26

194 9 2
                                    


WE'RE been following them for almost three hours now.

Wala rin silang tigil sa paglipat lipat ng lugar at sa iba't ibang paggagalaan.

Nang magsawa sa arcades ay panunuod naman ng sine ang kanilang isinunod.

Nagkatinginan kami noon ngunit sa huli ay nagkibit balikat na lamang at sumunod din sakanila sa loob ng sinehan.

The movie was good. A romantic comedy one. Sa huli lamang ay nabigla kami dahil hindi sila ang nagkatuluyan. Sa dami ng kanilang napagdaanan ay mas pinili nila ang maghiwalay.

Marami rin ang nagtatataka ng ganun ang nangyari sa ending. Usap usapan ito hanggang sa makalabas at paalis na ng sinehan.

"That movie" She said. Trying to sound okay but her voice didn't. "Na shock ako dahil sa nangyari. They didn't end up together" 

Nagkibit balikat lamang ako sakamyang sinabi. Hindi na rin ako nagkomento o nagbigay pa ng opinyon dahil kahit ako ay hindi inaasahan ang naging ending ng palabas.

"Bakit ganun?" Napatigil sya sa paglalakad kaya huminto rin ako at hinintay sya. "Hindi ko matanggap."

"Accept." Sabi ko. "Hindi naman kasi lahat ay nagkakatuluyan. Hindi lahat may happy ending."

Pinanliitan nya ko ng mata pagkatapos ay umirap. "For a boy who was loveless, you have a lot of knowledge."

Umiling ako. Bumungisngis sya. I glared at her pero hindi umepekto. Bumungisngis lamang muli sya. "You tell me, is there any person in your mind right now?"

Yumuko ako. Kunwari ay nag isip pero umiling. Iniangat ko ang aking tingin sakanya at sumalubong ang nagmamatyag nyang mga mata.

"Seriously?" She said. "Tell me. I won't tell Janna" Muli ay umiling ako.

Nilingon ko ang kinaroroonan nila Janna. Napaayos ako ng tayo at napatingin sa aking paligid nang hindi na sila makita roon.

"Shit!"

"Why are you..." Hindi na nya natapos ang kanyang sasabihin nang higitin ko sya papunta sa gilid.

I was blocking her sight. There was them. Standing near us. Nakikipag usap sa ibang tao.

"Where are they?" She ask.

Sinusubukan din nyang silipin sina Janna pero pilit kong hinaharangan. Iniangat ang kanyang tingin. Again, she glared at itinulak ako ng bahagya.

"Hindi ko sila makita." Nakasimangot nyang sabi. "Tabi!"
Hinarangan ko na lamang syang muli. Kung pagpapatuloy nya ang kanyang ginagawa ay makikita at malalaman nito na sumusunod kami sakanila mula pa kanina.

Sinilip kong muli sila. Naroon pa rin sila at nakikipag usap. Sa tingin ko ay kasing edad lamang nila amg mga iyon.

Pilit pa rin akong itinutulak ni Belle. Hinaharangan ko lamang ang kanyang tingin. Hanggang baba ko lamang sya kaya hindi pa rin nya makita sila kahit na anong gawin nya.

"Hey! Ano bang ginagawa mo?" Bulong nya.

Nananatili lamang sya sakanyang pwesto. Hindi na sya sumisilip sakanila.

"Mahuhuli tayo kapag pinagpatuloy mo yan." Bulong ko sakanya pabalik.

Ngumuso na lamang sya at pinadyak ang paa. Ngumisi ako sakanya kaya lalong sumama ang kanyang mukha.

Hihilahin ko pa sana sya palayo ngunit narinig ko na lamang ang pagbagsak ng isang bagay sa sahig.

Nilingon ko ito. Isang babae ang nakatingin sa sahig. Her phone was there and there was a stain in her dress. Nilingon ko si Belle, namumutla na sya kaya hinila ko na lamang sya papunta sa akin.

Just Say ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon