A WAR has been declared. Ang gulong matagal kong hindi pinaniwalaan ay ngayon ay narito na. Ang gulong hindi ko naisip noon ay ngayon ay nag uumpisa na.The Academy against us. Hindi mabilang na kanilang mga taga sunod laban sa amin. Ako at si Belle, laban sakanila. War against them.
Marami ang kanilang mga taga sunod dito sa Academy. May iilan pang mga guro at nakakataas. Palibhasa ay mga mayayaman kaya ganoon ang kanilang asta. Hawak nila ito sakanilang mga palad.
"Do what you want to them" Aniyang muli. Iilan ang narinig kong humalaklak dahil sa annunsyo. Ang iba ay suminghap at ang iba naman ay walang pakialam.
Naramdaman ko ang mahigpit na pagkapit ni Belle sa aking kamay. Hinigpitan ko din ang aking hawak sakanya at nilingon sya. Ningitian ko sya at tinanguan. Nakuha naman nya ang aking nais kaya tumango sya at bumuntong hininga.
"Wag mong bibitawan ang kamay ko. Natatakot ako." Pabulong nyang sabi.
I chuckled. Naramdaman ko ang pagkurot nya sa aking kamay kaya natawa lalo ako.
"Ano ba, Wax?"
Tumango tango ako at nilingon muli ang tatlong babae sa aming harapan. Malalaki ang ngisi ng mga ito at alam kong wala silang gagawin na mabuti. Nakikita ko sakanila na kaya nila kaming pahirapan sa isang iglap lamang.
"Now... Let them suffer." Sabay sabay muli nilang sabi.
Nagulat na lamang ako nang mawala silang tatlo sa aming harapan. Maging ang humahawak kina Rex malayo na sa amin. Nagtaka pa ako nang makita ang kitang ngisi ng mga nasa palagid.
Sa isang iglap pa lamang ay tumama na sa amin ang paint ball na kanilang tinatago. Sa iba't ibang direksyon ito nanggagaling. Sabay sabay din ang kanilang pagbato kaya lalo ko lamang hindi makita kung kani kanino nanggagaling ang mga ito.
Agad akong humarap kay Belle at niyakap sya ng mahigpit. Sakanyang pisngi ay mayroon ng kulay. Tanda na tinamaan ito ng kanilang binabato. Maging ang kanyang uniporme at buhok ay mayroon na ding kulay.
Nagpatuloy pa sila sa pagbabato sa amin. Mula sa iba't ibang direksyon ay nararamdaman ko ang pagtama ng mga ito sa iba't ibang parte ng aking katawan. Maging si Belle na akin nang yakap ay naririnig ko mahihina nyang pagdaing.
Hinigpitan kong muli ang aking yakap nang marinig ko na naman ang kanyang mumunting mga daing. Naririnig ko na din maging ang kanyang paghikbi. Nag uumpisa na syang umiyak.
"Sisiguraduhin naming susuko kayo. Susuko kayo sa amin." Sabay sabay muli nilang sabi.
Napabuntong hininga muli ako ng may tumamang muli sa akin. Sa ulo iyon tumama at mayroon din sa aking balikat. Simasakit na ang aking katawan dahil sa sunod sunod na natatanggap na bato nito.
Ang puting uniporme ko ay iba na ang kulay. Halo halo na ang kulay galing sakanilang ibinabato. Mayroon na ding tumutulo mula sa aking buhok na kulay asul.
Iniangat ko ang aking mukha at tinitigan ang kanya. Mula sakanyang buhok ay mayroong tumutulo na kulay pink na kulay. Nakatingin lamang sya sa akin nang humihikbi. Hinawakan ko ang kanyang kamay saka iyon dinala sa aking labi. I smiled at her.
"Matatapos din ito, Belle." Mariin kong bulong sakanya. "Don't worry. Mangyari man ito muli, asahan mo. Nasa tabi mo ako."
A small smile appear on her face. Umaliwalas ang kanyang mukha kahit na mayroon na itong kulay. Iniangat kong muli ang aking kamay upang punasan ang kanyang mukha. Kulay berde, asul at pula ang kanyang kulay. I chuckled.
"Bagay din pala sayo ang may kulay na mukha" Halaklak ko.
Sumimangot sya sa aking sinabi. Maya maya ay may tumama na naman sakanyang mukha at mabilis na nagkulay ito sakanya. Now it's color violet.
Tiningnan ko ang aking sarili. Mula sa aking uniporme hanggang sa aking sapatos ay mayroon ng kulay ngayon. Naghahalo na ito at natatakpan na halos ang kalahati ng aking pambaba. Malapit nang matakpan nito ang buo kong pantalon maging ang aking sapatos.
Napailing na lamang ako at napabuntong hininga. Sa ngayon ay wala kaming magagawa. Nabigla kami dahil dito. Inaamin kong hindi ako handa para dito. Nabigla lamang din ako kaya wala akong magawa para sakanya.
Sa ngayon, pagyakap sakanya lamang ang magagawa ko para sakanya. Pagsalo at pag harang ng kanilang binabato sa pamamagitan ng pagyakap sakanya.
Patuloy pa rin sila sa pagbato sa amin. Patuloy ko lamang din syang niyayakap. Naririnig ko pa rin ang mahihina nyang hikbi. Tinatapik tapik ko na lamang ang kanyang likod upang kahit papaano ay gumaan ang kanyang pakiramdam.
Pakiramdam ko ay nakipag away ako nang buong araw. Masakit na ang bawat parte ng aking katawan. Panay din ang pagtulo ng likido sa aking mukha. Para na akong naliligo sa mga paint ball.
"Enough!" Anunsyo muli nang isa sakanila. "Tapos na ang para sa araw na ito. We will resume again tomorrow. From seven in the morning til last subject last. Thank you for your cooperation!"
Masigabong palakpakan ang aking sunod na narinig. Humiwalay ako sa pagyakap sakanya. Pinusan nya agad ang mga kulay na tumatakip sakanyang mukha. Napangiwi na lamang ako dahil sakanyang itsura.
Para syang ibinabad sa isang bath tub na may kulay. Halo halo sakanya ang mga kulay na pula, asul, berde, violet at dilaw. Napapangiwi rin sya tuwing pupunasan ang mga nasa kanyang mukha. Napailing na lamang ako.
Mula sakanya ay inilipat ko ang aking tingin sa mga taong nakapalibot sa amin. Malalaki ang kanilang ngisi at kita sakanilang mukha ang kasiyahan dahil sa nangyari. Hindi ko na nakita si Janna at Rex sa paligid. Mukhang inilayo ito sa amin.
"How was it?" Marahang tanong nya sa amin. "Did you enjoy that?" Humalakhak pa sya at sinabayan ng kanyang mga kapatid. "Simula pa lamang yan."
Mariin ko syang tinitigan. Gusto ko syang sugurin pero pinapaalalahanan ko ang aking sarili na kahit papaano ay babae pa rin sya at hindi dapat sinasaktan.
Wala akong ibang nagawa kung hindi ang bumuntong hininga at ikuyom ang kamao. Alam kong kapag lumaban kami ay kami lang din ang agrabyado. Alam kong kahit lumaban kami ay sila pa rin ang panalo. Sa dami ba naman nila ay kaya nila kaming kuyugin.
"Hindi mo kami mapapasuko. Not at all." I smirked.
Pinagtaasan lamang nya ko ng kilay pagkatapos ay tinalikuran na. Sumunod naman agad sakanya ang kanyang mga kapatid. Ang mga naiwan ay nakatingin sa amin. Hinawakan ko kaagad sa braso si Belle at iginaya papunta sa loob muli ng eskwelahan.
Tahimik syang naglalakad kasabay ko. Tumutulo mula sa amin ang likido na syang nagkukulay naman sa sahig. Bawat madaanan ay naiiwanan ng bakas.
"Sumuko na tayo." Ani ni Belle.
Umiling ako sakanya at hinigpitan ang hawak sakanyang braso. "Kaya natin 'to."
"Wax..."
"Wala kang dapat gawin. Just stick with me, okay? Stick with me. Ako ang bahala sayo."
Hinila ko syang muli papalapit sakin upang mayakap. Hindi naman sya umangal kaya hinigpitan ko pa ito. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na lamang na unti unti nang nababasa ang aking damit. Naririnig kong muli ang kanyang paghikbi at pagsinghot.
Umiiyak sya. Ulit.
"Kasalanan ko talaga ito." Pahikbi nyang bulong. "I'm sorry kung nadamay ka. I'm sorry. I'm so–"
I cut her off. Iniangat ko ang aking mukha saka ikinulong ang kanyang pisngi sa aking palad. I smiled at her.
"It's okay." Marahan kong bulong. "Ayos lang ako. Ayos lang madamay ako."
"Pero–"
Again, I cut her off. I kissed her. Dampi lamang yun pero naramdaman ko ang pagtigil nya sa pag galaw. Miski ang kanyang paghikbi ay natigil. Natigilan sya.
"It's okay. I told you it's okay. I'm knight, right? You're knight, my damsel."
BINABASA MO ANG
Just Say It
Teen Fiction[ COMPLETED ] Ysabelle Sanchez and Joaquin Ortega's story Started: 06 | 11 | 17 Finished: 06 | 11 | 18 Highest Rank Achieved: #456 in Teen Fiction