ARAW ng exam ngunit okupado pa rin ang aking isip dahil sa dalawang taong iyon.Nang dumating kami sa Cafeteria kahapon at makisama kina Janna, ay dumating din sila ilang minuto lamang ang lumipas.
Nakatingin lamang sila mula sakanilang upuan ngunit mararamdaman mo ang kanilang tingin at sulyap.
Ilang beses kong nahuli ang kanilang sulyap at mga ngisi nilang nakakaloko. Maging si Belle ay napapansin din sila.
"You have an stalker" Janna said nang kinwento namin ito sakanila sa lamesa.
Napailing at napatapik na lamang ako sa aking mukha sakanyang sinabi. Iba talaga ang mga bagay na nasa utak nya.
"Stalker? Sila? Bakit?" Nagtatakang tanong nya dito. "Alam kong maganda ako pero stalker? Yucks!" Nakangiwi pa nyang dagdag.
Napabuntong hininga na lamang ako sa aking narinig. Isa pa ang babaeng 'to. Iniiwas pa rin nya ang kanyang tingin sa akin. Pati ang paglapit sa akin ay kanya ding iniiwasan. Ngayon ay nakumpirma ko na dumidistansya sya sa akin.
"Stalker yan. Diba that's the girl ang sabi, So maaaring kilala ka nya."
"Bakit nya ko kilala?"
That's the question. Bakit sya kilala? Hindi sya sikat dito sa Academy at lalo namang hindi sya mayaman ng katulad ng iba kaya ayun ang nakakapagtaka.
"Kasi nga he's your stalker." Pamimilit na sabi nya. "Palagay ko talaga stalker sya. Tapos now nagpaparamdam na sya sayo."
Tumikhim si Rex sakanyang narinig. Napabaling ang tingin ko sakanya pero nakatuon ang kanyang tingin kay Janna na pinaninindigan ang kanyang mga salita.
"Bakit ngayon lang nya gustong magparamdam kung ganun?" Pagsali nya sa usapan.
Inirapan sya nito. Napatawa lamang sya. "Syempre may lakas na ng loob. Duh!"
Natawa na lamang ako sakanyang sinabi. Hindi naman siguro totoo na stalker ito ni Belle. Hindi naman ito siguro basta basta lamang.
"Sa tingin ko ay hindi sila stalkers." Napalingon sila sa akin dahil sa aking sinabi. "Wala namang stalker na ibubunyag ang sarili."
"It's a modern day na Kuya. Marami na kayang stalkers na nagpaparamdam ngayon. Kasi nga they have the guts."
"Hindi rin." Kontra pa rin ni Rex. "There's always a person na hindi pa rin kayang sabihin. Walang lakas ng loob."
Tumahimik. Maya maya pa ay nilingon nila ako kaya napakunoot ang aking noo?
"Oh, bakit?"
Sabay sabay din naman silang umiwas at bumalik sa ginagawa. Ilang sulyap at tingin pa rin naman ang nahuhuli ko mula sakanila.
Nilingon ko rin ang Cafeteria at nakitang naroon pa rin ang dalawang lalaki. Nilingon pa ko ng isa at bahagyang ngumisi sa aking direksyon.
Isang tapik sa aking balikat ang nagpalingon sa akin. Nilingon ko si Rex at ininguso naman nya ang nasa taong nasa labas ng aming classroom. Nilingon ko ito.
Isa ito sa mga sumusunod sa amin. Marahil ay nagmamasid na naman ito sa amin. Mula pa kahapon ay nakikita ko na ito sa paligid."Ayan na naman sya" Aniya.
Tumango ako at ibinalik ang tingin sa test paper na nasa aking harapan. Wala pa itong masyadong sagot. Lumipas na ang ilang minuto at alam kong late na ko para sumagot.
Naririnig ko ang mga bulungan ng mga kaklase kong nasa aking unahan. Tinitingnan nila ang lalaki sa labas saka maghahagikgikan.
"Gwapo talaga." Kinikilig na sabi ng isa. "Bakit kaya sya nandito? Ang alam ko wala syang kilala dito."
Siniko sya ng kanyang katabi. Malawak ang kanyang ngiti at halatang kinikilig din dahil sa lalaki. "Wag kang maingay ah. Ako talaga ang ipinunta nya dito." Humagikgik pa sya.
Tumawa naman ang kanyang kasama. Hinampas din nya ito ng dalawang beses "Lakas mo, girl" Natatawa nitong sabi.
Nilibot ko ang aking tingin sa iba ko pang kaklase, kapwa mga naghahagikgikan rin ang mga ito at pawang mga kinikilig.
Marahil ay kilalang kilala dito sa Academy ang lalaki. Nagtataka lang ako dahil hindi sya pamilyar sa akin at hindi ko sya kilala. Mas mataas din ang kanyang year level kesa sa amin.
Ibinalik ko ang aking tingin kay Rex ngunit nag sasagot na sya sakanyang papel. Isinawalang bahala ko na lamang pero hanggang ngayon ay rinig ko pa rin ang paghagikgik ng babaeng nasa aking gilid.
Ganoon din ang nangyari ng sumunod na araw. Sa pangalawang araw ng exam ay nakikita ko pa rin ang lalaki sa labas. Paminsan minsan ay naglalakad ito sa aming floor.
Nagkibit balikat na lamang si Rex tuwing nakikita ang lalaki. Pansinin din ito dahil nga kilala sya sa Academy at isa rin ito sa mga sikat sa dahil sa mukha nito.
"There's something on him." Aniya habang naglalakad kami dahil break time ng mga oras na yun. "Bigla bigla na lamang syang lumalabas o kaya ay nagpapakita sainyo. May ginawa ba kayo sakanya?"Kumunot ang aking noo sakanyang sinabi. Ginawa? Natigilan ako dahil doon. Nag isip kung mayroon nga ba.
"Wala akong matandaan." Sagot ko. "Sa tingin ko naman ay wala. Pero si Belle..."
Hindi ko na madugtungan ang aking sasabihin. She's close to trouble pero sa tingin ko naman ay hindi nya ito kilala.
"Maybe, it's Belle. Baka nakabangga."
Tumango tango na lamamg sya at ipinagpatuloy ng muli amg paglalakad. Sinimulan ko na rin maglakad at pinantayan kaagad sya.
Maingay nang muli ang hallway. Iba't ibang usapan at kanya kanyang mga daldalan.
Papalapit pa lamang kami sa classroom nila Belle ay rinig na namin ang malakas nipang usapan. Nasa harapan sila ngayong ng kanilang pinto at nagdadaldalan.
"Tomorrow." Una kong narinig. "Bukas na pero ngayon palang excited na ko." Aniya pa at humagikgik sabay hampas pa kay Belle.
Hinampas naman sya pabalik ni Belle. "Tuloy na tuloy na?"
Tumango naman ang aking kapatid. "Ofcourse."
Nasulyapan kami ni Belle na papalapit. Tiningnan lamang kami nito saglit saka ibinalik ang tingin kay Janna. Nakita ko pa ang pagtapik nito sakanyang balikat.
"Really? How 'bout Wacky, pumayag?"
I bet she's rolling her eyes pagkarinig ng aking pangalan. Palagi naman syang ganoon kapag kontra ako sa mga desisyon o kaya naman ay ayaw nya ng aking opinyon.
Gusto lamang nya na sya ang magdedesisyon ng kanyang sarili. Pero lagi akong tutol.
"Kahit naman hindi sya pumayag ay makakapunta ako. Takas" Humalaklak sya pagkatapos.
Nang makarating sakanyang likod ay inakbayan ko na sya at mahinang kinatok ang kanyang ulo.
"No. Hindi ka pupunta."
Nilingon nya ko at agad kinunotan ng noo. Tinanggal din nya ang pagkakaakbay ko saka tinulak.
Humalaklak si Belle at sinundan naman ito ni Rex. Bahagya pa syang tinatapik tapik ni Belle. Sinamaan nya ito nang tingin. Samantalang si Rex ay inirapan.
"Kuya." She said while stomping her feet. "I will come. Nagpaalam na ko kay Mommy and she said yes."
"Still a no." Madiin kong sabi. "Paano kung mapahamak ka?"
"I won't. Kilala sya ni Kuya Alex. He said na matino naman ito at mabait pa, so, walang problema."
Umiling iling ako. Pinal na ang aking pasya she will not come. Ikukulong ko sya sa loob ng kanyang kung kinakailangan upang hindi sya mtuloy bukas.
Sumimangot sya pero hindi na muli pang nagsalita. Nauna na syang maglakad na agad sinundan ni Belle. Tinapik naman ako sa aking balikat ni Rex at malapad ang kanyang ngiti sa akin. Tinapik ko pabalik
"Hindi rin ako papayag kapag ikaw."
Humalaklak lamang sya sa aking sinabi. Sumimangot naman ako at nag umpisa nang maglakad palayo sakanya.
Janna is so young for relationships. Kaya gagawin ko ang kaya ko para hindi sya makapunta bukas.
She will not come.
BINABASA MO ANG
Just Say It
Teen Fiction[ COMPLETED ] Ysabelle Sanchez and Joaquin Ortega's story Started: 06 | 11 | 17 Finished: 06 | 11 | 18 Highest Rank Achieved: #456 in Teen Fiction