21

261 15 0
                                    


AS expected, we're in trouble, again. Inaasahan ko na ang ganitong sitwasyon dahil lamang kasama ko si Belle ngayon. 'Cause everytime I'm with her, we're in trouble.

Ilang beses ko na itong napatunayan at hanggang ngayon ay tama pa rin ako.

Nagbaba ako nang tingin at nilingon sya. Nakaangat ang kanyang tingin sakin ngunit mahigpit ang pagkakahawak sa aking uniporme. Nakatungkod naman ang aking mga braso sakanyang dalawang gilid, locking her in the tree.

"Help him" Mahina nyang bulong.

Panay ang kumbinsi nya sa akin ngunit tanging iling lamang ang aking tugon.

Daing, mura at kung ano ano pa ang mga salitang naririnig namin sakanila. Mahigit isang oras na rin kaming naririto na nagtatago at nakikinig lamang sakanilang mga salita.

"Ito ang napapala nang isang taong pakialemero." Sigaw ng isang lalaki. "I hope you learned your lesson" Dugtong pa nya sakanyang sinabi.

Mariing syang napapikit nang marinig na naman syang isang daing. Sunod naman nito ang panandaliang katahimikan ngunit isang tunog na lamang ang aming narinig mula sa aming dalawa.

A ringing phone.

A muttered a cuss saka binalingan si Belle.
Mabilis naman itong umiling hudyat na pagsasabing hindi sakanya ito. Napatingin din ako sa bulsa ko ngunit alam kong naka silent naman ang sa akin.

I cuss again. Ngayon ay hinahagilap ko na ang cellphone na tumutunog. Kinapa ko ang king bulsa at iniangat ang akin. Nakapatay lamang ito, patunay na hindi nga sa akin ang natunog.

Ibinalik ko ang tingin kay Belle at kita sakanyang mukha ang kaba. Dahan dahan nyang kinapa sakanyang bulsa ang cellphone. Sinundan ko nang tingin ang kanyang galaw at ginagawa.

Nang maiangat nya ang kanya, umiilaw ito at nag iingay. Nabitawan nya ito at bumagsak sa lupa. Saglit itong natahimik ngunit ilang sandali pa ay muli na namang tumunog.

Napapikit ako. Pagkadilat ay umayos ako nang tayo. Nag aayos upang makayuko at maabot ito mula sa sahig.

Hindi pa man ako nakakayuko ay yumuko din si Belle dahilan nang pagkakabangga ng ulo naming dalawa. Sinamaan nya ako nang tingin. Tumikhim lamang ako at pinagpatuloy ang pag abot ng kanyang cellphone. Tumutunog pa rin ito at umiilaw.

"Sinong nandyan?" Sabi ng lalaki.
Nagkatinginan kami ngunit agad din akong nag iwas nang tingin. Pumikit sya at nagbuntong hinginga. Pagkatapos ay gumawa sya nang isang tunog.

"Meow! Meow! Meow!

Dalawang beses nya pa itong inulit. Pumikit lamang ako at pinipigilan ang huwag matawa dahil sakanyang ginagawa. Nang idilat ko ang aking mata ay masamang nakatingin na sya sa akin.

Naririnig ko ang yapak nang isang lalaking naglalakad papunta sa amin. Sa tingin ko naman ang isa ay nanatili naman doon para sa isa pang lalaki.

Naririnig pa rin namin ang kanyang daing. Maging ang makailang mura pa nang isang lalaki.

"Anong ginagawa nyo dyan?" Pagalit na sabi nya nang makita kami.

Napaayos ako nang tayo. Si Belle naman ay lalong hinigpitan ang hawak sa aking uniporme. Nararamdaman ko ang kanyang tingin kaya nilingon ko sya.

"We're actually..." I trailed.

Bahagya kong sinilip ang nasa aming gilid. Nakatingin pa rin ito sa amin at nakakunot ang noo.

"...looking for something." Pagdudugtong nya.

Napatingin ako sakanya at nagtaas ng kilay. Iniangat nya ang kanyang kamay mula sa aking uniporme patungo sa aking kwelyo. Sinulyapan ko ang lalaki, nakataas na ngayon ang kanyang kilay sa amin. Bahagya pa syang nakangisi.

Just Say ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon