13

366 16 0
                                    


NAPATAAS ang aking kilay ng matamaan ko na naman sya sa aking teritoryo. Napailing din ako at naisip na kahit anong sabi ko sakanya na 'wag ng pumunta dito ay hindi ito makikinig.

"You're here again" Sabi ko nalang sakanya.

Inimulat nya ang kanyang kanang mata. Nang makita ako ay umayos lamang sya ng upo at ioinikit muli ang kanyang mata. Hindi na lamang sya kumibo.

Lumakad ako palapit sakanya at bahagyang sinipa ang kanyang paa para mabulabog ito. Pero gaya kanina ay hindi ito natinag.

"Hard headed"

Nakapikit pa rin ang kanyang mga mata. Nililipad ng hangin ang kanyang bangs na tumatakip sakanyang noo.

"Always that annoying . . ." Bulong nya "Knight"

Knight. She called me again in that name. Pinanindigan na nya talaga ang pagtawag sa akin ng ganun kahit na tumutol na ako at sinabing huwag.

"I told you not to call me Knight" Sabi ko na naman sakanya. "It's either  Joaquin or  Wacky"

"Yeah, yeah. Whatever Knight"

Sinipa kong muli ang kanyang paa. Nang hindi na naman sya natinag ay inulit ko pa. Sa ikatlong ulit ay tuluyan na nyang idinilat ang mga mata at sinamaan ako ng tingin. Tumayo na rin sya at pinagpagan ang unipormeng suot nya.

Nakatingin lamang ako sakanya habang pinapagpag nya ang kanyang uniporme. Bahagya syang nakayuko, pinasadahan ng kanyang palad ang kanyang palda.

Tumikhim ako. Napatingin sya sa akin. Bahagya pa syang ngumiwi na para bang nasaktan sa hindi malaman na dahilan.

"Problema?"

Umiling sya. Ngumiwi syang muli. Nagbuntong hininga din saka umatras ng bahagya. "Wala"

Napahawak sya sa likurang bahagi ng kanyang palda. Muli ay ngumiwi sya at nagbuntong hinga. Tingin ko ay may gusto syang sabihin. Bahagya ding namumula ang kanyang pisngi.

"Oh, god." Bulong nya. "Bakit ngayon pa!" She stomp her feet in the ground.

Nilapitan ko sya ngunit umatras lamang sya ng isang hakbang. Humakbang muli ako, umatras syang muli. Hahawakan ko sana sya sa kaliwang palapulsuhan ngunit umiwas na sya at umatras nang muli mula sa akin.

Tinangka muli syang hawakan ngunit tinapik nya ang aking kamay. Sinamaan pa nya ko ng tingin at umirap pa sa akin.

"Problem?"

"N. . . Othing"

Namumula ang kanyang mukha. Nakatungo sya ngunit halata pa rin ito. Hinakbang kong muli ang pagitan namin. Sa pagkakataong ito ay naabot ko na ang kanyang palapulsuhan bago pa man nya ito ilayo sa akin.

Pumiglas sya, lalo ko lamang hinigpitan ang hawak ko sakanya. Sinamaan nya ko ng tingin, ningisian ko lang sya.

"Now, what's the problem?" Tanong ko ulit sakanya. 

"Wala nga!" Umiwas sya ng tingin. Ibinaling nya ang kanyang tingin sa sahig.

"Meron" Hinigpitan ko muli ang hawak ko sakanya. "Tell me"

"Stain" Mahina nyang sabi.

"Ano?"

Huminga sya ng malalim. Hawak pa rin nya ang kanyan palda sa likod. Kumunoot ang noo ko at sinundan ng tingin ito.

Nang makita ang ginawa ko ay tinapat nya ang kanyang mukha sa akin. Napahakbang ako paatras dahil sa gulat. Shit!

"Stain. In. My. Skirt"

Just Say ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon