I AM bothered by her words. Hindi ko na malaman kung nagbibiro pa rin sya o totoo na ang kanyang sinabi.Sinabi nya ito nang nakangiti kaya iniisip ko na isa lamang itong biro. Pero ngayong hindi ko pa sya nakikita mula pa kanina ay nagtataka na ako.
She just disappeared at hanggang ngayon ay hindi pa rin sya nakikita.
Sinulyapan ko ang taong nasa aking harapan. Abala sya sa pagbabasa ng mga papel na reviewer. Hindi nya alintana ang taong maiingay at magulo dito sa loob ng Cafeteria.
Free time, again. Sa tingin ko ay hanggang matapos ang araw na ito ay wala nang klase. Hinahayaan na ang mga estudyante sakanilang gustong gawin.
Iniangat nya ang kanyang tingin. Nakakunoot ang noo nito ngunit diretso ang tingin sa akin.
"Kuya, did you see Belle na?" Bungad na sabi sa akin ni Janna.
Hinihingal at pawisan itong lumapit sa amin. Sya pala ang tinitingnan ni Rex at hindi ako.
Umiling ako at ibinalik ang tingin kay Rex na abala na muli ngayon sa mga papel. Ngumisi ako at ibinalik kay Janna ang tingin.
"Baka nasa paligid lang sya, Jans." Sabi ko nalang. Hindi sigurado.
Nagkibit balikat muna sya bago maupo sa aking tabi. Kinuha rin nya ang tubig na nasa lamesa at agad na ininuman. Pagsasabihan ko sana sya ngunit huli na. Nakainom na sya dito.
Ngumiwi na lamang ako at pinagmasdan syang inuman ang bote na kay Rex. Hinintay ko syang matapos para masabing hindi ko bote iyon ngunit naunahan na ko ni Rex.
"That's my bottle. For your information." Pagbibigay inpormasyon nya sa aking kapatid.
Saglit na kumunot ang noo ni Janna ngunit ilang sandali lang ay nanlaki na ang kanyang mga mata. Kinuha nyang muli ang bote at binato kay Rex.
Iniangat naman ni Rex ang kanyang tingin at binato pabalik ang bote kay Janna. Hindi direkta sakanya.
"Bakit ngayon mo lang sinabi?" Mariin nitong sabi.
Nagkibit balikat ito sakanya at ibinalik ang tingin sa mga papel na nakakalat sa aming lamesa. Nilingon nya ko at kagaya ni Rex ay nag kibit balikat lamang din ako.
Umamba syang sasapakin ako ngunit ibinaba nalang nyang muli ang kanyang kamay at umupo muli sa aking tabi.
"Wag kasing kuha ng kuha, lalo na't hindi mo alam kung kanino." Pagpaparinig pa ni Rex.
She rolled her eyes. "Malay ko bang sayo yun? Don't worry, ibibili nalang kita ng bago."
Ngumisi si Rex at ibinaba ang kanyang hawak. Direkta nyang tiningnan si Janna. Tumayo ako para umalis na sakanila.
Pakiramdam ko ay hindi dapat ako nakikisali sakanilang dalawa. Sa tingin ko din ay mayroon silang problema ngayon na ayaw nilang sabihin sa akin.
Nakatalikod pa lamang ako sakanila ngunit naramdaman ko na ang kamay ni Janna sa aking braso.
"Where are you going?"
Nagkibit balikat lamang ako. "Anywhere?" Sinulyapan ko si Rex at tinanguan. Tumango sya pabalik. Alam na nya ang gagawin.
Hinila nya si Janna dahilan para makabitaw ito sa akin at makapag umpisa ako ng lakad.
Naririnig ko ang kanyang tawag ngunit hindi na ko lumingon pa. Rex can handle Janna. Kahit na matigas ang ulo ng aking kapatid ay napapatino nya naman ito kahit papaano. Madalang itong sumunod sa ibang tao ngunit kapag tinatakot ay tumitiklop.
BINABASA MO ANG
Just Say It
Teen Fiction[ COMPLETED ] Ysabelle Sanchez and Joaquin Ortega's story Started: 06 | 11 | 17 Finished: 06 | 11 | 18 Highest Rank Achieved: #456 in Teen Fiction