44

189 5 0
                                    

Longest chapter na nasulat ko, so far . Enjoy reading!

PANAY ang aking mura nang matapos ang isang araw. Katatapos lamang ng kanilang ginawa ngunit sa tingin ko ay mayroon na naman.

Limang kalalakihan ang humarang sa aming daan. Hindi pa man din kami nakakapagpalit ng damit ay sa tingin ko ay madadagdagan na naman ang mga maibabato o mailalagay sa aming katawan.

Hinawakan ko kaagad sa braso si Belle nang pumalibot na sila sa amin. Malalaki ang ngisi ng mga ito at kitang kita sakanilamg mata na may gagawin silang maganda sa amin.

"Anong kailangan myo sa amin?" Mahinahon ngunit may diin kong sabi sakanila.

They just laughed at us. Umiling iling pa ang mga ito saka sinabayan muli ng pagtawa. Nagtagis ang aking bagang sakanilang isinagot. I feel like I'd like to punch someone. Sa nangyari sa amin ngayon ay kailangan ko ng mapaglalabas ng inis.

Ngumisi ako nang mapagtanto na maaari na maging sila na lang ang pagbuntungan ko. Kumunot ang noo ng nasa aking unahan nang makita ang aking pag ngisi.

"Anong ningingisi ngisi mo riyan?" Aniya.

Pinagpatuloy ko lamang ang pag ngisi. Nagbago ang itsura nito saka umambang susuntok pero napigilan na sya ng kanyang katabi. May ibinulong ito dito na syang naging dahilan ng pagkalma nito.

"This is just the beginning, dude. Hindi kayo titigilan ng tatlong iyon hangga't hindi kayo sumusuko sakanila." Sabi pa ng isa at lumapit ng bahagya sa akin. "A friendly advice, dude. Sumuko na lamang kayo."

"No." Kontra ko agad. "We will win against them. Mark my word. Sila ang susuko sa amin." Nakangisi ko pang dugtong.

Marami man sila sa bilang, alam kong may paraan pa para matalo sila. There's always a way to defeat them. Alam kong may pag asa pa kami kahit papaano.

Ang kailangan lamang ngayon namin ay ang plano. Plano na syang magpapabagsak sakanila at sa mga ksamahan nila. Maaaring isa isahin namin sila o pabagsakin ng isang bagsakan lamang.

"What do you mean, Wax? May naisip ka na?" Umiling ako sakanyang tanong.

Naramdaman ko na lamang ang pagkurot nya sa aking kamay. Napangiwi na lamang ako sakanyang ginawa at nilingon sya. She just rolled her eyes on me.

"Hindi mo kilala amg tatlong iyon. Maimpuwensya sila at may kapangyarihan dito sa eskwelahan. Ilan na ang kanilang napasuko at sa tingin ko ay susunod na kayo."

Ibinalik ko ang aking tingin sakanya. Seryoso ang kanyang tingin sa akin. Mapapatitig ka talaga sakanya dahil para bang magbibigay sya mg babala at para bang nagsasabi sya na seryoso ang kanyang sinasabi.

"Hindi." Agap ni Belle sa usapan. "We have a chance to win this. Naniniwala akong kaya namin ipanalo 'to"

Sandaling naging tahimik ang paligid. Walang nagsasalita ni isa man. Nakatitig lamang kami sa isa't isa. Maya maya pa ay sinenyasan na ng lalaki sa aking tapat ang kanyang mga kasama at tumabi na ito sakanya.

"We will see that." Pambabasag nya sa katahimikan. "Good luck" Pahabol pa nito at tuluyan nang umalis sa aming harapan.

NAKAUWI kami nang basang basa. Kahit na pinagtitinginan ay isinawalang bahala na lamang ito at pinagpatuloy ko ang paghatid sakanya. Pumapatak pa rin ang likido sa amin pero konti na lamang ito. Nararamdaman kong natutuyo na ito dahil sa hangin na sumasalubong sa aming paglalakad.

Hindi pa man din nakakarating sa tapat ng kanilang bahay ay mayroon ng lalaki ang agad na lumapit sakanya at mabilis syang niyakap. Nakatingin lamang ako sakanila. Napasinghap nang humigpit pa ang yakap nito sakanya.

Just Say ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon