45

156 6 0
                                    


TULALA akong nakarating sakanila kinabukasan. Dala dala ko pa rin sa aking isip ng tanong na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang sagot. Do I love her?

Totoong mayroon na akong nararamdaman para sakanya. Hindi ko lamang alam kung pagmamahal na nga ba iyon o sadyang paghanga pa lamang. Hindi ko pa rin maintindihan hanggang ngayon ang aking sariling nararamdaman.

I still confuse. Really, confuse.

Bumuntong hininga na lamang ako at sinundan sya sa paglalakad. Nauuna sya sa akin pero mabagal ang kanyang lakad. Nasa likod lamang nya ko at hindi nya kinikibo. Simula pa nang sinundo ko sya kanina ay hindi pa nya ako kinakausap. Ang hula ko ay umiiwas din sya at nagpapanggap na hindi nya ako kasama.

Maging sya ay hindi ko na rin maintindihan. Nariyan ang araw na lagi nya kong kukulitin pero mas marami pa rin ang araw na iniiwasan nya ako at hindi kinikibo. Magulo sya pero alam ko namang may dahilan sya kung bakit sya ganito.

Nakarating kami ng tahimik sa Academy. Nakalagpas din kami ng matiwasay sa gate. Nagbago lamang ng may humarang na sa amin pagdating namin sa aming building. Ang tres marias.

Nalaman kong ganoon ang tawag sakanila. Totoong maimpluwensya sila at mayaman. Totoo rin na hawak nila ang karamihan ng tao dito. Sa iba't ibang year level maging ang ilang nakakataas.

Marami na rin silang napatalsik at napaalis dito sa Academy. At kami na ang kanilang isusunod. Ayaw nila ng balakit sakanila. Lalo namang ayaw nila ng mga pinapakialaman ang kanilang gusto. Bagay na ginawa ni Belle kaya sya ang pinaparusahan ngayon.

Humarang agad ako sa unahan ni Belle. Agad silang nagtaas ng kilay sa aking ginawa. Sabay sabay din silang pumalakpak at mga nagsitawa.

"Oh! What a scene." Aniya ng nasa gitna at bahagyang lumapit sa amin. "Masyado mo namang pinaninindigan ang pagiging Knight nya. Character na character ka na, pre."

Tumawa ang kanyang mga kapatid sakanyang sinabi. Belle was whispering something to me. Hindi ko lamang ito maintindihan dahil sa sobrang hina ng kanyang pagkakabulong.

Umusog ako at lumapit sakanya nang kaunti pa. Hindi ko pa rin sya maintindihan dahil sa tawanan ng magkakapatid.

"You can save your self here, Knight. Just be my boyfriend. At kakalimutan ko ang pagtatanggol sa babaeng yan. Kung gusto mo din, pati ang kanyang kasalanan ay kakalimutan ko din. Just... Say yes."

"No." Belle said.

Napatingin ako sakanya. She was just staring. Sa tatlo. Mariing nakatingin ito at nanlilisik ang mata sakanila.

"He is mine. Mine." Pinagdiinan nito ang huling salita.

Napangiti ako sakanya. Hindi rin makapagsalita at nanatiling nakatingin lamang. Then, a small smile appear. I'm glad. Natutuwa ako sakanyang sinabi. Unang beses muli na sinabi nya iyon.

Ibinalik ko ang aking tingin sa tatlong babae. They were staring at us. Masamang nakatingin ito sa amin lalo na ang babae na nsa kanan. Nanlilisik ang kanyang mga mata. Hindi na ako magtataka kung maya maya lang ay sumugod na ito sa amin.

"My damsel, had spoken. She is mine." Nakangiti kong sabi sakanila.

Naramdaman ko ang pagkurot nya sa aking tagiliran. Hindi ko na lamang pinansin ito. Naulit pa ito nang isang beses kaya marahan kong hinawakan ang kanyang kamay kahit na nakatingin pa ako sa tatlo.

Lalong sumama ang timpla ng kanilang awra. Lalo ata namin nagalit ang mga ito. Ang isa sakanila ay nakahanda nang sumugod anuman oras ngayon.

Inayos ko ang aking tayo at lalo pang humarang sa harapan ni Belle. Tinakpan ko pa sya lalo mula sa mga ito. Alam kong lalo silang magagalit dito.

"You leave us no choice, Dude." Sabay sabay nilang sabi. "Enjoy this game, and... Do your best to defeat us."

Tumango ako. Tanda na ngayon, malugod kong tinatanggap ang kanilang hamon. I know this is Belle's fight. But, I'm willing to be the one who will fight them. Handa akong pumalit sakanya.

Itinaas nila ang kanipang mga kamay. Agad namang mayroong dalawang taong lumapit sakanila at yumuko. Binalingan nya ito at tumango.

"Nagawa nyo ba?" Marahan nitong tanong.

Tumango amg dalawa pero nanatili ang mga ito na nakayuko. Sakanilang pagkatayo ay nahagip ng aking mata ang kamay ng isa. May nga galos ito at namumula pa.

"Good." Nakangisi nitong ibinaling ang tingin sa amin. Nakikita sa mukha nito ang kasiyahan. "Let's play hide and seek."

Lumabas mula sa aking likod si Belle at pumunta sa aking tabi saka inangkala Ng kanyang kamay sa aking braso. Napatingin ako rito. Malamig ito at nanginginig. Mukhang kinakabahan sya sa maaaring mangyari.

"I hide three person that important to you, two. Will you able to find them before they receive their own punishments?"

Naikuyom ko na lamang aking palad dahil sa narinig. Lalapitan ko na sana sila ngunit hinila ako ni Belle pabalik sa aking kinatatayuan. She even hold my hand, tight. 

"Sino sakanila?" Madiin na tanong ni Belle.

Tinawanan lamang sya ng mga ito kaya humakabang ako papalapit. Humaramg naman ang dalawang estudyante sa harapan ng tatlo at pinotrektahan sila.

They clapped their hands. Natatawa pa rin na akala mo ay isang biro ang nasabi ni Belle. Hinampas pa nila ang balikat ng bawat isa nang paulit ulit.

"At bakit namin sasabihin?" Natatawa nitong tugon. "This will be the game. No clues. No call a friend. Just you and him. I wish you a good luck. Sana ay hindi nyo sila mahanap." Tumawa muli ito at humakbang papaalis.

Nakita ko ang paghakbang ni Belle at patakbong nagpunta sa tatlo. Hindi pa man din sya nakakalapit ay hinawakan na sya ng dalawang estudyante at hindi hinayaan na makalagpas sakanila.

Panay ang kawala nya sa mga bantay pero hindi nila ito pimayagan na makatakas. Lumapit ako sakanya at hinawakan sya sa magkabila nyang balikat. Nanginginig sya. Nanginginig sa galit.

"Belle..."

Patuloy lamang sya sa pagkakawala. Bakas na sakanyang mukha ang inis. Hinampas nya ng tig dalawang beses ang mga estudyante. Mahigpit ko nang hinawakan ang kanyang balikat. Nilingon nya ako.

"Wacky..." Pagsusumamo nya.

"Mahahanap natin sila." Sabi ko.

Bumuntong hininga sya at tumigil sa pagwawala. Bahagya pa syang lumapit sa akin at isinubsob ang sarili sa aking dibdib. Desperadong mga buntong hininga nya ang aking naririnig.

Tahimik lamang sya. Pinakiramdaman ko kung umiiyak sya pero wala akong naramdaman na basang parte ng aking damit. Marahil ay nag iisip lamang ito ng paraan.

Hinaplos ko ang kanyang buhok. Ilang besea ko itong ginawa bago nya iniangat ang kanyang ulo saka ako ningitian.

"We can do this, right?" Mahina nyang bulong.

Tumango at ningitian sya pabalik. "We can. And we will."

Hinawakan ko ang kanyang kamay at marahan itong pinisil. Nilingon ko syang muli at ningitian. She smiled back. Marahan din nyang pinisil ang aking kamay saka hinawakan ito ng mahigpit.

I stared at her. Maya maya ay napangiti ako nang bumaling sya sa akin at ningitian ako. I know, we can do this, Belle. We can. And we will. Maliligtas natin sila.

"Let's do this!"

Just Say ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon