"ACCEPT the pain, Wax. Then... Learn to move on with that"It's just easy to say, but hard to do. Mahirap gawin ang bagay na alam mong hindi madaling kalimutan.
Ilang buntong hininga na ang pinakawalan ko nang maisip na naman ang kanyang payo. Mahirap ang ganoong bagay. Mahirap na lalo't hanggang ngayon ay nararamdaman at nakikita mo pa rin ang epekto nito.
Alysa is a strong girl. Kinaya na lamang nyang kalimutan ang nangyari. Kinaya na huwag akong sisihin at palagpasin na lamang iyon, dahil ang rason nya? Nangyari na.
Hindi nya ko sinisi kahit noon pa man. Masayang nyang tinanggap ang naging resulta nito. Kahit na may mga bagay na ngayon, hindi na nya magawa.
Bumuntong hininga muli ako at sinimulan nang maglakad. Malalaki ang hakbang na aking ginawa. Nasa labas sya ng aming bahay, naghihintay sa akin.
Ang nangyari kahapon ay gusto nyang kalimutan ko na. Ilang beses kong sinalungat ang kanyang sinabi ngunit sa huli, susubukan ko ang tangi kong naging tugon.
Mariing nakatingin sa akin si Janna nang madaan ko sya sa may hagdanan. Huminto ako at kinunotan sya ng noo. She just smiled at me. Ngiting malapad.
She knows Lys. Nagkakilala at nagkasama na sila noon. Sinubukan kong paglapitin silang dalawa ngunit they end up nothing. Hindi sila nag click.
"Enjoy... Your date?" Alanganin nyang sabi.
Tumawa ako at tinapik ang kanyang balikat. "This is not a date. She's my bestfriend, Jans." Natatawa kong tugon sakanya.
Ngumuso sya. Kita sakanyang mukha na hindi sya kumbinsido sa aking sinabi. Umiling agad ako. Natawa muli nang lalong humaba ang kanyang nguso.
"She's just my bestfriend. Don't worry Jans. You're still my only girl." I chuckled on that.
Guguluhin ko sana ang kanyang buhok ngunit mabilis na nya itong natapik kaya kunwari ay sumimangot ako.
"Not my hair, Kuya!" Sigaw nya sa akin. "Umalis ka na nga. Go to your date. Shoo!"
Natatawa akong lumayo sakanya. Kita ko ang talim ng kanyang tingin nang kaya inihakbang kong mula ang aking paa pababa. Isang hakbang pababa.
"Just tell her, welcome back." Tipid na sabi nya.
Tumango lamang ako at tinalikuran na sya. Namanhid ang aking paa at hindi makagalaw sa aking kinatatayuan nang makita ko sya.
She was there. Staring at me. Nasa unang baitang sya ng aming hagdanan. Mariin ko syang tinitigan. Ilang segundo nagtagal ang aming titigan hanggang sa humakbang sya paakyat.
Hindi ako gumalaw sa aking kinatatayuan. Nanatili lamang ako doon pati ang aking tingin sakanya. Nararamdaman ko ang presensya ni Janna sa aking likuran. Hindi ko sya nilingon.
Nanatili pa rin ang aking tingin sa taong ilang baitang na lamang ang layo sa akin. Pinilit kong ihakbang ang aking paa. Hindi ako nagtagumpay. Lumunok ako ng isang beses hanggang sa naging sunod sunod na ito.
Lalo lamang akong naestatwa ng tatlong baitang na lamang ang kanyang layo sa akin. From here, kita ko ang kanyang mukha na walang emosyon. Diretso lamang syang nakating. Dahil doon ay naramdaman ko na lamang na kinakabahan ako. Malakas ang pintig ng aking puso. Pinagpapawisan rin ako kaya agad akong pumikit at nagpakawala muli nang hangin.
Akala ko ay titigil sya nang nasa tapat ko na sya. But, I was wrong. Patuloy lamang syang humakbang at tumigil sa aking likuran. Dinaanan lamang nya ko.
Mariin akong pumikit saka idinilat muli ang aking mata. Inimpusahan ko muli ang paghakbang. Ngayon ay tagumpay ko na itong nagawa.
Gusto ko man syang linungin ay hindi ko na ginawa. I was disappointed. Dinaanan lamang nya ako.
BINABASA MO ANG
Just Say It
Teen Fiction[ COMPLETED ] Ysabelle Sanchez and Joaquin Ortega's story Started: 06 | 11 | 17 Finished: 06 | 11 | 18 Highest Rank Achieved: #456 in Teen Fiction