THERE'S no harm in trying. Paulit ulit ko iyong tinatatak sa aking isipan. Hindi man sigurado na magiging epektibo, kailangan pa rin namin subukan ang plano.Kahit na maliit na porsyento lamang ang tyansa, kailangan pa rin namin sumugal. In this game, talo agad ang mga sumusuko. Talo agad ang mga taong hindi pa nga nag uumpisa pero umaayaw na.
Walang masama kung susubukan. Manalo man o matalo, sa huli, masasabi mong atleast, sinubukan ko.
I looked at her. She's nervous. Hindi man sya sabihin ay kitang kita naman sakamya na kinakabahan sya. Hindi sya mapakali sakanyang kinauupuan. Tatayo, uupo, lalakad saka babalik sa upuan ang paulit ulit nyang ginagawa.
Nahihilo na lamang ako tuwing tinitingnan ko sya. Maya't maya ko rin naririnig ang kanyang pagbuntong hininga. Nakatayo pa rin sya at tulala.Seconds later, nakita ko na naman syang lumalakad sa aking harapan. Bumuntong hininga akong muli nang pangalawang beses syang muling dumaan.
"Will you stop that, Belle? Nahihilo na ko sayo." Ani ko sakanya.
Pinagpatuloy pa rin ang kanyang paglalakad na para bang hindi narinig ang aking pakiusap. I held on her wrist, pulling her to sit on my side.
Nahampas nya ang aking balikat dahil sa aking ginawa. Sinamaan din nya ako ng tingin at akmang tatayo muli ay mas hinigpitan ko lamang ang kapit sakanya.
"Stay there." Mariib kong sabi sakanya. "Nakakahilo ka."
She rolled her eyes on me. Pero hindi na nagsalita pa at nagreklamo. Hindi ko rin binitawan ang kanyang kamay dahil alam kong tatayo syang muli at maglalakad na naman sa aking harapan.
Mahigat trenta minutos na nya itong ginagawa. Paulit ulit. Pabalik balik. Mahihilo na lamang kung sino ang tumingin at sundan sya nang tingin.
Iniiwas ko ang aking tingin sakanya. Naghihintay lamang kami ng hudyat kina Janna. Sila ang may naunang gagawin. Habang kami ay maghihintay lamang muna bago kumilos.
Nararamdaman ko ang kanyang pagtitig. Nilingon ko sya at nakitang agad syang nag iwas. Ibinalik kong muli ang aking tingin sa harapan pero agad ding ibinalik ang tingin sakanya nang maramdaman kong muli ang kanyang mga tingin.
"Stop staring." Pabulong kong sabi.
Muli ay hindi nya ako pinakinggan. Nanatili ang kanyang tingin sa akin at nakakailang na ito. Iniyuko ko na lamang ang aking tingin. Nararamdaman ko pa rin ang kanyang tingin.
Kahit na anong aking pakiusap ay hindi nya pa rin pinapakinggan. Lalo lamang nyang gagawin ito kapag pinipigilan. She was a hard headed damsel.
"I said, stop it." Mahinahon ko pa ring sabi.
Narinig ko naman ang mahina nyang tawa kaya naman inilingon ko syang muli. Kinagat ko ang aking pang ibabang labi upang pigilan ang pag ngiti. Patuloy lamang sya sa pagtawa. Wala syang pakialam kahit na nakatingin na ko sakanya.
"Baliw." Bulong ko.
Mariin pa ring kinakagat ang ibabang labi. Sumimangot naman sya at kinunot ang kanyang noo nang makitang nakatingin na ko sakanya at nakatitig.
"Stop staring." Mariin nyang sabi.
Nanatili ang aking tingin sakanya. Pinipigilan ang pag ngiti dahil sakanyang pag simangot.
"Hey, stop it!" Aniya muli at tinakpan ang kanyang mukha.
Iniyuko pa nya ang kanyang ulo at ipinatong ito sakanyang tuhod. Natawa na ako ng tuluyan nang makita ang kanyang ginagawa.
"Wax, I said, stop it!" Pag uulit nya.
"Now, you know the feeling" Natatawa kong sabi.
Iniangat nya ang kanyang ulo saka ako hinampas ng may malakas na pwersa. Kamuntikan na akong matumba sa aking kinauupuan ng dahil sakanyang ginawa.
BINABASA MO ANG
Just Say It
Teen Fiction[ COMPLETED ] Ysabelle Sanchez and Joaquin Ortega's story Started: 06 | 11 | 17 Finished: 06 | 11 | 18 Highest Rank Achieved: #456 in Teen Fiction