"YOU?"Hindi ko siguradong bulalas ko. Alam kong hindi sya ang tipo ng dalagang Pilipina ngunit, wala akong maisip.
Tahimik lamang ang ibang kasama namin sa lamesa. Pawang nakikinig lang sa amin ito at walang balak na mangielam.
"Ako? Wow! Hindi ko alam na ganyan ang tingin mo sa akin. Ginoo." Aniya at sinamahan pa ng kanyang mapang asar na tawa.
"It's not like that . . . "
Hindi ko na madugtungan pa ang gusto kong sabihin. It feels like, nasa dulo na ng aking dila ngunit ayaw labas mula sa aking bibig.
"Then, what?"
"I don't have a choice?"
"Ang gulo mo kausap —"
Hindi na nya natapos pa ang kanyang sasabihin ng sumulpot ang babaeng nasa kabilang lamesa. Nahihiya itong nakatayo sa harap namin at nakayuko.
Napatingin kami sakanya ng nagtataka. Nakakunot pa ang noo ng dalawang babae habang si Rex naman ay nakangisi lamang sa aking tabi.
Tumikhim ito at inilapag ang kanyang cellphone sa aming lamesa. Nanginginig pa ang kanyang kamay kaya muntik na itong malaglag sa sahig.
Sakanilang mesa ay naririnig namin ang sigaw ng kanyang mga kaibigan. Maingay syang ipinag chi-cheer ng mga ito.
Estudyante din ang mga ito sa Central. Nakasuot sila ng unipormeng katulad ng kina Janna at Ysabelle.
Black skirt, white longsleeve polo, a blazer and a ribbon. Samantalang sa aming mga lalaki ay black slacks, white longsleeve polo, blazer and tie."Uhm . . . Ano, kasi. . . Ano"
"What?" Inip na tanong ni Janna.
Mabilis naman syang siniko ni Belle sakanyang tabi. Pinandilatan ko din sya at sumenyas na manahimik lamang. Umirap lamang sya.
Nilingon ng babae ang kanyang mga kaibigan. Lalo lamang nilang nilakasan ang kanilang pagsigaw at pag chi-cheer sakanya.
"Uhm, can I . . ." Saglit syang pumikit at nagbuntong hininga "Can I get your number?"
Laglag pangang lumingon sa akin ang dalawang babae. Sipol naman ang naging ingay ni Rex. Malalakas na tawanan naman ang naririnig sa kabilang lamesa.
"Ang lakas ng loob" Bulong ni Janna sa aking tapat.Saglit na natahimik sa aming lamesa. Kung hindi pa tumikhim si Rex ay hindi pa magsasalitang muli ang babae.
"So . . . Can I?"
Napailing naman si Belle sa akin. Nakangiti lamang si Rex at si Janna ay nakasimangot at masama ang tingin sa gawi ko.
"No." Si Belle na ang sumagot para sa'kin. "It's a personal matter kaya hindi nya basta basta ito binibigay kung kani-kanino lang. Right, Wax?"
Nilingon nya ako. Sinamaan ng tingin kaya tumango na lamang ako sakanya. Lalo namang yumuko ang babae. Namumula din ang kanyang mukha at nanginginig pa.
Tumayo ang isa pa sa mga kaibigan nito at tinapik sa balikat ang una. Ngumiti sya sa amin. Bahagya pa nyang tinungo ang kanyang ulo at may ibinulong sakanyang kaibigan.
"It was a dare." Ngumiti sya. "I hope you didn't take that easily. I mean, hindi ka kakagat" Kalmado nitong sabi.
Sarkastiko namang tumawa si Janna. Plastic pa itong ngumiti sakanya. "Kuya, won't give his number that easy." Tugon nya. "He's not that cheap."
"Janna"
Kinuha ko na ang kanyang atensyon bago pa magkaroon ng problema. She's in not in her normal mood, kaya baka magkaroon ng gulo kung hindi pa ito aagapan na.
BINABASA MO ANG
Just Say It
Teen Fiction[ COMPLETED ] Ysabelle Sanchez and Joaquin Ortega's story Started: 06 | 11 | 17 Finished: 06 | 11 | 18 Highest Rank Achieved: #456 in Teen Fiction