AGAD kaming nakarating sa ospital. Nanlalamig ang aking kamay nang hawakan ko ang doorknob. Janna was still crying beside me. Hindi ko pa tuluyang nahahawakan ang doorknob ay bumukas na ito at iniluwa ang isang lalaki na diretso ang tingin sa akin.Wearing his uniform, nakataas noong nakatingin sa amin. Madilim ang kanyang mukha na animo ano mang oras manunugod na ito. Kumunot ang kanyang noo nang makita kamk sa tapat ng pintuan.
"Who are you?" Nagtatakang tanong nito.
"Joaquin Ortega." Tangi ko lamang sinabi.
Hinawakan ni Janna ang aking braso. Napatingin ako dito. Hindi sya nagsalita kaya ibinaling kong muli ang aking tingin sa lalaki sa may pintuan.
Curious was written in his face. Nagtatakang tingin ang ipinupukol nito sa amin.
"Anong kailangan nyo dito?" Aniya.
Umayos ako nang tayo. Lumipat si Janna mula sa aking tabi hanggang sa maging nasa akin na syang unahan. Hinaharangan ang lalaki pero hindi sya nagtagumpay. Mas matangkad pa rin ako kaya walang saysay ang pagtayo nya sa aking unahan.
"We came to visit, Belle. Pwede na ba namin syang makita?" Mahinahon nyang sabi.
Saglit na natigilan ito pero agad ding tumango at umalis sa pagkakaharang sa pintuan. Pagkapasok pa lamang ay agad nang bumungad sa aming ang puting kulay ng kwarto.
Nakita ko agad syang nakaupo sakanyamg kama. Suot pa rin nya ang kanyang uniporme. Kita rin sakanya ang iilang galos sa mukha at sa kanang braso.
Agad syang dinaluhan ni Janna at niyakap. Nanatili lamang naman ako sakanilang likod at nakamasid sakanila. Isang pilit na ngiti ang kanyang ibinigay. Tinitigan ko lamang sya.
"Ano ba talagang nangyari?" Mariing tanong ni Janna.
Dalawang beses na umiling sakanya si Belle. Ibinuka ang bibig pero agad ding itinikom at pumikit. Nanatiling nakatingin ako sakanya. Inoobserbahan ang kanyang galaw. May mali.
"Uy Belle. Ano kako ang nangyari?" Pag uulit nya.
Tahimik lamang syang nakatingin kay Janna. Malungkot ang kanyang mukha na para bang may sasabibin pero hindi nya maituloy.
"N...nothing" Aniya sa mababang tono. "Uh. Hindi kasi ako nag iingat kaya nangyari 'to." Humalaklak pa sya pagkatapos ng kanyang sinabi.
She was lying. Mayroon syang hindi sinasabi. Mayroon syang itinatago. May gumugulo sakanya pero hindi nya sinasabi. Nang linungin nya ko ay malungkot syang ngumiti.
Pinipilit nyang ibahin ang kanyang ekspresyon ngunit bumabalik pa rin ito sa pagiging malungkot. Tumango na lamang ako sakanya.
Nanatili akong nakatingin sakanya. Binabasa ang bawat galaw nya. Nakayuko lamang naman sya at malalim ang iniisip. Ito na kaya iyon? Ito na ba ang trouble na kanyang sinasabi.
Ayoko na namang maniwala. Nang huling paniwalaan ko sya ay walang nangyari. Ngayong nangyayari ito, maniniwala na ba ako sa babala nya? Muli kong ibinaling ang aking tingin sakanya.
What now, Belle?
NAGMADALI akong maglakad ng makita ko sa hallway si Belle. Pumasok na sya kahit na kagagaling lamabg nya sa ospital. Nang maabutan ay agad kong hinawakan ang kanyang siko upang alalayan.
Napahinto sya at agad na napatingin sa akin. Kumunot ang kanyang noo nang makita ako. Pumiglas din sya sa aking hawak at pilit na inaalis ang aking kamay.
"Bakit pumasok kana?" Bulong ko sakanya. "Dapat nagpahinga ka nala–"
"I'm okay. Don't worry about me." Aniya at pinilit muling ialis ang aking kamay sakanya.Hinigpitan ko lamang naman ang hawak sakanya. Umiling ako sakanya kaya tumigil sya sa pagpiglas. Hinayaan na lamang nya akong alalayan sya.
"Pero baka mabinat ka. Yung mga ga–"
Again. She cut me off. "I'm okay." Natatawa nyang sabi. "Told you, no need to worry."
Inunahan ko syang maglakad saka humarang sa harap nya. Ang kamay na nasa kanyang siko ay tumaas hanggang aa umabot sa kanyang balikat. Tinitigan ko sya ng mariin.
Iniangat ko ang aking isang kamay upang padaanin sakanyang mga galos. Mula sakanyang braso patungo sakanyang pisngi. Nakatitig lamang sya sa akin habang ginagawa ko iyon.
"Tell me, who did this?" Hinawakan ko ang galos sakanyang mukha.
Patuloy lamang nya akong tinitigan. Alam kong wala syang balak na sabihin sa akin ang kahit na ano. Gusto nya na namang ilihim ito.
"Tell me, Belle..." Malambing kong sabi sakanya. "Tell me..."
I heard her sigh. Hinawakan nya ang aking kamay na nakahawak sa kanyang pisngi at unti unti nya itong tinanggal. Ngumiti sya ng bahagya at naramdaman ko ang paghigpit nang kanyang hawak sa aking kamay.
"It's the three girls wh–"
Hindi na nya natapos ang kanyang sasabihin nang agad ko syang niyakap at ialis sakanyang kinatatayuan. Doon ay may bigla na lamang na bumagsak na balde na walang laman.
Rinig ko ang pagbagsak nito. Nagdulot ito nang malakas na tunog at impact. Tiningnan ko agad ang paligid upang tingnan kung sino ang may gawa.
"You okay?" Tumango sya sa akin. "May masakit ba sayo?" Umiling naman sya.
Tiningnan ko kung saan nanggaling ang balde. Galing ito sa itaas. Nakatali ito mula doon sa itaas. Konektado ito sa tali na syang nakasabit at hihilahin lamang upang malaglag.
Walang tao. Siguro ay nakatakbo na. Tahimik na hallway muli ang bumalot sa amin. Ramdam ko ang tingin ni Belle kaya nilingon ko sya at ngumiti.
Ngumiti sya sa akin pabalik. Nararamdaman kong mayroon pang ibang tao dito bukod sa amin. Hindi ko lamang matuloy kung saan sya nagtatago.
"We need to talk about it." Agad syang tumango sa akin. "Right after class, meet me at the back of the school."
Hindi ko narinig ang kanyang tugon. Tanging pagbuntong hininga lamang nya ang aking naramdaman.
NAGMADALI akong lumabas pagkatapos pa lamang tumunog ng bell. Mabilis kong iniayos ang aking gamit at agad na lumabas upang makapunta sa likurang bahagi ng aming paaralan. Rinig ko ang pagtawag sa akin ni Rex ngunit hindi ko na sya pinansin at tuloy tuloy na naglakad.
Papalabas pa lamang ng ibang estudyante. Iilan pa oamang ang nakatambay sa labas at ang ilan ay nananatili pa sakanilang classroom. Nilagpasan ko ang kanilang classroom. Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad. Mas binilisan ko pa ito nang makitang dumadami na ang estudyante pagkarating ko sa ikalawang palapag.
Pagkarating doon ay agad ko syang nakita na nakatalikod. Agad ko syang nilapitan. Tatapikin ko na sana sya nang makita ang kanyang nagtataas baba na balikat. Hinawakan ko ang kanyang balikat at agad na iniharap sa akin.
"Anong nangyari?" Natataranta kong tanong.
Hindi ko alam pero nararamdaman ko ang kaba. Niyakap ko agad sya at tinapik tapik ang kanyang likod. Nararamdaman ko ang unti unting pagkabasa ng aking uniporme. Naririnig ko rin ang kanyang hikbi.
"They're... doing... something." Aniya sa pagitan ng paghikbi.
"They said na hindi nila ako titigilan hangga't walang masamang mangyari at hindi ako napapaalis sa eskwelahan na 'to"
"Sino? Sino sila?"
Iniangat nya ang kanyang mukha. Kitang kita ko ang kanyang luha. Maging ang kanyang namumula na mata. "The triplets."
Muli ay akin syang niyakap. Tinapik tapik ko din ang kanyang likod upang tumahan sya. Kabaliktaran ang nangyayari, lalo lamang lumalakas ang kanyang paghikbi. Maging ang aking uniporme ay tuluyan nang nababasa dahil sakanyang luha.
"Don't worry, Belle." Marahan kong hinaplos ang kanyang buhok. "Babantayan kita, promise."
This time, I will be her true knight in shining armour. You will be safe, damsel. Promise.
BINABASA MO ANG
Just Say It
Teen Fiction[ COMPLETED ] Ysabelle Sanchez and Joaquin Ortega's story Started: 06 | 11 | 17 Finished: 06 | 11 | 18 Highest Rank Achieved: #456 in Teen Fiction