NABALOT sa malalakas na tawanan ang aming sala. Pinapangunahan naman ni Alex ang mga kalokohan. Nakakapit pa rin sya sa akin at naka dikit. Ayaw nyang humiwalay kahit na ano pang gawin ko.Napa tahimik na lamang akong naka upo sa tabi nya. Nakaupo kami sa may sofa sa salas. Habang ang iba naman ay nasa labas ng bahay at busy sa kanya kanyang kwentuhan.
"Bitawan mo na nga ko" Pag tutulak ko na naman kay Alex.
Kagaya kanina ay isinawalang bahala lamang nya ko at lalong nagsumiksik sa akin.
"No. No. No." Iling nya.
Tuwing nandidito sya ay panay lamang pagdikit sa akin ang inaatupag nya. Hindi din sya nahiwalay sa akin at panay lamang ang kapit.
Minsan ay tinataguan ko na sya dahil sa sobra nyang pagdikit. Hindi naman sa nandidiri, ngunit naiilang lamang ako sa kanyang ginagawa.
"Hindi na kita tatakasan." I said. "Hindi na rin kita pag tataguan kung yan ang iniisip mo."
Tinaasan lang nya ko ng kilay na para bang hindi sya naniniwala sa sinabi ko. Lumayo sya ng kaunti ngunit hindi inalis ang pagkaka angkala nya sa aking braso.
"Don't fool me Wax, don't me" Napairap pa sya sa hangin.
"I swear, hindi na kita tatakasan" Itinaas ko pa ang kanang kamay ko na parang nanunumpa.
Tinitigan lamang naman nya ko saka dahan dahang niluwagan ang kanyang pag kapit sa akin ngunit hindi nya tuluyang binitawan. Hawak hawak pa rin nya ko pero hindi na ganoon kahigpit kagaya kanina.
Nanatili lang kaming naka upo sa sofa habang nakamasid sa mga taong nagkekwentuhan sa paligid. Minsan ay naririnig ko ang pagbuntong hininga ng taong katabi ko.
Maya maya pa ay tumayo sya mula sa kanyang upuan. Dumiretso sya ng lakad papunta sa kusina. Sinundan ko lamang sya ng tingin hanggang sa mawala sya.
"Kuya?" Janna said.
She was eating cupcake habang naglalakad, nasa kabilang kamay niya ang kanyang cellphone. Mayroon syang kausap na tao.
Napatingin ako sakanya ngunit hindi ako ang kausap nya. Ang atensyon nya ay sa cellphone na hawak, kausap ang isang tao na hindi ko sigurado kung sino.
"Whatever" Pagkausap pa nya sa kabilang linya. "Mas matanda ka kaya Kuya ang itatawag ko sayo"
Nakatingin lamang ako kay Janna ng diretso, hindi nya alintana ang aking pagtitig. Busy pa rin syang nakikipag usapan sa telepono.
"Ewan ko sayo. Bahala ka. Bye"
Pabagsak syang naupo sa tabi ko. Sumandal saka ipinikit ang mga mata at nag buntong hininga. May gumugulo na naman siguro sakanya.
"Problem?" Bulong ko sakanya.
Bahagya akong sumandal at lumapit sakanya. Iminulat naman nya ang kanyang isang mata saka ipinikit muli. Humilig sya sa aking balikat.
"Wala" Mahina nyang bulong. "Nakakainis"
I chuckled. "Wala pero naiinis ka? Baliw ka na ba?"
Bahagya ko pang kinatok ang kanyang ulo dahil sa kanyang sinabi. Pinigilan naman nya ang aking kamay at umalis sa pagkakahilig sa aking balikat. Umirap pa sya at lumayo ng kaunti.
"Spill."
She never said anything about her and her outside life. Hindi sya pala kwento ng bagay bagay. Madalas ay sinasarili lamang nya ang gumagambala sa kanyang isipan.
"Nah." Tulak nya sa akin. "I'm okay Kuya. Don't worry" She said. Natawa pa ito ng mahina.
"Go on. Spill" Pangungulit ko sakanya. "Makikinig ako"
BINABASA MO ANG
Just Say It
Teen Fiction[ COMPLETED ] Ysabelle Sanchez and Joaquin Ortega's story Started: 06 | 11 | 17 Finished: 06 | 11 | 18 Highest Rank Achieved: #456 in Teen Fiction