MABIBILIS ang aking mga hakbang. Hindi ko alam kung nagbibiro lamang ang lalaki ngunit wala namang masama kung maniwala.As I look at him, mukhang seryoso sya. Nakikita ko sakanyang mukha ang sinseridad .
Nang tuluyan na syang nakaalis at tumakbo agad ako papunta sa aming building. Pumasok agad sa isip ko na kailangan kong puntahan si Belle.
Sya lang naman ang alam kong malapit sa gulo. Ngayon din ay alam kong sya ang binabantayan ng lalaki ng ilang araw na.
May iilang mga estudyante ang nakaupo sa gilid ng hallway habang ang iba ay nakatayo habang nagkekwentuhan. May iilan ding nasa kanila ng classroom at doon nagpapalipas ng oras.
As I reach for her room, dali dali akong pumasok sa loob. Hindi alintana ang taong mga nakatingin. Hinanap agad ng mata ko ang kanyang presensya.
She was there, sitting comfortably in the backrow. Sakanyang tabi ay si Janna na nakatingin na sa akin ngayon at nagtataka.
Agad akong lumapit sakanila. Bago pa ko mag isip ay hinila ko na sya patayo at tiningnan kung may galos o sugat ba sya sakanyang katawan.
"W...hat are you...doing?" Nagtataka nyang tanong.
Hinawakan ko sya sakanyang balikat at inikot. Pagkaharap sa akin ay tinitigan ko naman sya.
Bakas sakanyang mukha ang pagtataka. Nakakunot ng bahagya ang kanyang noo. Mamula mula din ang kanyang pisngi.
"Are...you, okay?"
Hindi sya sumagot. Diininan ko nang bahagya ang aking hawak sakanyang balikat. Diretso ko syang tiningnan.
"Ayos ka lang...ba?" Tanong kong muli.
Tumango sya. Bumuntong hininga ako at dahan dahang syang binitawan. Buti naman.
Isang beses akong humakbang paatras. Hindi ko inalis ang tingin sakanya.
"Kuya, anong problema?" Nagtataka nyang tanong.
Umiling lamang ako at akmang tatalikod na ngunit hinawakan nya ko sa aking braso. Tiningnan ko ang kanyang kamay. Napatingin din sya doon at binitawan na ang aking braso.
"Tell me kapag may nangyari o mapasabak ka na naman sa gulo."
Pag kunoot noo ang kanyang sagot. Ibinuka kong muli ang aking bibig para sana magsalita ay wala nang lumabas pa. Kinagat ko nalang ang aking labi upang pigilan ang aking sarili.
She's okay, Wacky. Relax.
Mahina kong bulong sa aking sarili. Pumikit din ako at pagkatapos ay minulat kong muli ang aking mata at pilit na ngumiti sakanila.
"I'm just...want to check on you." Tiningnan ko si Belle. "Tell me when there's something happen."
Tumango sya. Pero bakas pa rin sakanyang mukha ang pagtataka. Ganoon din ang nakita ko kay Janna pero nagkibit balikat na lamang ito.Tuluyan na akong tumalikod. Dahan dahan kong inumpisahang muli ang paglalakad. Ramdam ko pa rin ang pagtingin kahit ng iilan nilang mga kaklase. Mabuti na lamang kakaunti pa lamang sila dito.
I am being paranoid. Nauunahan na ko ng kaba na baka mayroon ngang mangyari. Kahit ano pa yun ay sigurado ako na damay ako. After all, lagi akong nandoon kapag may gulo or worst ay magiging kasabwat pa ako.
Nasa hallway pa lamang ako ay agad nang bumungad sa akin si Rex. Nakakunot na ang noo nito at may nagtataka ng tingin.
Nagkibit balikat lamang ako sakanya at nilagpasan sya. Dumiretso agad ako sa aking upuan. Pagkarating ay inilapag ko lamang ang aking bag saka umuob na sa aking lamesa.
BINABASA MO ANG
Just Say It
Teen Fiction[ COMPLETED ] Ysabelle Sanchez and Joaquin Ortega's story Started: 06 | 11 | 17 Finished: 06 | 11 | 18 Highest Rank Achieved: #456 in Teen Fiction