27

204 6 0
                                    

Happy new year! Here's a simple gift from me. Hope you like it! Lovelots. - Sy

———

GROUNDED for two weeks. Ayan na ang parusa dahil sa nangyari kahapon. It was just an accident but nothing will change. Hindi naman yun pinaniwalaan ng aming magulang kaya no choice, two freaking weeks for punishment.

Janna was here at my room. Kanina pang bumubuntong hininga at kanina pa nakasimangot. Hindi sya maaaring gumala at lalong hindi na pwede pang makipagkita sa ka-date nya. It was just one date. Sa tingin ko ay hindi na masusundan.

Isa pa yan sa nalaman ng aming mga magulang. Katakot takot na sermon at grounded ang kanyang aabutin. As for me, hindi lang ako maaaring gumala at wala nang iba.

"Boring" Aniya saka humiga sa aking kama.

Tiningnan ko lamang sya. Napapangiti ako dahil sa nangyari kahapon. Hindi ko man sya napigilan ay ang mga magulang naman namin ang pumigil sakanya. Nandito rin si Alex kagabi, isa rin sya napagalitan at piningot pa ang tenga dahil naman sa date na ginawa nya para sa aking kapatid.

"You, ano namang pumasok sa isip mo at ni set up mo ng date itong si Janna. She was just fifteen years old, Alex." Sermon sakanya ni Mommy.

Tahimik naman itong nakinig sakanya. Katabi ko syang nakatayo sa gilid ng sofa. Janna was sitting on the couch. Sa tabi nya ay si Daddy na tahimik na nakaupo. Habang si Mommy ay nakatayo sa aming harapan at masama ang titig sa aming lahat.

"Tita, I just want her to experience—"

"She's too young for that. Bakit hindi muna si Wacky ang ni set up mo? Nasa edad na sya."

Napatingin ako kay mommy. Kinunotan ko sya ng noo pero tumaas lamangang kanyang kilay sa akin. Ang katabi ko naman ay nag pipigil ng tawa.

"Mom, I'm not into dating. Hindi ko pa yan priority." Sagot ko.

Alam kong kahit hindi ko yan sabihin ay alam nila yon. Ilang beses na nila akong pinilit sa set up pero wala rin akong sinipot.

Except for Belle.

Janna always set us on a date. May pagkakataon na akala ko ay gala ang pupuntahan namin pero sa huli ay iiwan din nila kaming dalawa.

"She's already dating someone, Tita" Hagikgik ni Alex.

Binalingan ko sya at sinamaan ng tingin. Tumawa naman ito ng mahina at hinampas ako sa aking balikat.

Umiling agad ako kay Mommy. Nilingon ko din si Janna para humingi ng tulong ngunit umiwas na sya nang tingin.

"Who's the girl, Alex?" Mahinahon nyang sabi.

Napawi ang ngiti ko. Ilang beses akong umiling kay Alex ngunit ngumisi lamang ito sa akin at natatawang bumaling kay Mommy.

"She's the mistress." Natutuwang saad nya.

Mula sa aming kinatatayuan ay kita ko kung paano kumunot ang kanyang noo. Marahil ay nagtataka na ito kung sino iyon. Siniko ko sya ng bahagya. Nagkunwari itong nasaktan kahit mahina naman.

"Don't say it." Bulong ko. "Sasapakin kita."

"Oh really, Love?" Masaya nyang bulong.

He's enjoying this situation. Ang akala ko ay kay Janna naka sentro ito ngunit bakit parang sa akin na?

Siniko ko syang muli nang makita na nakatingin sa amin si Mommy.  Nakatayo sya sa aming harapan habang ang dalawang kamay nasa magkabila nyang bewang.

Just Say ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon