today.

Hinayaan ko ang aking sarili na tumulala. Sa kisame nakikita ang kanyang mga ginawa. Nagpakabit sya ng glow in the dark sa aking kisame. Napapangiti ako dahil doon.

Sya lamang ang may lakas ng loob na salungatin at gawin ang gusto sa mga gamit ko. She always the guts to do want she wants. Kahit tumutol ako ay alam kong gagawin at gagawin pa rin nya ito kahit na anong mangyari.

Habang tumatagal ay lalong lumalakas ang ulan. Humahampas sa aking bintana ang malakas na hangin. Nagbibugay ito nang malakas na tunog kapag tumatama sa salamin. Maaari pa itong mabasag dahil sa paghampas.

Nahagip ng aking mga mata ang kahong nasa ibabaw ng maliit na mesa na syang nasa tabi lamang ng aking study table. Maliit na kahon na syang naglalaman ng dapat na aking regalo sakanya.

Iniiwas ko na lamang ang aking tingin doon. Inabala ko ang aking sarili sa pagtingin ng nasa aking kisame. Stars and moon.

Isa sa mga dahilan kung bakit ako pumayag sa pagpapakabit ng mga yun ay nakakagaan ng pakiramdam. I am very fond of stars and moon. Pakiramdam ko ay kaugnayan ako sakanila kaya naman ay parang konektado sya sa akin.

Isang ring sa aking cellphone ang nagpalingon sa akin. It was Lys. Napataas ang kilay ko nang makita ang kanyang pangalan sa screen.

"Hey!" Bati ko sakanya.

Nanahimik sya sa kabilang linya. Tiningnan ko pero on going pa din naman ang tawag.

"Lys..."

Nakarinig ako nang paghikbi mula sa kabilang linya. She was crying. Tahimik syang umiiyak mula sa kabila.
"Lys..."

"I'm... Sorry, Wax" Pahikbi nyang bulong.

Napangiti ako. Siguro ay naalala na nya kung anong mayroon ngayon. Mabuti naman.

"It's okay... Let's celebrate when you get –"

"No. No. No. Uuwi na ko."

Naalarma ako sakanyang sinabi. Napabangon sa kama at tumayo. Nilingon kong muli ang bintana. Patuloy pa ring bumubuhos ang ulan. Malakas at nakakatakot pa rin ang pagbuhos nito.

"No. Pwede namang ipagpali–"

She cut me off. Again. "Hindi!" Sigaw nya. "We will celebrate it. Aabot pa naman ako hanggang mag alas dose."

Sunod sunod akong umiling. Naririnig ko mula sakanya ang pagbagsak ng kung ano ano sa lapag. Mukhang naghahanda na sya sa pag alis.

"Listen, Lys. We can cancel that. Malakas ang ulan at madulas ang daan baka maa–"

"No!" Sabi nya sa kabilang linya at tuluyan nang ibinaba ang tawag.

I tried to call her again. Isa. Dalawa. Tatlong beses hanggang sa naging lima na ngunit hindi pa rin nya sinasagot.

Sa pagpapatuloy nang ulan. Sa pagkulog at pagkidlat, kinabukasan ay nabalitaan ko na lamang na naaksidente sya.

She need her treatment, at hanggang ngayon ay pinagpapatuloy pa rin nya ang pagtethearapy para sakanya.

Mahinang sampal ang gumising sa akin. Sampal na syang nagpabalik sa aking sa kasalukuyan. Ibinaling ko sakanya ang aking tingin. Nakakunot ang kanyang noo sa akin at nagtataka.
"Kanina ka pang tulala, Kuya." Muli ay tinapik nya ang aking pisngi. "You okay?"

Tumango na lamang ako kahit hindi naman talaga. Hindi sya kumbinsado sa aking sinabi kaya isang pilit na ngiti pa ang aking ibinigay sakanya. Ngumuso sya at inalis sa akin ang tingin.

"Alam mo na ba, Kuya?"

Nagtatakang tingin ang aking ibinigay sakanya. Bumuntong hininga sya at agad na tumingin sa akin. Naluluha na ang kanyang mga mata.

"What... Happened?"

Tuluyan nang tumulo ang kanyang luha. Tumayo agad ako at inihakbang ang aking paa papunta sakanya. Hinila ko sya at binigyan ng isang yakap.

"Belle... naaksidente sya."

Just Say ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon