37

160 10 2
                                    


SHE'S in trouble. Nasisiguro ko yan dahil sa sinabi ni Spade. May mangyayari. Alam kong mayroon.

Pagkasabi nya noon ay agad akong umalis doon. Hinanap ko agad ang kinaroroonan nila Rex. Hihingi ako nang tulong sakanila sa paghahanap.

Mabibilis ang aking hakbang. Pinagpapawisan na rin ako ngunit binabalewala ko lamang ito. Kailangan ko syang makita. Kailangan.

Mabilis akong nakarating sa pangalawang palapag. Nakikita ko na mula dito sa may hagdanan sina Rex na nasa tapat ng classroom nila Janna. Humakbang ako nang mabilis papunta sakanila. Agad naman nilang napansin ang aking presensya kaya lumingon sila sa akin.

Nakakunoot ang kanilang mga noo. Pinunasan ko gamit ang aking likod ng palad ang aking pawis saka huminga ng malalim bago ibinuga ang hangin.

"What... Happened to you, Kuya?" Nag aalala nyang tanong.

Hinintay ko munang umayos ang aking paghinga bago magsalita. Inabot ng ilan pang segundo bago ito naging maayos.

"Belle... We need to search for her." Dahan dahan kong sabi sakanila.

Lalo lamang kumunot ang kanilang noo. Nagtataka sa aking mga sinasabi. Bakit hindi nila maintindihan?

"Kuya, ano bang nang–"

I cut her words. "Si Belle!" Sigaw ko.

Napaatras sila ng hakbang saka umiling sa amin. "Kuya, calm down"

Unti unting lumapit sa akin si Janna. Umiling ako sakanya. Hinawakan naman nya ang aking braso saka hinagod ng bahagya upang kumalma.

"Pero... Si Belle. Fuck!"

Bahagya nyang muling hinaplos ang aking braso. Ito ang kanyang paraan ng pagpapakalma sa akin. Pumikit ako ng mariin saka bumuntong hininga. I don't want this feeling. Itong pakiramdam na kinakabahan. Hindi ko rin alam kung ano ang aking gagawin.

"Dude..." Mahinahon nyang tawag.

Iminulat ko ang aking mata saka muli na namang tumingin sakanila. Pagtataka pa rin ang nakaregistro sakanilang itsura.

"Belle, was okay." Dugtong pa nya.

Kumunot ang aking noo sakanyang sinabi. Hindi ko ito maproseso ng aking isip.

"She's okay?" Nagtataka kong tanong.

Mariin ko silang tiningnan. Tumango sila sa akin at ngumiti. Hindi ko pa rin makuha ang kanilang sinasabi. Hindi ko maintindihan.

"Nasa library sya." Narinig ko pang sabi.

Hindi ko na iyon pinamsin at tinalikuran ko na sila. Mabilis akong tumakbo papunta sa library na kanilang simasabi. Tinatwag nila ang aking pangalan ngunit hindi na ako nagpatinag. Nagpatuloy ako sa pagtakbo papunta sakanya.

Sa tingin ko ay ang main library ang kanilang tinutukoy. Tumakbo ako palabas ng aming building at tinungo ang main library malapit sa faculty.

Inabot lamang ako ng ilang minuto bago makapunta doon. Tagaktak ang pawis ang aking noo at hinihingal ako nang makarating ako sa tapat ng pintuan. Ang ibang estudyante ay nakatingin sa akin. Nagtataka. Isinawalang bahala ko lamang ito at pumasok na sa loob.

Iilang estudyante lamang ang aking naabutan sa loob. Maraming bakante kaya sa tingin ko ay hindi na ko mahihirapang hanapin sya. Nag umpisa ako sa aking paghahanap.

Sa unahang shelf ay may isa lamang nakatayong babae at nakatalikod sa akin. Not her. Sa tindig pa lamng, maging sa haba ng buhok ay alam kong hindi sya yon. Sinunod ko ang pangalawang hilera na shelf. May iilang estudyante doon. May nakatayo at mayroon ding naka upo at naka sandal sa pader sa dulo.

Sa ikatlong hilera ko sya natagpuan. Nakaupo sya sa sahig habang nakasandal sa pader sa dulo. Nakapikit ang kanyang mga mata at taimtim na humihinga.

Unti unti akong lumapit sakanya. Dahan dahan upang hindi ako makagawa ng ingay at hindi sya magising. Nang makalapit ay lumuhod ako upang magkapantay kami.

Bahagya pa akong natawa nang marinig ang mahina nyang hilik. Pinagmasdan ko saya habang natutulog. Ilang beses ko na syang nakikitang natutulog ngunit hindi naman nakakasawa.

"Pinag alala mo ko." Mahina kong bulong.

"Akala ko... may nangyari na sayo." Dugtong ko pa.

"Ayokong may mangyari sayong masama... So, please. Be safe."

Natawa ako dahil sa aking pinaggagagawa. Alam kong kahit natutulog sya ay naririnig nya ko. Mahina muli akong natawa nang marinig ko na naman ang mahina nyang paghilik. Iniisip ko na ito yung sagot nya sa aking mga sinasabi.

"Be... Safe. Nandito lang naman ako. Nagbabantay pa rin sayo."

"You'll be safe."

Napangiti ako nang marinig na humihilik pa rin sya. She's still asleep. Mahimbing pa rin ang kanyang tulog na kahit na panay ang paalala ko sakanya.

Umupo sakanyang kanang gilid. Dahan dahan kong kinuha ang kanyang ulo at unti unting pinatong ko sa aking balikat. Ipinulupot ko ang isa kong braso sakanya upang maging komportable sya sa pagtulog.

Sinilip ko ang kanyang mukha. Mahimbing pa rin ang kanyang tulog at pa rin pa rin ang paghilik.

"Cute" Bulong ko.

Ang aking isang kamay nakahawak sa kanyang pisngi. Ang aking mukha ay ilang metro lamang ang layo sakanya. Naaamoy ang kanyang pabango.

Ipinatong ko ang aking pisngi sakanyang ulo. Nakaalalay ang aking bigat doon upang hindi sya tuluyang magising nang dahil sa akin. Tahimik laman din akong nakasandal sakanya.
Ang gusto ko lamang ngayon ay ang ganitong pakiramdam. Magaan at napaka komportable. Isama pa ang tahimik at malamig na paligid ay talagang napaka komportable.

Iniangat ko ng kaunti ang aking mukha upang makita muli ang kanyang mukha. Humihilik pa rin ito at nakapikit. Inilapit ko sakanya ang aking kamay. Nakahawak na ito ngayon sakanyang pisngi at hinahaplos ito.

Bahagya syang gumalaw kaya inihinto ko muna ito at pinalipas ang segundo. Nang manatili sya ulit sakanyang pwesto ay inulit ko ito.

Nang gumalaw muli sya ay iniangat nya na amg kanyang ulo at tuluyan nang nagising. Ilang metro lamang ang aking mukha sakanya. Nakahawak pa din ang aking kamay sakanyang pisngi.

Nanlalaki ang kanyang mata at nakaawang ang kanyang bibig dahil aa sobrang lapit ko sakanya.

"What... are... you... doing?" Nauutal nyang tanong.

Umiling lamang ako pero hindi ko tinanggal ang aking kamay na nasa kanya. "Wala pa kong ginagawa." I whispered.

Kumunot ang kanyang noo at tinitigan ako ng bahagya. Sinalubong ko lamang ang kanyang tingin diretso sa mata. Ilang segundo lamang ay natagpuan ko na lamang ang aking sarili na inilalapit ang aking mukha sakanya. Dahan dahan.

Muling pumasok sa aking isip ang aking panaginip. Para lamang ganito yun. Gaya ng sa aking panaginip, I cupped her cheeks. Mas nilapit ko pa ang aking mukha.

Huminto ako nang sobrang lapit na ng aking mukha. Almost. Tumatama na sa aking mukha ang kanyang paghinga. Mainit ang binubuga nyang hangin. Ang kanyang ilong ay malapit nang dumikit sa akin.

"Now... I'm goong to do something" Pabulong kong sabi.

Naduduling ako dahil sa sobrang lapit ng aming mukha. Naramdaman ko ang paghawak ng kanyang kamay sa aking uniporme. Mahigpit na humawak sya doon. Hindi sya sumagot. Tinitingnan na lamang nya ako.

"Are you... Ready?" Bahagya akong natawa sakanyang itsura.

Namumula na ang kanyang mukha. Mas inilapit ko pa ang aking mukha. Almost. Tumigil ako nang ilang pulgada na lamang ang layo. Tumatama na ang aking ilong sakanya.

Nakapikit na ang kanyang mata kaya naman napangiti ako at tuluyan nang idinampi ang aking labi sakanya.

I kissed her.

Just Say ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon