41

223 9 2
                                    


'GO outside'

Pagkapindot ko ng send button ay natawa ako sa aking sarili. Here I am, waiting for her. Napag isipan ko na ito simula pa kahapon. I'm here to take care of my responsibility. Inatas ko na ang aking sarili upang bantayan at protektahan sya.

Ito ang tanging naiisip ko upang hindi na mangyari pa ang nangyari noong nakaraan. Ito lamang din ang natatangi kong naiisip para sakanya. Kahapon ko pa ito naiisip at ngayon, kusa ko na itong gagawin para sakanya.

Naramdaman ko ang pagvibrate ng aking cellphone. Dahil hawak ko ito ay nakita ko agad ang kanyang pangalan sa screen.

'What?'

Tanging nakalagay doon. Napapatawa na lamang ako dahil alam kong wala syang ideaya sa aking plano. Ako ang may gusto nito. At ito ay ang aking tanging plano para sakanya.

'Just go outside.'

Napatawang muli ako nang mabasa ang aking tinipa. Alam kong sasalubong na naman sa akin ang kanyang nagtataka na itsura. Nakikita ko na mula sa aking isip ang kanyang magiging itsura.

Isang minuto na ang lumipas ngunit hindi na ako muling nakatanggap ng mensahe galing sakanya. Nilingon ko ang kanilang bahay. Mula sa pagkakaupo sa gutter ay tumayo ako nang marinig ang pagbukas ng kanilang gate.

There she is. Nakatayo mula sakanilang gate. Nakataas na agad ang kilay nito gaya ng aking naiisip kanina.

"Anong ginagawa mo dito?" Aniya habang ang kanyang braso ay nakatupi at nakaekis sakanyang dibdib.

I smiled at her. "Sinusundo ka." Sagot ko.

Kumunot pa lalo ang kanyang noo. Ningitian ko syang muli pero inirapan na nya ko ngayon.

"Bakit?"

Nagkibit balikat lamang ako. Ayokong sabihin sakanya ang aking plano. Sa totoo lang ay nahihiya ako sakanya. Nararamdaman ko ang pagpula ng aking tenga.

"Ate! Let's g–" Nakataas na rin ang kilay ng kanyang kapatid sa akin.

Malamig din ang tingin nito. Ningitian ko lamang sya. She's really weir. Ibinalik naman nya ang kanyang tingin sakanyang kapatid.

Nilingon muna ako ni Belle. Tinanguan ko sya at alam kong nakuha nya agad ang aking nais iparating.

"No need. Kay Wacky na ko sasabay."

Ibinalik muli sa akin ni Yna ang kanyang tingin. Muli ay tumaas ang kanyang kilay ngunit kalaunan din ay umirap na lamang at tinalikuran na kami.

Ilang segundo kaming napahinto dahil kay Yna. Nang tuluyan na itong nakalayo ay nagkatinginan kami at sabay na tumawa. Napapailing pa sya sakanyang kapatid.

"Let's go?"

Tumango lamang sya at lumapit na sa aking tabi upang sumabay sa akin sa paglalakad. Maliliit at mabagal na paghakbang ang aming ginagawa. Tahimik lamang kami ngunit komportable.

Isa ito sa nararamdaman ko tuwing kasama ko sya. Pakiramdam ko ay sobrang komportable ko sakanya. Kahit tahimik man kami o mabagal sa paglalakad ay ayos lamang basta ba sya ang aking kasama.

Bumuntong hininga ako at huminto sa paglalakad. Nakatalikod sya sa akin at patuloy pa rin sa paglalakad. Lumunok ako at ibinuka ang aking bibig pero walang lumabas na kahit anong salita.

Muli kong sinubukan ang magsalit ngunit kagaya kanina ay walang lumabas na salita. May gumugulong tanong sa aking isipan. Isang tanong na gusto kong sabihin sakanya upang malaman ang kanyang kasagutan.

"Belle..." Imbes na mahabang salita ay pangalan nya ang lumabas mula sa aking bibig.

Tumigil sya sa paglalakad at dahan dahang lumingon sa akin. Sa pagkakataong ito, muli ko na namang naramdaman ang pagbagal ng oras. The slow motion, the loud beating of my heart. Nararamdaman kong pinagpapawisan na ako. Anong nangyari? 

"Ano na naman?" Aniya.

Muli na namang kumunot ang kanyang noo kaya bahagya akong napangiti. She was cute with that creased forehead.

"What if... Sabihin kong gusto kita. Maniniwala ka ba?"

Saglit syang natahimik. And then, she chukled.

"Ikaw, may gusto sa'kin? Nagpapatawa ka ba?"

I smiled at her answer. Hindi ko sya masisi. Hindi ko din naman alam kung totoong tinanong ko sya. Pero hindi man direktang sabihin, pakiramdam ko, I was rejected.

Pakiramdam ko ay nagtapat talaga ako at nasabi ko sakanya. Muli ay bumuntong hininga ako. Manhid nga sya. Alam kong nagpaparamdam na ko sakanya. Hindi ko man din aminin sa sarili ko. Sa tingin ko, gusto ko na sya.

Nanatiling nakatingin sya aa akin. Pinilit ko ang sarili kong ngumiti sakanya. Failed. Halatang peke ito. Tumikhim ako bago sya bigyan muli ng isang ngiti.

"What if... Lang." I said.

Unti unti ay lumapit ako sakanya. Unti unti ding nawawala ang ngiti sakanyang labi. Naging seryoso ang kanyang tingin. Ang kanyang mga mata ay nag uumpisa ng magmasid kung totoo nga ang aking sinasabi.

"What if..."

Tumango ako sakanya. Nang makalapit sakanya ay agad kong hinawakan ang kanyang balikat at tinalikod sya sa akin. Hawak ang kanyang balikat ay sinimulan kong maglakad habang tulak sya sakanyang magkabilang balikat.

"Wacky." Bulong nya.

"Belle." Bulong ko pabalik.

Natawa sya sa akin. Hindi sya umaangal sa aking ginagawa. Nagpatuloy lamang kami ng ganoon. Sumasalubong sa amin ang hindi pa kainitang hangin. Hindi pa ganoon kataas ang araw. Nararamdaman pa ang katamtamang lamig.

I still felt it. The rejection. Hindi man direkta ay naramdaman ko pa rin ito. Hindi man ganoong kaseryoso ay alam kong rejection iyon. Hindi ata sya naniniwalang magkakagusto ako sakanya.

Maybe, hindi ko talaga napaparamdam sakanya. I really don't anything now. Sa tingin ko ay hindi ko pang kayang panindigan ang aking nararamdaman. I still working on something. I want to finished that something before this feeling.

Tahimik kaming nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko pa rin inaalis ang aking kamay sakanyang balikat. Hindi rin naman nya ito inaalis kaya sa tingin ko ay ayos lamang ito sakanya.

"What if..." Muli kong bulong.

Huminto sya sa oaglalakad kaya pinigilan ko din ang aking sarili. Nilingon nya ko kaya naman tinaasan ko sya ng kilay. Nanatiling nakatingin sya sa akin. Hindi nagsasalita, mariing nakatitig lamang.

"What?" Nakakunot kong tanong.

Hindi nya ako sinagot. Patuloy lamang syang tumitig sa akin. Nang maramdaman ang pagkailang ay ako na ang kusang umiwas.

"Stop that."

"What?" Maang maangan nya.

Bumuntong hininga ako at muli ibinalik sakanya ang aking tingin. Pinilit kong titigan sya sakanyang mata. It was like a staring game. Sa pagkakataong ito ay ayoko ang magpatalo kaya ipinagpatuloy ko ang pagtitig sakanya.

"Gusto kita." Matapang kong sabi.

She didn't say anything. Naghihintay ako nang sagot pero mukhang wala akong makukuha. I smiled. Mukhang this is not the right time.

"Joke."

Humagalpak ako nang tawa. Alam kong kinagat nya ang aking sinabi. This is not the right time. I hope this is not the right time.

Tumawa din sya sa aking biro. Tinapik tapik pa nya ang aking balikat na para bang tuwang tuwa talaga sya sa aking biro.

Kinagat ko ang aking labi. Tinitigan syang muli. She still laughing. Laughing at my joke.

"You're good at joking. Napapahanga mo ako."

Joke. I smiled. Yeah, that was a joke.

Just Say ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon