24

201 6 0
                                    


NAKASIMANGOT lamang syang nakatingin sa akin. Panay rin ang kanya irap at pati pagpaparinig ng mga bagay.

"Kuya!" Pagtawag nya. "Go away. Hindi na ko pupunta." Pagdudugtong pa nya.

Umiling lamang ako sakanyang sabi. I won't buy that. Alam kong tatakas at tatakas ka kapag lumabas ako ngayon ng iyong kwarto.

Pagkatapos mananghalian ay dumiretso agad ako sakanyang kwarto. Naghahanda na sya noon  sakanyang lakad. Abala sya sa pag aayos ng gamit at nasa kanyang kama na ang kanyang susuotin.

"No. Tatakas ka naman."

She stomped her feet in annoyance. Sinamaan din nya ko ng tingin at umirap. Nagkibit balikat lamang ako sakanyang ginawa.

"Hindi nga!" Sigaw nya.

Nararamdaman ko na ang pagiging pikon sakanyang mga salita. Lalong sumimangot ang kanyang mukha at parang susugudin na din nya ako anumang oras mula ngayon.

Inayos ko ang aking upo sakanyang kama. Hinanda ko rin ang aking sarili sakanyang magiging pagsugod kung sakali.

"Pupunta ka. Alam ko na yang arteng yan Janna. Kahit anong sabihin mo, alam kong kabaliktaran ito."

Lalong sumama ang kanyang mukha. Mukhang wala na syang magawa kaya ibinagsak nalang nya ang kanyang sarili sa kama.

Nahigaan pa nya ang kanyang damit na sana ay gagamitin. Nakita ko rin ang pagpikit ng kanyang mata. Bumuntong hininga na lamang ako at tinignan lang sya.

"Pag ikaw naman ang may date, I will support you. You're unfair." Aniya habang nakapikit.

"Really? Last time I check, you are so protective na walang ibang babae ang nakakalapit. Now, you're supportive? Wow!" Natatawa kong sabi.

Napabangon sya dahil doon. Nilingon din nya ko at binato ang unan na nasa kanyang ulunan kanina.

"I'm supportive!" Kontra nya. "Ayoko lang na mga cheap na babae ang lumalapit sayo."

Humagalpak ako ng tawa dahil doon. Napabagsak naman syang muli sa kanyang kama. Lumipad muli ang isa pang unan at sa pagkakataong ito ay tumama na ito diretso sa aking mukha.

Lumipas muna ang ilang minuto bago ako nakatigil sa pagtawa. Natatawa talaga ako dahil sakanyang mga pinagsasabi. Hindi ko lamang alam kung saan nya napupulot ang mga ito.

"Done laughing?" Sarkastiko pa nyang sabi. "You may now go."

"Not that fast Jans."

"Hindi na nga ko pupunta!" Malakas na sabi nya na naman.

Hindi ko na lamang syang pinansin dahil sa pagvibrate ng aking cellphone. Agad ko itong kinuha mula sa pagkakapatong sa side table.

Rex Castro:

Is she's on the date now?

Napangisi na lamang ako dahil sa mensahe. Hindi talaga din makapagtiis ang isang yun makibalita.

Someone's bothered.

Pagkatapos kong magtipa ay agad ko na itong nisend. Alam kong maiinis ito dahil sa sagot ko sakanya.

Wala pa sigurong sampung minuto ay agad ko nang naramdaman ang pagvibrate muli ng aking cellphone. Mabilis ko itong inilabas.

Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang malakas na tawa. Hindi lamang nakatakas ang ngisi sa akin dahil sa nabasa.

Rex Castro:

I'm not. Just tell me.

"Who is that?" Nakatingin na sabi Janna sa aking cellphone.

Iniwas ko agad ito sakanyang paningin. Mabilis ko itong inilagay sa ilalim ng kanyang unan at hinayaan na muna ito doon.

"Nothing. Just someone." Kibit balikat kong sabi.

Kumunot ang kanyang noo pero hindi na sya nagtanong pang muli. Inayos nya ang kanyang higa at tumabi na rin sa akin sa kama.

Inayos ko rin ang aking higa sakanyang tabi. Tinabunan ko sya ng kumot at hinalikan sakanyang noo.

Mukhang inaantok na sya. Tuwing hapon ay hindi nya nakakaligtaan na umidlit o kaya ay magpahinga. Nakagawian na namin ito simula pa pagkabata.

Nang ipinikit nya ang kanyang mata ay ipinikit ko na rin ang akin. Nararamdaman ko ang mahinahon nyang paghinga. Gumagalaw rin ng bahagya ang kama dahil sa likot nya.

Ilang minuto lamang siguro ako nakatulog. Pakiramdam ko ay may mali kaya agad kong inimulat ang aking mata.

Nilingon ko agad ang aking nasa aking tabi. Wala na ito. Nakatakas na.

Sabi na nga ba at tatakas at tatakas sya kahit anong mangyari.

Nang lumingon ako sa aking gilid ay may nakadikit dito na sticky note. Tumuloy talaga sya sa date na yun.

Sorry. Don't worry Kuya, I will give you pasalubong. Loveyou.

- Janna

Napailing nalang ako sakanyang sulat. Bumangon na rin ako at lumabas na sakanyang kwarto. Dumiretso agad ako sa kusina. Sa hagdan pa lamang ay nakikita ko na si Mommy sa may sala.

Nasa kalagitnaan pa lamang ako pero naririnig ko na ang malakas nyang boses. Nasa tapat nya ang kanyang kausap ngunit hindi ko makita kung sino iyon.

"They're in Janna's room. Mukhang nagbobonding na naman ang magkapatid." Narinig ko pang sabi nya sakanyang kausap.

Sunod kong narinig ang mahinang tawa ng kanyang kausap. Nasa huling baitang na ako nang makita ang kanyang kaharap. It was Belle.

Awtomatikong tumaas ang kilay ko dahil doon. Why is she here? Bulong ko lamang sa aking sarili.

Alam kong hindi sya nagpupunta dito sa bahay kapag wala si Janna. Kaya kapag pupunta sya ay may schedule pa ng oras at araw.

"Oh, mukhang busy sila Tita. Babalik na lamang ako siguro ako."

Akma na itong tatalikod ngunit nahawakan ko na agad ang kanyang siko. Muli ay iniharap ko sya sa akin.

"Janna's out." Mariin kong sabi.

Kumunot ang kanyang noo. Napaawang din ang kanyang labi ng maproseso nya kung anong mayroon ngayon.

"Akala ko ay kasama mo syang natutulog doon, Joaquin?" Nagtatakang tanong ni Mommy.

Nilingon ko sya at mabilis na umiling. "No Mom. Umalis din sya. Hindi ko sigurado kung anong oras pero alam kong tumakas sya."

"Tumakas? What do you mean?" Bulong sa akin ni Belle. "Hindi alam ni Tita yung date?"

"No." Bulong ko sakanya pabalik. "Hindi nya pinaalam. Alam din nya kasing hindi sya papayagan."
Nagtatakang tumingin sa amin si Mommy. Dumistansya sya sa akin ng kaunti. Tumikhim naman ako saka diretsong tinitigan sya.

"We're going, Mom."

Ibinalik ko ang tingin ko kay Belle. Sya naman ang nakatingin sa akin nang nagtataka. Tumango na lamang ako kaya napilitan din syang tumango pabalik.

"A..alis pa pala kami, Tita." Pagsakay nya.

Bahagya syang ngumiti sa amin. Tumango din sya ng marahan at naglakad papunta sa likod namin upang mahina kaming itulak palabas.

Wala na naman kaming nagawa kaya inumpisahan na namin ang maglakad. Mababagal at maliliit na hakbang.

Pagkarating sa may pinto ay nagawa pa nitong kumaway sa amin. "Ingat! Enjoy your date." Sigaw pa nya.

Hindi ko na lamang syang pinansin. Bahagyako pang hinigpitan ang hawak ko sakanyang siko. Hindi naman nya ito nalintana. Diretso lamang ang lakad nya habang ako ay nakasunod sakanya.

Una syang pumasok sa sasakyan. Sa tabi nya naman ako umupo. Tahimik lamang syang nakatingin sa akin.

"Saan tayo?"

"We're going to that date."

Just Say ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon