MALAKAS na ulan. Malamig na panahon. Komportable na higaan. Musika.My comfort zone.
Still in bed. Lying.
It's 9:30 a.m but still don't want to get up. Nakakatamad. Ang gusto ko lamang ngayon ay mahiga, matulog at managinip.
Tuesday, but no classes. Malakas pa ang ulan at nagbabaha na sa ibang lugar. Mabuti na lamang ay safe dito sa tinitirhan namin.
Wala akong gustong gawin ngayon kung hindi matulog. Ilang beses na nila akong kinatok ngunit hindi pa rin ako bumabangon.
Knock. And then another knock.
Sila na naman. Siguro ay pinapatawag na ako nina Mommy.
May pasok o wala. They always want na maaga kaming magising. Gusto nila na sabay sabay kami kakain.
Wala kaming maid, taga laba or so whatever na tauhan. Ang gusto nila Mommy ay simpleng pamumuhay. Hindi naman kami ganoon kayaman. Tama lang. Parehas may trabaho ang magulang namin and so far, wala naman kaming financial problem.
Bumukas ang pintuan at bumungad saakin ang aking kapatid. Now, she's the one na naka assign saakin manggising. Kanina ay si Daddy ang nandito. Ngayon si Yna naman.
"Get up" She said. "Mom and Dad is waiting for you"
Pagkatapos nyang sabihin yun ay umalis na agad sya sa kwarto ko. Hindi na sya nag antay ng sasabihin ko.
She's weird. Pakiramdam ko ay lalamigin ako kapag sya ang kausap mo. Cold as ice. We talk but not that much. Mabilis nya kasing tinatapos ang usapan. Mas gusto pa nyang mag isa.
Tumayo na ako at dumiretso sa banyo. Kailangan ko ng bumaba. Pag si Mommy na ang sumundo saakin ay malamang may sermon pang kasama. Naghilamos lang ako at nagtoothbrush. Hindi na nag abalang magsuklay.
Mahihiga rin naman ako pagkatapos kumain.
Matapos mag ayos ay lumabas na ako ng aking kwarto at nag umpisa ng maglakad papunta sa dining area. Nasa hagdan pa lamang ako ay naririnig ko na ang usapan ng aking magulang.
"Wala pa rin ba ang kapatid mo?"
"Pababa na My"
"Hintayin mo nalang"
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Agad din naman akong nakarating sa dining. Hindi naman ganoon kalaki ang bahay namin. Two storey house. Limang kwarto. May dining, receiving area, kusina, at may maliit na garden.
Simpleng pamumuhay.
Agad akong humalik sa pisngi ni Mommy at Daddy. Bahagya ko naman na tinapik ang balikat ng aking kapatid saka naupo sa bakanteng upuan sa kanang bahagi nya.
Pag kaupo ay agad akong kumuha ng kaunting kanin, ham at bacon. Malakas akong kumain ngunit parang wala akong gana ngayon.
"Yan lang ang kakainin mo?" Bulong saakin ni Yna. I nodded.
Tahimik lang akong kumakain ngunit sila ay patuloy lamang sa pagkekwentuhan. Nangunguna sa pagkekwento si Mommy habang si Daddy naman ay nakangiti lang habang nakikinig naman kay Mommy.
I admire my parents. Hindi man sila yung tipikal na mag asawa na sobrang sweet pero sila yung mag asawa na masarap tingnan pag nag lalambingan.
"Someday, you will have that relationship" Yna said. Nakatingin din ito kina Mommy.
Hoping.
Lahat naman ata naghahangad ng happy endings. Happy life at kung ano ano pang bagay na masaya.
BINABASA MO ANG
Just Say It
Teen Fiction[ COMPLETED ] Ysabelle Sanchez and Joaquin Ortega's story Started: 06 | 11 | 17 Finished: 06 | 11 | 18 Highest Rank Achieved: #456 in Teen Fiction