KATAHIMIKAN ang sunod na namayani sa amin. Walang umimik at mga nakaawang lamang ang kanilang bibig.Pigil ang aking tawa dahil sakanilang reaksyon. Pare pareho silang mga nakatulala at mga nakaawang ang bibig.
That was joke. I guess they didn't know it was. Hindi nila talaga alam ang kaibahan ng biro ko sa hindi.
Nilingon ko si Belle at ganoon pa rin ang kanyang ayos. Nakaawang pa rin bibig kaya kinuha ko ang aking kutsara saka sinubuan sya ng pagkain na nasa aking pinggan.
Hinawakan ko rin ang kanyang baba para iakto itong ngumunguya. Nang makabawi ay agad nyang tinabig ang aking kamay at pabugang inilabas sa tapat ng aking mukha ang pagkain.
Sunod kong narinig ay ang tawanan. Hindi lamang ng aming kasamahan kung hindi ng ibang taong naroon at nakakita.
"Belle!" Pagtawag ko sakanya.
Nakangisi lamang syang lumingon sa akin. Sinamaan ko sya ng tingin ngunit hindi sya natinag. Inabot pa nya ang aking buhok upang sabunutan.
Ilag lamang ang aking nagawa. Isang beses pa nyang inulit at sa pagkakataong ito ay naabot na nya ko.
"What the hell, Belle" Pagpigil ko sakanya.
Hindi nya naman pinansin yun at patuloy lamang sya sa pagsabunot. Ang aming kasamahan ay nakatingin lamang at parang tuwang tuwa pa sa nangyayari.
Tumigil lamang sya ng nanakit na ang kanyang mga daliri. Sinamaan ko sya ng tingin ngunit umirap lamang sya.
Iniabot din nya sa akin ang panyo na nasa sakanyang binti. Kinuha ko naman ito at iyon ang pinampunas sa aking mukha.
"That was a joke." Panimula ko. "Sineryoso nyo lang."
Sunod sunod na tikhim ang aking narinig. Nang nilingon ko sila ay puro mata nilang masasama ang tingin ang aking nakita. Umiwas lamang ako ng tingin at sinimulan muling punasan ang aking mukha.
"Not a good joke, Kuya" Mariing sabi ni Janna. "Hindi ka talaga marunong magbiro."
Inirapan pa nya ko pagkatapos ng kanyang sinabi. Nilingon ko si Belle ngunit tahimik lamang nyang inuumpisahan ang kanyang pagkain. Sinulyapan ko naman si Alex at nakanguso syang nakatingin din sa akin.
"Janna's right." Pag sang ayon nito. "Yung biro mo ay iba. Mga birong hindi mo alam kung seryoso ba o hindi."
Hindi ako umimik. Tahimik ko lamang silang pinapakinggan. Papalit palit din ang aking tingin sakanila. Natahimik muli ang aming lamesa. Ramdam ko ang tingin ng iba pang taong nasa loob ng kainan.
Nasa gitnang mesa kami kaya madaling mapansin ang aming ginagawa. Inikot ko ang aking mata at nakitang nakatingin pa rin ang iba sa amin. Tumikhim ako at bahagyang umubo ubo. Nagsi iwasan naman sila ng tingin at agad na bumalik sa pagkain nila.Tumunog ang chain na nakalagay sa may pintuan. Hudyat na may pumasok nang muli na costumer.
Diretso akong nakatingin sa may pintuan. Tatlong babae ang pumasok. Mga naka uniporme pa ito at bitbit sakanilang likod ang kanilang bag.
Ibinaling kong muli ang aking tingin sa aking kasamahan. Mga nakatingin din sila sa may pintuan.
"Hindi nyo lang talaga alam ang biro ko sa hindi." Pagsagot ko. "There's always a difference between them."
Sinulyapan ko sila at narinig ko ang mahihinang mura ni Alex mula sakanyang upuan. Iniangat pa nya ang hawak nya upang takpan ang kanyang mukha.
Tinitigan ko sya. May sinisilip sya mula sa counter. Nilingon ko ito at nakita ang tatlong babaeng pumasok kanina.
BINABASA MO ANG
Just Say It
Teen Fiction[ COMPLETED ] Ysabelle Sanchez and Joaquin Ortega's story Started: 06 | 11 | 17 Finished: 06 | 11 | 18 Highest Rank Achieved: #456 in Teen Fiction