NAPUNO lamang ng tawanan ang buong maghapon namin. Pagkatapos ng umagahang picnic na kanilang hinanda ay nagtungo kami sa loob ng bahay para naman mag movie marathon.Napagtripan namin ang mga maaksyong palabas. Maghapong ganoon lamang ang aming ginawa.
Nang dumating ang sabado at linggo ay pawang bumalik kami sa aming pagkabata. Nag dungis lamang kami ng aming sarili maghapon at nagbasaan sa isa't isa.
Kinahapunan ng linggo ay kailangan ng umuwi ni Alex sakanila. Hindi naman ganoon kalayo ang kanila ngunit mas mabuti ngang umuwi na at makapag pahinga.
Ibinilin nya na lagi ko syamg itext na lagi din naman naming ginagawa na dalawa.
Kasalukuyang lunes na ng umaga ngayon. May pasok na naman at umpisa na rin ng panibagong linggo. Prenteng naka upo ako sa pang isang upuan at hinihintay na bumaba si Janna.
Gaya ng dati ay matagal na naman ito kung kumilos, laging matagal kung mag ayos. Inabala ko na lamang ang aking sarili sa pagtipa ng message para kay Alex. Nag dedemand na mabilis sana akong mag reply sakanya.
Love:
Good morning. Reply as soon as possible after you receive my message. Loveyah.
Hindi na ako nagulat dahil sa pangalang naka register sa aking cellphone. Sigurado naman akong sya ang may pakana nito.
Pati sa cellphone ni Janna ay mayroon din itong pangalan na iba na naka register. Mahilig syang gumawa ng kung ano anong pangalan o gumawa ng sarili nitong nickname.
Ako:
Noted.
I just reply a simple text message. Sinamahan ko rin ito ng isang smile na emoticon. Sigurado na magagalit na naman sya dahil sa aking reply. Madalas ay gusto nito na mahaba at may sense ang aking reply sakanya.
Muling tumunog ang aking cellphone. Alam kong sya ito dahil sa oras na ito ay wala pang klase kaya pag se cellphone ang inaatupag nito ngayon.
Love:
Can you please reply in a sweet way?
Napailing na lamang ako sakanyang reply. Sabi na nga ba't mag de-demand na naman ito. Madalas ay ganito lang ang usapan namin. Ang pagrereply ko sakanya ng may sense at mabilis. Nauubos namin ang buong maghapon sa pilitan lamang.
Mula sa gilid ng aking mata ay nakikita ko na pababa ng hagdan ang prinsesa. Nakalagay ang bag nito sakanyang kaliwang balikat at naka angkala ang kanang kamay sa braso ni Daddy. Mukhang may gusto na naman itong makuha.
Dahan dahan silang bumababa habang nag uusap. Hindi ko sila marinig ngunit alam kong mayroon na naman itong nais makuha o kaya ipabili. Ganoon naman palagi sya tuwing may gustong bagay.
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at sinalubong sila. Bahagya silang natigilan ngunit kalaunan ay ngumiti sa akin.
"Ano na naman ang pinapabili mo ngayon?" Tanong ko sakanya.
Ngumuso sya at niluwagan ang pagkakaangkala sa braso ni Daddy. "Nothing, Kuya""Really?"
Inirapan nya ako at tuluyan nang bumitaw sa pagkakaangkala kay Daddy. Dire - diretso ito palabas ng bahay.
Pikon. Napikon na naman siguro sya dahil sa sinabi ko. Isa talaga sya sa mga taong mabilis mapikon at mabilis din uminit ang ulo.
Ibinalik ko ang tingin kay Daddy, nakatingin ito sa akin at bahagyang naka ngisi. Kumunot ang noo ko dahil doon.
Inumpisahan nyang maglakad at pagkarating sa aking tapat ay tinapik ang balikat ko, kagaya ng palagi nyang ginagawa.
"Hayaan mo na ang kapatid mo" He said. "Let's go. Mahuli pa kayo"
BINABASA MO ANG
Just Say It
Teen Fiction[ COMPLETED ] Ysabelle Sanchez and Joaquin Ortega's story Started: 06 | 11 | 17 Finished: 06 | 11 | 18 Highest Rank Achieved: #456 in Teen Fiction