BUMUNTONG hininga ako nang maramdaman ko na naman ang kanyang paghawak sa aking uniporme. Mukhang nakita na naman nya ko at sumusunod na naman sya.Mula kanina ay nakasunod na sya sa akin. Mula nang sinabi ko iyon ay agad syang sumunod. Ginawa lamang nya itong masyadong dikit na pati kahit saan akong magpunta ay nakasunod at nakahawak sya sa akin.
"Belle, bitaw!" Bulong ko sakanya habang naglalakad.
Hindi ako nakarinig ng sagot mula sakanya. Kaya naman huminto ako para sana harapin sya. Pagkahinto ko pa lamang ay naramdaman ko na ang pag bangga nya na sa aking likod.
"Aray!" Reklamo nya.
Nilingon ko sya. Dahil nakahawak pa rin sya sa akin ay bumunggo na naman sya sa aking likod. Muli ay napahawak sya sakanyang noo saka ako sinamaan ng tingin.
Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang inis. Tumingala pa ako saka bumuntong hininga bago ibalik muli ang tingin sakanya.
"Don't. Follow." Madiin kong sabi.
Tumalikod agad ako pagkatapos kong sabihin yun. Naramdaman ko na naman ang kanyang paghawak sa aking uniporme."Bitaw sabi!"
"Ayoko." Aniya. "Sabi mo stick on you, tapos ngayon ayaw mo namang lumapit ako sayo. Alam mo ang gulo mo din."
"I said stick om me, pero hindi naman ganito." Sabi ko sakanya. "Masyado kang nakadikit. Now... Bitaw."
Nakanguso syang bumitaw sa akin. Itinuro ko naman ang aking tabi kaya tumango sya at pumunta sa aking tabi.
Nang mag umpisa akong maglakad ay nag umpisa na rin syang maglakad. Sumasabay ito sa akin. Nagkakabungguan pa kami dahil sa dumadaan din sa hallway at sumisikip ang daan.
Iilan pa ang aming nabunggo bago kami tuluyang tumigil sa tapat ng kanilang classroom. Tumango ako sakanya saka tumalikod na sakanya at mag umpisang maglakad paalis.
"Wacky!" Sigaw nya.
Tumigil ako pero hindi ko na sya nilingon pa. Itinaasa ko lamang ang aking kamay para magpaalam.
"Thank you, Knight"
Nang linungin ko sya ay nakatingin pa rin ito sa akin at nakangiti. Again. Umiwas ako ng tingin. Hindi ko kayang salabungin ang kanyang titig, lalo na at nakangiti pa sya.
Hindi ko alam pero kinakabahan ako dahil doon. Hindi ko mapaliwanag pero ang gusto ko lamang gawin kapag nakikita iyon ay ang umiwas ng tingin.
Nalilito na ako sa aking kinikilos. Naiinis din ako minsan pero mas madalas pa rin ang pagtataka.
Bumuntong hininga ako at nagsimula muling maglakad. Imbes na sa classroom namin ako dumiretso ay umikot ako pabalik sa aking dinaanan kanina.
Napahinto rin ako sa tapat ng kanilang classroom, mula dito ay kita sila ni Janna sa likuran. Magkatabi silang nakaupo habang nagkekwentuhan.
Dumiretso akong muli nang paglalakad. Mula sa aming palapag ay tumuloy ako sa pinakataas na bahagi ng aming building.
Sinalubong agad ako ng hangin at ng init ng araw. Kalahati pa mula sa dulo nito ang nasisinagan ng araw.
Bahagya akong naglakad papunta sa may railing. Mainit pa ng ito ay hawakan ko kaya ibinaba ko na lamang ang aking kamay saka inilibot ang mata sa kabuuan ng Academy.
Mula sa kinatatayuan ko ay kita ang iba pang building. Walang estudyante ang nakakalatpero mayroong iilan na naglalakad papunta sa iba't ibang building.
May isang gwardya ang naglilibot. Umatras agad ako nang makita sya. Siguradong guidance ang aabutin ko kapag nakita nya ko.
Dumiretso na lamang ako sa may pintuan. Umupo ako at isinandal ang aking likod sa pader. Umihip ang hangin. Mula sa aking kinauupuan ay ramdam ang init.
Ipinikit ko ang aking mata at hinayaan ang sarili na damhin ang hangin. Hindi alintana ang init, ang tahimik na paligid na syang nakakapagpakalma sa akin.
Sabi noon ni Mommy, nakakatulog ako sa kahit saang lugar kung saan ako abutin ng antok. Ganoon din daw si Daddy noong binata pa ito at noong nakilala sya nito.
Hinayaan ko ang aking sarili sa katahimikan. Nadadala na ako nito na para bang hinehele. Sa kasamaang palad lamang ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Malakas nito itong binuksan kaya malakas din ang naging epekto ng paglapat nito sa pader.
Iminulat ko ang aking mata. Bumungad sya sa aking harapan. Nakatingin sya pababa. Nililipad ang kanyang buhok at makikita sakanyang mukha ang pawis.
"Ano na namang ginagawa mo dito?"
Nagkibit balikat sya bago isinara ang pinto at umupo sa aking tabi. Hinahabol pa nya ang kanyang hininga kaya hinayaan ko muna sya.
Inayos ko ang aking upo at iniwas na agad ang tingin sakanya dahil alam ko na mamaya ay makikita ko na naman ang kanyang ngiti.
"Hinahanap ka ni Rex." Aniya. Mula sa aking gilid ng mata ay nakita kong nakatingin sya sa akin. "Saka... Nakita ko na naman syang nakabantay sa tapat ng classroom. Mula pa kanina ay nandoon na sya kaya umiwas na ako."
"Good." Maikli ko lamang sagot.
Inayos nya ang kanyang upo. "Pero... Bakit ba nya tayo minamatyagan? As far, as I know, wala naman akong ginawa sakanya."
"Wala nga ba?" Pag balik ko ng tanong.
Ngumuso sya at sandaling natahimik. Sa tingin ko ay nag iisip ito. Alam kong pwede ngang may nagawa ito sakanya, sa dami ba naman ng nasangkutan nitong gulo ay hindi na nakakapagtaka kung nakalimutan nya nga ito.
"Ano? Naalala mo na?"
Hinarap ko sya at hinintay ang kanyang sagot. Ngingusuan lamang nya ako saka umiling.
"Hindi." Aniya. "Hindi ko pa rin matandaan. Kaya sure ako na wala akong magawa sakanya."
Sya naman ang lumingin sa akin kaya nagkasalubong ang aming mga mata. Tinaasan ko sya ng kilay bago umiwas sakanya.
Inayos kong muli ang aking upo. Tumikhim din ako saka pinilit muling tumingin sakanya.
"Baka naman ikaw ang may ginawa sakanya?" Shw said.
Sandali akong natahimik at tila ba napaisip sakanyang sinabi. Imposible, wala pang ibang gulo ang nasangkot ako nang hindi ako nadadamay.
Lagi lamang akong damay sakanya. Sakanya ako napapasama at lalong hindi pa naman ako nanggulo.
"Nope. Lagi lang akong damay sayo."
Hinampas nya ko dahil sa aking sinabi. Maya maya din ay tumawa ito saka muli akong hinampas.
"Oo nga pala. Damay ka lang."
Natahimik ako sakanyang sinabi. Hinayaan ko ang hangin na syang mag ingay. Natahimik lamang din sya at nakatingin sa harap kahit wala namang makikita roon.
"Damay." Pag uulit nya.
Bigla syang napatingin sa akin kaya kinunot ko ang aking noo. Tumitig lamang sya habang ako naman ay pilit iniiwas ang aking tingin sakanya.
"Wag mo nang pilitin alalahanin."
Humarap ako sakanya saka lumapit at pinitik ang kanyang ilong. Napahawak naman agad ito doon. Namumula na ito kaya naman mahina akong natawa.
"Tsk."
"Don't worry about him."
Tumango lamang sya. Umusog sya ng kaunti saka isinandal ang kanyang ulo sa aking balikat.
Naisip kong tanggalin ito pero nakita ko na lamang na iniayos ko ang aking upo para mas maging komportable sya.
"Sleep." Bulong ko. "Tinamad ka nang pumasok kaya ka nandito."
She chukled but didn't say anything. Ilang saglit pa ay naging banayad na ang kanyang paghinga. Bumibigat na din ang kanyang ulo kaya alam kong nakakatulog na ito.
Umihip muli ang hangin. Mas banayad na ito ngayon at hindi na ganoon kainit. Itinaas ko ang aking isang kamay upang ilagay naman ito sakanyang balikat.
Sleep, Damsel.
BINABASA MO ANG
Just Say It
Teen Fiction[ COMPLETED ] Ysabelle Sanchez and Joaquin Ortega's story Started: 06 | 11 | 17 Finished: 06 | 11 | 18 Highest Rank Achieved: #456 in Teen Fiction