48

178 9 6
                                    


"THIS is the plan."

Mabagal at pulido kong itinuro sakanila ang aming gagawin. Bawat isa ay may kaukulang gawain. Bawat isa ay may dapat gawin. Ito ang aking naiisip upang manalo kami sa labang ito. We need to win.

Ang kailangan namin ngayon ay ang pagkakaisa. Kulang man kami sa tao ay alam kong kaya namin ito. We just need to do it and trust each other. Ang bawat isa na lamang ang aming sandalan sa panahong ito. Ang bawat isa na lamang ang dapat naming pagkatiwalaan sa panahon ngayon.
Napangiti ako nang makitang tahimik silang nakikinig sa akin. Ang bawat isa ay nagbibigay atensyon sa aking sinasabi. Alerto ang kanilang pandinig at paminsa'y minsan ay nagbibigay rin sila ng kanilang opinyon.

"Kaya nyo ba ang aking sinabi?" Tanong ko sakanila.

Nagkatinginan silang tatlo bago sabay sabay na tumango. I know we can do it. Naniniwala ako na kaya namin 'to. Naniniwala at nagtitiwala ako sakanila. Kahit na may pagdududa ay alam kong magagawa namin ito. Maliit man ang tyansa ay lalaban kami. We will end this fucking game and we will win against them.
"Kaya!" Sabay sabay nilang sabi.

Napangisi ako nang makita ang kanilang mga ekpresyon. Handa na sila. Handa na silang gawin amg dapat. Bukas ay agad na naming gagawin ang plano. Bukas mag uumpisa ang totoong laban. Laban na sana ay aming mapanalunan.

I looked at Belle. Alam kong sa aming lahat ay sya ang pinakakinakabahan. Lagi nyang sinisisi ang kanyang sarili dahil nadamay kami sakanya. Lagi nyang sinisisi sakanyang sarili ang mga nangyayari ngayon. Alam kong kahit matapang ang kanyang pinapakita ay alam kong grabe rin ang kanyang kaba. Sa aming lahat, sya ang pinanatatakot.

Belle can do this. Marahang bulong ko sa aking sarili. I believe in her. She can do it. She can do this. And she can win this.

"Baka naman matunaw, Dude." Narinig ko na lamang bulong sa akin ni Rex.

Mula kay Belle ay inilipat ko ang aking tingin sakanya. Nakatingin ito saka ininguso si Belle. Nakangisi na sya na akala mo ay nahuli nya akong nakatingin dito.

"I know, you like her. Sabihin mo na. Wala namang mawawala." Bulong nyang muli.

Nagkibit balikat lamang ako saka muling ibinalik ang tingin kay Belle. Masaya itong nakikipag usap kay Janna. Mahinhin pa itong tumatawa at panay ang hampasan nila ng aking kapatid.

"Not the right time." Bulong ko na lamang.

Naramdaman ko ang tingin nya sa akin kaya kaagad akong nag iwas. Napatikhim ako saka ibinalik muli ang tingin sakanya. Nabalik na ang tingin nito kay Janna. Lumapit pa ito ng kaunti kay Janna saka may ibulong at nagtawanan muli sila.

"Kailan naman ang right time na sinasabi mo? Kapag naagaw na sya ng iba?" Aniya at bahagyang tumawa.

Bumalik sa aking isip ang lalaking kasama nya noon. Kung tama pa ang aking natatandaan ay Frank ang pangalan nito. Hindi ko alam kung ano ang kanyang relasyon dito pero mukha silang matagal nang magkakilala.

Hindi naman nya n ito nabanggit ng mga sumunod na araw kaya hindi na lamang ako nagtanong pa. Kung ano man ang mayroon sila ay sana ay kaibigan lamang. Sana lamang ay hanggang doon lang sila.

"May kaagaw no?" Mahina nyang tinapik ang aking balikat. "Napaisip ka kaya alam kong mayroon. Anong pangalan? Ipatumba natin."

Napabuntong hininga ako saka sya tiningnan muli. Pagkalingon ko pa lamang sakanya ay nakatingin din sya sa akin. Nagkatitigan kami. And from that, naramdaman ko ng pagbilis nga tibok ng puso ko.

Para itong makikipagkarera sa bilis ng pintig nito. Kasalukuyan ding nahinto ang oras. Wala akong nakikitang iba sa mga oras na ito kung hindi sya lamang. Sya at ang kanyang malambing tawa.

The girl I've always save from trouble. Ang babaeng alam kong mayroon na akong nararamdaman. Sya na gusto kong iligtas at sya na aking poprotektahan.

Ysabelle Sanchez.

Naagaw lamang ang aming atensyon nang tumunog na ang bell na hudyat ng alarm. Sabay sabay kaming tumakbo nang marinig ito. Nag uunahan pa kaming apat na makalabas ng pinto at nagtutulakan.

Hindi dapat kami maabutan ng pagsasara. Siguradong bukas pa kami makakalabas once na maabutan kami dito. Mas binilisan namin ang aming takbo. Nauuna na ngayon si Rex at kasunod lamang nya ako. Ang dalawang babae ay nasa likuran kaya huminto muna ako para hintayin sila.

Nasa ikatlong palapag pa lamang kami ngunit pare pareho nang tagaktak ang aming pawis. Hinihingal na rin sila at parang nang hihina na rin ang katawan.

Alam kong pagod na si Belle dahil sa nangyari ng araw na ito. Hindi man nya sabihin ay alam kong pagod na sya para sa araw na ito. Masyado nang napwersa ang kanyang katawan kaya naman ay sinalubong ko na sila bago pa ito bumagsak. Nanghihina na ito at hinihingal.

"You go first, Jans. Ako ng bahala sakanya." Mariin kong utos sa aking kapatid.

"Pero Kuya, baka maiwan ka—"

"It's okay. Magkasama naman kami kung sakali. Kailangan na nya ng pahinga."

Bakas sakanyang mukha ang pagdadalawang isip. Tinakot ko sya sa pamamagitan ng aking mata. Sinamaan ko sya ng tingin, kaya naman dali dali itong tumakbo papaalis.

Nang nakitang kong papalayo na ito ay ibinaling ko ang aking tingin kay Belle. Bakas na sakanyang mukha ang pagod. Hingal na hingal na rin sya na animo'y sinusumpong na ng hika kahit na wala naman sya noon.

Hinawakan ko kaagad sya sakanyang siko at dahan dahang iniangat. Nakatingin lamang sya sa akin. Nanatili lamang ang kanyang tingin kahit na nanung lumuhod ako at inayos sya sa aking likod upang mapasan.

Nang masiguro na maayos na sya sa aking likod ay hinawakan ko sya likod ng kanyang tuhod. Automatiko namang iniyakap nya ang kanyang mga braso sa aking leeg. Siniguro ko naman na mahigpjt ang aking kapit sakanya bago tuluyang tumayo.

"Wacky..." Aniya sa mababang boses.

"Rest." Bulong ko sakanya. "I want you to rest. Alam kong pagod kana. You may take a nap. Ako nang bahala sayo. Wag kang mag alala."

Dahan dahan kong inihakbang ang aking mga paa. Mas hinigpitan ko ang aking hawak sakanya. Natatakot ako na baka bumagsak na lamang sya sa sahig dahil sa akin.

Ngayon ko nararamdaman ang pagod mula sa maghapon. Ngayon lamang naglalabasan ang sakit ng binti maging ng aking mga braso. Mas hinigpitan ko na lamang ang hawak sakanya.

"Pagod ka na din. Kailangan mo din ng pahinga." Bulong nya sa akin.

"Kaya ko pa."

Dahan dahan lamang ang aking paghakbang. Nag iingat na hindi sya malaglag at tumumba. Lalo kong naramdaman ang paghigpit ng yakap nya sa aking leeg. Nararamdaman ko ang pagtama ng kanyang paghinga dito.

Isinawalang bahala ko na lamang ito at pinagpatuloy ang aking paglalakad. Tuloy tuloy pa rin ang pagtunog ng alarm. Alam kong nasa labas na sina Rex at ligtas na mula sa pagkakakulong. Ang kailangan ko na lamang ngayon ay mailabas sya at umabot sa oras.

Sa tyantiya ko ay mayroon pa kaming sampu hanggang labing limang minuto bago tuluyang sumara. Nasa ikalawang palapag na kami at halos liparin ko na ang daan para lamang umabot.

Tagaktak na ang aking pawis ngunit pinagpatuloy ko pa rin ang lakad takbong paglalakad. Mas binilisan ko pa ang aking paglalakad nang maramdaman ko ang pag bigat ng kanyang ulo sa aking balikat. Tanda ito na tuluyan na syang nakatulog.

Mula sa may hagdanan ay nakikita ko na sa may pintuan ang dalawa. Sinesenyasan nila kami na bilisan kaya iyon ang aking ginawa. Mahigpit ko syang hinawakan saka lalong binilisan ko pa ang aking lakad.

"You did!" Masayang sabi ni Janna at sinugod kami ng yakap.

Kamuntikan ko nang mabitawan si Belle kaya sinamaan ko ito nang tingin. Nag peace sign na lamang sya sa akin. Tinapik lamang naman ni Rex ang aking balikat saka ako ningitian.

Napangiti ako at muling inayos si Belle sa aking likod.

Belle, did well. She did really well.

Just Say ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon