15

329 14 0
                                    


HAWAK ang mop at balde, lumipat ako sa kabilang gilid upang doon naman maglinis. Alas singko na ng hapon ngunit nasa kalagitnaan pa lang kami ng hallway sa ikaapat na palapag.

Tahimik lamang si Belle sa aking likuran. Abala sya sa pag pupunas ng mga bintana at pag wawalis naman sa kabilang gilid ko.

Nauna na naming tapusin ang loob ng bawat classroom at ng kanang bahagi ng building. Anim ang classroom sa bawat palapag at mayroon ding dalawang banyo. Hindi na namin sinama sa paglilinis ang banyo. Hindi na daw sakop namin ito kaya sinunod ko na lamang ang gusto nya.

Panay ang punas at pagpitigil ko dahil sa pawis sa aking mukha. Kailangan ko pang itigil ang aking ginagawa upang punasan muna ito.

Nilingon ko si Belle, abala pa rin sya sa pagpupunas. Nakatalikod sya sa akin. Nakaharap sya sa kanang bahagi habang ako naman ay nakaharap sa kaliwa.

"Stop looking at me." Bigla na lamang nyang sabi. Nilingon pa nya ko at pinagtaasan ng kilay."Ramdam ko tingin mo kahit nakatalikod ako." Dagdag pa nya.

I shrug. Ibinalik ko ang tingin sa kaliwa at sinimulan ng muli ang pagmamop. "You're so quiet. Nakakapanibago lang." Sagot ko sakanya.   

Alam kong nakataas na ang kilay nya dahil sa aking sinabi. Hindi naman talaga sya ganoon kadaldal, gusto ko lang na may mapag usapan kami o kaya naman ay may nag sasalita sa amin.

"Hindi ako madaldal ah!" Pagdedepensa nya sakanyang sarili. 

I chuckled at her defense. Pagkatapos nun ay naramdaman ko na lamang ang pagtama na naman ng isang bagay sa aking ulo. Nang lingunin ko ito ay nakita ko sa sahig ang basang basahan na kanyang ginagawang pamunas.

Kinuha ko naman ito at ng akma ng ibabato sakanya at naramdaman ko na ulit ang pagtama ng isa pa ulit na bagay sa aking mukha. Durietso itong tumama sa akin mukha. Napatumba ako dahil sa lakas ng kanyang pagbato. Hinawakan ko rin ito para malaman kung saan ang masakit.

"Shit!"

Dali dali syang lumapit sa akin ng makita nyang natumba ako. Lumuhod pa sya para magkapantay ang aming mukha at makita ang tama.

"Sorry, sorry Wax" Sabi nya.

Mariin kong hinawakan ang pisngi ko dahil dito banda ang sakit. Napangiwi ako ng mahawakan ang parte na pinakamasakit. Hinawakan naman ni Belle ang kamay ko at pinipilit na tinatayo ako kahit na hindi manlang nya ko maiangat.

Pinagtaasan ko sya ng kilay pero patuloy lamang sya sa pag angat sa akin. Bahagya syang yumuko at inilipat ang kanyang braso sa baba ng aking kili kili.

"Ano bang pinaggagagawa m—"

Agad nyang pinutol ang sasabihin ko at pilit pa rin akong inaangat "Manahimik ka." Sigaw nya pa.

"Bitawan mo n—"

"Manahimik ka sabi."    

Pilit ko syang pinipigilan pero pilit nya din akong iniaangat patayo. Kahit na ano pang angat ang gawin ay hindi pa rin naman nya ako nagagalaw sa aking pwesto.

Hinayaan ko lamang syang gawin ang gusto nya. Nagpapabigat pa ko ng kaunti para sya na ang sumuko at hayaan na akong iangat ang aking sarili.

Ilang sandali pa ay pilit pa rin nya kong iangat. Galos nakayakap na sya sa akin ngunit hindi nya ito alintana. Nakakaramdam na ko ng ilang dahil sa sobra nyang lapit.

Gustuhin ko man syang itulak ay hindi ko magawa kaya nagpatinaod na lamang ako sakanya upang maitayo. Nang maitayo ay muntik pa kaming mabuwal dahil sa pagbabalanse. 
"You're too heavy. Try to diet." Aniya saka hinila ako pababa ng hagdan.

Just Say ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon