ONE consequence for one week. Kasunduang hindi namin pwedeng baliin. Matagal na namin itong napag usapan at hanggang ngayon ay patuloy pa rin naming ginagawa.Kinabukasan ang simula ng panibagong larong sinimulan. Isang linggo namang itong tatagal.
"Kuya" Malakas na katok ang bumungad saakin kasabay ng pagbukas ng pintuan. "Kanina pa kong kumakatok. Bingi ka ba?"
Umiling lamang ako sakanya. Dahan dahan naman syang naglakad papasok at tumabi sa akin sa upuan.
Nandirito pa rin pala ako sa treehouse. Nagpapalamig sa sariwang hangin. Palubog na ang araw. Kitang kita ito sa bintanang nakabukas.
"Naglalaro pa rin pala kayo niyan" Turo nya sa dalawang garapong puno ng papel na nasa lamesa. "Tagal na nyan ah"
Alam nya ang ginagawa namin. Minsan na syang naisali dito. Minsan na rin syang nabiktima ni Rex kaya sila nagkakilala.
Naalala ko pa noon na sya ang nabunot ni Rex at ang consequence naman ay haranahin sa harap ng maraming tao sa loob ng isang linggo. Si Rex ang nagsulat noon at sya rin ang malas na nakabunot nito.
"Who's the unlucky girl Kuya? Do I know her?"
Bahagya pa syang lumapit sa akin saka pinagpapalo ang braso ko. Mahilig syang mamalo, manghampas at mangurot. Parehas sila ni Belle. Hobby na ata nila yun.
"Pwede ba, 'wag kang manghampas. Masakit"
Saway ko sakanya ngunit patuloy pa rin naman sya sa paghampas at parang walang narinig. Para matigil ay lumipat na lamang ako ng upuan ngunit sumunod na naman sya.
"Layo. Masakit na braso ko sayo
Shoo."Sinamaan naman nya ko tingin. Natigil naman sya sa paghampas sa halip ay isinandal na lang nya ang ulo nya sa balikat ko.
Ito ang isa sa paborito nyang gawin kapag magkasama kami. Kung hindi paghampas, ito namang pag sandal sa akin.
"Hindi mo sinagot ang tanong ko Kuya" Bulong nya.
"Hindi mo sya kilala"
"Really?" Inayos nya ang pagkakasandal saakin. "Then, who?"
"Unknown"
Hindi na muli syang nagtanong. Nabalot na lamang kami ng napaka komportableng katahimikan. Kasabay din nito ang paghikab ni Janna sa tabi ko.
Nararamdaman ko na ang pag lamig ng paligid dahil sa pag ihip ng malamig na hangin. Madilim na din sa labas at nag uumpisa ng maglitawan ang mga bitwin.
Bahagya akong gumalaw at inayos ang pagkakaupo ko upang maging mas komportable ang pag sandal nya sa akin. Nararamdaman kong inaantok na sya.
"Ang likot mo naman Kuya." Reklamo nya. Ina adjust pa nya ang sarili nya sa pagkakasandal sa akin "Stay still"
Sinunod ko ang sinabi nya. Iniwasan ko ang gumalaw kahit na medyo nangangalay na aking balikat dahil sa ulo nya.
Tahimik lamang sa buong paligid. Medyo nagugutom na ko dahil malapit na rin maghapunan. Sa tingin ko ay patapos na si Mommy magluto.
Maya maya pa ay nakarinig na ako ng yapag mula sa labas. Dahil sa gawa sa kahoy ang hagdan, maingay ito kung may naglalakad. Maririnig mo agad kung may tao o wala.
Sunod ko namang narinig ang mararahang katok mula sa pintuan. Dahan dahan pa itong binuksan saka dumungaw si Mommy mula rito.
"Ang sabi ko sakanya tawagin ka." panimula nya "Sabi na nga ba at makakatulog sya dito"
Natatawa syang lumapit sa amin at dahan dahang umupo sa tabi ni Janna. Marahan din nyang hinaplos ang buhok nito.
"Napa antukin talaga ng batang ito, parang ikaw lang nung bata ka pa" She said then chuckled.
Totoo. Napa antukin ko nung bata. Kahit saan basta inabutin ako ng antok ay nakakatulog ako. Kahit pa naka upo o nakasandal lamang.
"Just like Dad"
Patuloy lamang sya sa paghaplos ng buhok ni Janna. Nakatingin lamang naman ako sa garapong nasa lamesa. Gusto ko sanang itago ito dahil alam kong papagalitan ako ni Mommy na may kalat. Tingin nya sa mga bagay na wala sa ayos na lagay ay kalat.
"Yeah, just like your Dad." Saglit na tumigil sa paghaplos sa buhok at matamang tumitig sa akin "Sa dami naman ng mamanahin mo sa Daddy mo yun pang pagiging antukin nya. Tsk"
Natawa na lamang ako sa kay Mommy. Hindi nya gusto ang pagiging antukin namin. Lalo na kapag nakakatulog kami sa mga lugar na hindi naman dapat tulugan.
"Bakit sya kasi ang pinaglihian mo Mommy?"
Napasimangot sya "'Wag na nga nating pag usapan pa. Mamaya umakyat din dito yun."
Sinamaan lang nya ko ng tingin. Pinagpatuloy ang paghaplos sa buhok ni Janna na ngayon ay natutulog pa rin. Natatawa nalang ako sakanila ni Daddy. Madalas ay para silang teenager kung umasta.
"Mrs. Ortega" Sigaw muli galing sa labas. "Go down here."
Napalakas ang tawa ko ng marinig ang boses ni Daddy mula sa labas. Sabi na nga ba't susundan ni Daddy si Mommy. Naalimpungatan naman si Janna dahil sa pagsigaw ng nasa labas.
Nagsitayuan naman agad kami at dumiretso palabas ng treehouse ngunit hindi agad bumaba. Dumungaw lamang mula sa gilid. Mula naman saming kinakatayuan ay kita agad si Daddy na nakatingala sa amin.
"Go down here" Sigaw nyang muli. "May bisita kayo sa loob"
"Fine. Fine." Tugon ni Mommy. "We're coming"
Pagpasok pa lamang sa may sala ay tanaw na agad ang pigura ng dalawang tao na naghihintay sa amin. Nakatalikod sila sa amin at pawang nagtatawanan.
Nilapitan naman sila ni Daddy at bahagyang tinapik sa kanilang balikat. Kapwa naman sila nagsi lingunan sa amin.
"Long time no see, Love"
Naramdaman ko na lamang ang kanyang mahigpit na yakap. Isinubsob naman nya ang kanyang mukha sa aking dibdib. Bahagya pa syang natawa dahil sa ginawa nya.
"Get off. Get off me."
Marahan ko syang itinulak ngunit ayaw pa rin nyang bumitaw. Mas hinigpitan pa nya ang yakap sa akin. Natatawa sya pati na rin ang mga taong nakapaligid sa amin.
"Love. Nawala lang ako, nakakita ka na ng iba?" Panunudyo nya. "Masakit sa side ko Love. Masakit"
Lalo lamang nagtawanan ang mga tao ng sabihin nya yun. Mahina ko na naman syang itinulak ngunit hindi pa rin sya natinag.
"Get off, Alex. I swear, masasapak na kita."
He is Alex Fuentes. My gay cousin. My very close cousin.
"Call me Love muna then I will let you go"
"No."
"Then no din"
Napahagikgik na naman sya. Rinig na rinig ko ang mahinang pagtawa nya na para bang sayang saya na asarin ako.
"Let. Go." Ulit ko pa pero gaya kanina ay hindi sya nating. Lalo pa nga syang nagsusumiksik sakin at hinihigpitan ang yakap nya.
"Ganito nalang." Bulong nya. "Tell me who is the girl"
Who? Nagtaka naman ako sa tanong nya. I have nothing girl in my mind right now. Who the hell.
"Who?"
He smiled and whisper . . .
"The girl who been your mistress"
BINABASA MO ANG
Just Say It
Teen Fiction[ COMPLETED ] Ysabelle Sanchez and Joaquin Ortega's story Started: 06 | 11 | 17 Finished: 06 | 11 | 18 Highest Rank Achieved: #456 in Teen Fiction