47

141 6 0
                                    


TULOY ang hanapan. Kahit na may nakita na kaming isa ay hindi pa rin kami dapat na maging kampante. Mayroon pang dalawa. Dalawa pa ang dapat naming hanapin at alam kong mas mahihirapan kami sa dalawa dahil walang maibigay na clue o kahit na ano si Yna.

Kanina pa sya kausap ni Belle. Ang tangi lamang naaalala nito ay ang pagkausap sakanya ng dalawang tao hanggang sa sapilitan na syang isinama sa aming building saka itinali at binusalan.

Wala rin syang alam kung sino ang dalawa pa naming hinahanap. Walang nabanggit sakanya at lalo namang wala itong ibang sinabi nang kausapin sya nito. Wala na daw syang naaalala at natatandaan sa mga sinabi ng mga ito.

"Wala ba talaga Nana?" Narinig kong taning muli ni Belle sa kapatid. Umiling ito at yumuko.

Nilingon nya ako at inilingan. Napatango na lamang ako at senyasan na lalabas lamang ako. Napabuntong hininga muli ako nang maisara ko na ang pintuan.

Kahit na wala syang galos o sugat ay dinala pa rin namin dito upang matingnan. Ang taling ginamit sakanya ay hindi ganoon na kahigpit. Tanging ang piring at busal lamang ang may kaunting higpit.

Kung damay si Yna dito, ay maaari ring madamay ang aking kapatid. Hindi malabo iyon dahil sa nangyari kay Yna. Maaari ring madamay si Rex dito dahil pareho naming kaibigan ito. Pareho rin namin itong nagiging kasama at nakakasalamuha.

Lahat ay posible. Lahat ay pwedeng mangyari. Maaaring may iba pang madamay o hindi naman kaya ay lahat ng aming kilala ay madamay. Hindi malabo na mangyari iyon. Alam kong hindi sila titigil hangga't hindi kami napapatalsik dito.

Gagawin nila ang kanilang gusto. Gagamitin din nila ang impluwensya nila dito sa Academy upang maisakatuparan iyon. Alam kong nag uumpisa pa lamang sila. Hindi pa natatapos ang lahat sa ganito lamang. Hindi sila papayag na hindi kami susuko.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Nang linungin ko ito ay bumungad sa akin ang nanlulumong si Belle. I know that face, wala syang nakuhang anumang impormasyon sakanyang kapatid. Marahil ay wala talaga itong alam o hindi naman ay wala talagang ipinaalam sakanya.

Tinapik ko ang espasyo sa aking tabi. Hindi na sya sumagot at dahan dahan na lamang lumapit sa akin. Nanatili lamang sya sa aking tapat at nakatayo. Nagtaka ako sakanya ngunit hindi ako nagsalita.

"I know, huli na para sabihin ko ito." Aniya sa mababang boses. "Thank you. Kahit na nadamay ka na ay hindi mo isinumbat sa akin." She smiled weakly.

Nanatili lamang akong nakatingin sakanya. Nagpanic lamang ako nang unti unti nyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. Hindi ako makagalaw at tanging tibok lamang ng aking puso ang aking nararadmdaman. Mabilis itong pumipintig na akala mo ay may karera.

The next thing I know, she kissed me. In my forehead. Ngumiti syang muli pagkatapos. Saka nya ko hinila papatayo at papaalis ng aming kinatatayuan. Hindi ako umimik o nagbigay ng salita. Until now, It's still beating. Nakailang mura na ako sa aking sarili pero walang epekto.

Tiningnan ko ang kanyang kamay na nakahawak sa akin. Hindi ko alam pero nararamdaman ko ang pag init ng aking tenga. Maging ang aking leeg ay mainit ang pakiramdam.

"W...where are we going?" Napamura akong muli sa aking sarili nang manginig ang aking boses.

"We're going to find them." Aniya.

Hindi nya ako nilingon. Patuloy lamang sya sa paghila sa akin. Natahimik naman ako pero inilibot ko ang aking tingin sa paligid. Mula pa kanina ay wala pa akong nakita ni isang estudyante bukod sa tatlo at dalawa pa nilang kasama. Wala rin akong nakikitang teachers at iba pang mga tao rito.

Malakas ang aking kutob na may kinalaman na naman ang magkakapatid dito. Sila lamang naman ang lubos na maimpluwensya na estudyante rito. Sila lang din ang maglalakas loob na gawin ito para lamang sa larong kanilang pinamumunuan.

Nakarating kami sa East Wing. Building ito ng mga nasa Ika apat na taon na dito sa Academy. Mukhang dito ang sunod na hahanapan ng mga damay.

Hila hila pa rin nya ako papasok sa loob. Binitawan lamang nya ako at nilingon nang makalagpas na kami sa locker are nang building.

"Sa ikaapat na palapag muna. Pababa." Tumango sya sa aking suhestyon.

Pero bago pa man kami makaakyat at muli namin tiningnan ang stock room. Napabuntong hininga sya nang makitang wala roon ang aming pakay. Marahil ay alam na nito ang susunod naming gagawin kaya inilipat ito sa ibang taguan.

Nagmadali kaming pumunta sa ikaapat na palapag. Nang makarating roon ay hingal na hingal kami pero dumiretso rin sa paghahanap. Magkahiwalay kaming nag bukas ng mga silid. Parehas na iling ang aming ginawa nang makitang walang laman ang unang dalawang classroom.

Sa ikaapat at ikatlong silid ay ganoon lang din ang aming ginawa. Napailing muli kami nang walang makitang tao roon. Mukhang mas mahihirapan nga kami sa mga susunod na paghahanap.

Napatigil lamang kami ng may marinig kaming kaluskos mula sa dulong cr sa palapag na ito. Naoatingin ako sakanya at tumango. Katulad ng nangyari nang mahanap ko si Yna ay ganoon din ang kinalabasan.

It was Janna.

Basang basa ito ng tubig. Nakatali ang kamay at paa. Nakapiring at nakabusal ang kanyang bibig. May malay sya ngunit tanging pag gawa lamang ng kaluskos ang kanyang nagagawang ingay.

Mabilis ang aming kilos. Nakalagan at napatanggal na naman ang piring at busal. Nang makita kami ay imbes na umiyak at tumawa pa ito. Napailing na lamang kami dahil sakanyang inasal.

"Oh god, Kuya." Aniya habang dahan dahan ayang tumatayo. "Those three idiots. Hindi nga nila ako sinaktan pero binasa naman nila ang tubig na galing sa banyo. My god!"

Napangiwi na si Belle sakanyang narinig. Kahit basa ay nagawa pang yakapin ni Belle si Janna. Napatawa na lamang ako sakanilamg dalawa.

"But seriously, Belle, Kuya. Dapat ay hindi nyo nalang sila pinatulan. Alam mo namang maimpluwensya sila at aminin man natin o hindi wala tayong laban."

"We know." Aniya naman ni Belle. Napatingin ito sa akin. "Nadamay lang naman talaga kayo sa akin. I'm very sorr–"

"No need to say sorry. Gusto kong tumulong. Gusto ko. At lalo namang gusto kita kaya tutulong ako."

Nakakabinging tili ni Janna ang sunod naming narinig. She kept on yelling 'oh my god' Maya maya din ang yakap nya kay Belle at pabati sa aking ginawa.

"Welcome to our family" Pabungisngis nyang sabi.

"Oh wait!" Aniya ni Janna at ngumiti. "May narinig akong pinag uusapan nila. Rooftop. Rooftop lang ang narinig ko pero hindi ko kabisado kung saang building."

Nagkatinginan kami at agad na nag unahan papunta sa roodtop ng East Wing. Maging si Janna ay sumama sa amin at nakikitakbo din.

Pagkarating sa rooftop ay bumungad sa amin ang mainit na hangin. Agad rin namin nakita ang isang lalaking nakatali sa upuan. Nakapiring muli ito at may busal sa bibig pero mayroong malay. Rex.

Tama nga ang aking kutob. Sila ngang tatlo ang maging damay dahil sa sila ang pinakamalapit sa amin ni Belle.Marahil ay sila lang din ang nakikita nilang laging kasama.

"Shit!" Sigaw ni Rex. "Ang mga babaeng yun. Fuck!"

Natawa na lamang ako dahil sakanyang ekspresyon. Bakas sakanyang mukha ang pagkainis at pagkairita. Hindi sya basa kagaya niJanna pero namumula ang kanyang mga kamay dahil sa pagkakatali. Sa tingin ko ay pumiglas sya kaya hinigpitan ang pagkakatali sakanya.

"Ang laki talaga ng galit ng mga iyon sainyo." Sabi ni Rex at mataman akong tiningnan.

Tinanguan ko lamang sya. Alam nya na ang gagawin. Alam kong makakatulong sya sa amin.

"It's time for the counterback" I smirked.

Just Say ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon