42

199 8 8
                                    


I really have a feelings for her. Alam kong mayroon na. Hindi pa lamang ako handa na sabihin sakanya kaya siguro sa pabirong paraan ko na lamang ginawa.

Hindi pa buong buong pero alam kong nag uumpisa na. Alam kong mayroon na. Nag uumpisa ng mas lumalim.

I feel awkward. Biruan lamang iyon ngunit parang iba ang pinahihiwatig ngayon. Nararamdaman ko ang pagkailang. Maging ang hindi pagiging komportable. Ang dating saglit na paglalakad ay naging kalahating oras na.

Mabagal at tahimik ang aming naging paglalakad. Walang imikan. Walang tinginan. Ganoon ang kanyang trato sa akin.

Invisible treatment it is. Maging sa maghapon naming pamamalagi sa Academy ay hindi pa rin nya ako kinikibo. I feel her coldness. Para na syang kanyang kapatid.

Ilang sulyap at panghuhuli na sakanyang tingin ang aking ginawa ngunit wala man doon ang naging matagumpay. Hindi ko syang nakitang ningitian ako. Hindi rin sya sumulyap sa akin. Hindi rin nya ako kinakausap. Maging ang pagdikit o pagtabi sa akin ay hindi rin nya ginawa. Umiiwas.

Patuloy lamang akong nakatinging sakanya habang nakikipag usap sya kina Janna. Dismissal. Hinihintay ko na lamang sya upang maihatid na sakanila. Paninindigan ko na ang aking responsibilidad. Gagawin ko ito para sakanya.

Sa maghapon ay wala namang masamang nangyari. Bukod lamang sa mga bulungan at masasamang tingin na aming natanggap.

"Kuya! Let's go." Aya sa akin ni Janna.

Umiling ako sakanya at ngumiti. Itinuro ko ang kanyang katabi. Kumunot ang kanyang noo.

"Belle?" Nilingon nya ito.

Tumikhim ako at tiningnan syang muli. Blangko ang kanyang ekspresyon. Mariin lamang syang nakatingin sa akin.

"Hahatid ko pa sya." Agap ko agad.

Alam kong tatanggi sya. Sa mga nangyari maghapon ay alam kong tatanggi sya ngayon. Halata sa kilos nya ngayon na tatanggihan nya ang aking sinabi. Patunay na roon ang pag iling nya.

"Wag na, Wax." Malumanay nyang sabi. "I can handle."

Isang pilit na ngiti rin ang kanyang ginawa. Tinimbang ko ang kanyang ekpresyon. Blanglo pa rin ito at nakikita ko rin sakanya na seryoso sya sakanyang sinabi.

Tumango na lamang ako at hinayaan sya sa gusto nya. Ngumiti syang muli pero hindi na muling sinulyapan ako. Tumalikod na sya sa aking gawi ng hindi na akong muling kinausap.

I stared at her back. Binibilang ko sa aking isip ang kanyang mga hakbang. Sampu. Nakakalimang hakbang na sya palayo. Nagkakaroon na ng agwat ang aming distansya. Sampu.

Sa huling hakbang ay naging mabilis ang mga mangyari. Natagpuan ko na lamang amg aking sarili na tumatakbo papunta sakayan. Nakasunod naman sa aking likod sina Janna.

"Belle!" Sigaw ng aking kapatid.

May nakatayong tatlong babae sakanyang harapan. Sakanyang gilid naman ay may nakatayong tig dalawang tao sa magkabila nyang gilid. Isa lamang ang nakikilala ko sakanila. Si Spade Serrano.

Hindi na gumagalaw sakanyang kinatatayuan si Belle pagkarating namin. Agad naman akong pumunta sakanyang unahan, tinatakpan sya sa tatlong babaeng nakangisi sa aming unahan.

"Oh, the knight in shining armour" Aniya. Nagtawanan naman ang kanyang dalawa pang kasama. "We meet again" Nakangiti pa nyang dugtong.

Hindi ko sya maalala. Hindi ko sya matandaan. Sa pag iisip ay naramdaman ko ang pagkapit ni Belle sa dulo ng aking uniporme. Hinigpitan pa nya ng kaunti ang pagkapit.

Just Say ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon