51

139 6 0
                                    


MABILIS na kumalat ang balita. Para lamang itong apoy na agad tumupok sa malaking bahagi ng academy. Halos lahat ng aming makasalubong o hindi naman ay nakikita ay agad na kami ay pag uusapan.

Rinig na rinig namin ang aming mga pangalan sakanilang mga kwentuhan. Malalakas ang kanilang mga bulungan at halatang pinaririnig talaga nila ito sa amin.

Isa ito sa mga gusto nilang gawin. Ang ipaalam sa buong academy na nanalo na naman sila. Gusto nilang ioamukha sa amin ang aming pagkakatalo.

"Bitches." Mariing bulong ni Janna sa aking tabi.

Nanginginig na ang kanyang mga kamay dahil sa galit. Alam kong ano mang oras ngayon ay maaari na nyang sugurin ang mga estudyanteng kanina pa kami pinag uusapan.

"Janna." Tawag ko sakanya. Nang makita ang kanyang matang nakatitig sa akin ay agad akong uming sakanya. "Don't. Donth think of anything that can hurt them."

Kilala ko ang aking kapatid. Gagawa ito at gagawa ng anumang bagay upang patahimikin ang kanina pang nag iingay. Marahil ay sa mga oras na ito ay nag iisip o hindi naman kaya ay may naisip na syang bagay para sakanila.

Tiningnan lamang nya ako pero hindi na sumagot pa. Rahimik lamang sya pero alam kong marami nang tumatakbo sakanyang isipan ngayon.

"Janna." Pagbabanta ko.

Marahil ay nakuha nya ang gusto ko. Ngumisi lamang sya sa akin at iniiling ang kanyang ulo saka ibinalik ang tingin sa dalawang babaeng natagpuan ng kanyang paningin.

Panay ang bulong ng isa sa kasama nya. Maya maya rin ang pagsulyap ng mga ito sa amin pagkatapos ay ibabalik ang tingin sa isa't isa. Humagikgik pa ang dalawa na para bang tuwang tuwa saknilang oinagkekwentuhan.

Hinagilap agad ng aking nga kamay ang braso ni Janna saka hinila paalis sa aming kinatatayuan. Hindi sya pumalag pero alam kong nag iisip na ito ng paraan upang mapalapit sa dalawang babae.

"Jans." Tawag ko. Hindi sya sumagot bagkus ay naramdaman ko na lamang ang kanyang kamay na humawak sa akin. "Magiging okay din tayo." Ngiti ko sakanya.

Malungkot lamang syang ngumiti sa akin. I am guilty. Sa tingin ko ay dahil sa akin kaya sya nadamay sa nangyayari ngayon. Kasalanan ko ito. Maging si Rex ay nadamay dito. Dapat ay hindi sila nadamay kung lumayo lamang kami sakanila at hindi na nagpatulong pa.

Habang tumatagal ang lahat ay lalo lamang nagiging malaki ang problema. Patuloy lamang kami sa planong walang kasiguruhan. Dahil kung hindi kami susugal ay marahil ay ngayon pa lamang ay napamukha na sa amin ang aming pagkakatalo.

Apat na araw pa bago matapos ang lahat. Sa tingin ko naman ay may paraan pa upang manalo kami sa larong ito. Sa mga oras na ito ay nararamdaman ko na ang mangyayari. Maaaring mapaalis nga kami rito o kung hindi naman ay maaari naming mapabagsak sila sakanilang pwesto.

Sana lamang ay mangyari nga talaga ang aming gusto. Sana lamang ay mapabagsak namin sila o hindi naman kaya ay matanggalan sila ng karaoatan sa eskwelahang ito.

Hindi lamang kami ang lumaban sakanila. Alam kong marami kami. Ang kaibahan lamang ay alam kong kami ang magwawagi ngayon. Naniniwala ako sa amin at lalo na sa aming pagkakaisa.

Isang tunog ang nagpabalik ng aking tingin kay Janna. Nang linungin nya ako ay nakangisi na sya at parang tueang tuwa. Pinagkunuotan ko sya ng noo kaya naman hinila nya ako at iniharap sa akin ang kanyang cellphone.

Rex

5. We got five today.

Naunawaan ko na agad ang kanyang ipinakita. Nakangiti akong tumingin muli sakanya. Nabigla na lamang ako nang sumulpot sa aking harapan si Belle at dinambahan kaagad ako nang yakap.

Just Say ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon