14

297 12 0
                                    


MAGKATAPAT kaming nakaupo sa opisina ng guidance. Tahimik ang paligid at medyo malamig dahil na din sa aircon na sya lamang nagpapaingay sa paligid.

Tahimik na nakaupo si Belle sa aking harapan. Nakayuko lamang sya ta pinaglalaruan ang kanyang kamay. Prente namamg nakaupo sa sofa ang dalawang babae na hanggang ngayon ay masama pa rin ang titig sa amin.

Mula ng pumasok kami dito sa opisina ay hindi na nila kami nilubayan ng masamang tingin. Napapaiwas na lamang ako ng tingin.

Ang opisina na ito ay maliit kumpara sa iba pang opisina dito sa eskwelahan. Isang table lang ang naroon, dalawang upuan sa harap nito, isang mahabang sofa at iba't ibang mga larawan na nakadikit sa pader. Mayroon ding book shelf pero iilan lang ang nakalagay dito.

Bumukas ang pintuan kaya napatingin kami sa taong naroon. It was the guidance councilor. Wearing her uniform, she looks like a strict person. Nagbuga ako ng hangin at tumayo para batiin ito. Ganun din ang ginawa ni Belle at ng dalawang babaeng naroon.

"Good morning, Ma'am" Sabay sabay naming bati.

Magkadikit ang kilay na bumaling ng tingin ito sa amin. Kalaunan ay tumango naman sya at pinaupo na kami sa upuan.

"Anong problema?" Mahinhin na pagtatanong nya.

Pati ang paggalaw ng kanyang katawan ay mahinhin at kalmado. Nababakas sakanyang mukha ang nakakakalma na tingin. Nakakawala ng kaba ang pagtitig sakanya.

"We caught them in action, Ma'am" Sagot sa kanya ng babae.
Sa utak ko ay gusto ko ng kontrahin ang kanyang sinabi ngunit nanahimik lang muna ako.

Tinitigan nya ko pagkatapos ay bumaling kay Belle saka ibinalik ang tingin sa babae saka nagpakawala ng mahinhing tawa.

Napatingin kami sakanya. Natahimik naman ito at tumikhim upang maicompose ang kanyang sarili.

"Ano pang bago? Ganoon naman ang kabataan ngayon" Sagot nya.

Nakangiti na pa ito ng nakakaloko. Tumataas baba pa ang kanyang kilay at makikita sa kanyang mukha ang pang aasar.

"Ma'am, it's not what you think. It's ju-"

"Then, what is that?" Putol nya sa sinasabi ni Belle. "Are you saying na naglalaro lamang kayo sa loob ng banyo? Anong laro?"

"Nagpasama la-"

"What? Nagpasama? Seriously?" Sabat ng babae sa likuran. Nakatayo pa ito at nakapamewang. "Sa tingin mo ba maniniwala kami sa ganyang dahilan? Oh, come on!"

"Totoo naman kasi. Binabantayan lamang ako Ni Wa-"

"Try harder, Ms. We won't buy that reasons of yours."

"Wala akong pakialam kung hindi ka maniwala. I just want to clear him" Turo nya sa akin "And me."

"Oh, come on!" Sigaw na nito.

"Stop, Ms. Villanueva. You're out of this" Sabat sakanila ng G.C "Please, go to your room. Nag uumpisa na ang klase nyo."

"Pero Ma'am. I'm the one who-"

"Just go."

Nanatili lamang syang nakatayo at nakatingin sa amin. Hinihila na sya ng kanyang kaibigan ngunit ayaw nitong magpatinag. Halata sakanya na gusto nyang manatili dito sa opisina.

"Come on, Niks." Sigaw sakanya ng babae ngunit hindi pa rin ito natitinag sakanyang kinakatayuan. "We're late sa class."

Sa huli ay tinapunan nya muna kami ng masamang tingin bago magpahila sa kanyang kasama. Pagkasara ng pinto ay agad kong ibinalik ang tingin sa harapan.

Just Say ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon