55

167 7 0
                                    


SINONG mag aakalang pagkatapos ng ilang buwan ay muli ko syang makikita. Na pagkatapos ng paghahanap ay sa wakas ay alam ko na kung nasaan sya.

Kaunting oras o baka naman minuto na lamang ay siguradong makikita ko na sya sa aking harapan. Napangiti ako sa aking iniisip. Bahagya akong nakakaramdam ng excitement.

"Welcome to Arrelio, Wax." Matamang sabi nya sa akin. "Hindi tayo maliligaw dahil kahit papaano ay may alam ako sa lugar na ito"

Tumango lamang ako sakanya. Inilibot ko ang aking mga mata. Maraming tao. Nagsisiksikan din dahil maraming tao ang nakapalibot sa amin at may iilang mga tao ang humaharang pa sa ibang taong papalabas.

Marami ding ang nagkalat na nagtitinda maging ang mga tricycle. Sa tabi lamang nitong terminal ay mayroon nang sakayan ng mga tricycle.

Mausok ang paligid dahil sa samu't saring usok. May naninigarilyo habang ang iba naman ay galing na sa usok na mula sa sasakyan. Kapansin pansin din ang tabi tabing kainan at iba pang matutuluyan.

"Where to go, next?" Nag aalangan kong tanong.

Napangiwi ako ng muling maging mausok ang paligid. Kaagad kong tinakpan ang aking ilong at bahagyang kinumpas ang aking kamay sa hangin upang mawala ito.

I heard her chuckled. "Hindi lang sa Maynila, mausok. Maging dito. Pero mawawala rin yan pagkarating natin sa ibang lugar." Aniya saka ako hinila palapit sa isang kainan.

"Kain muna tayo. Makakapaghintay ka pa naman makita sya, right?" Natatawa nitong saad. "Ilang minuto nalang naman."

Timango ako saka nagpahila na lamang papunta sa loob ng isang kainan. Pagkapasok pa lamang ay tanaw agad ang dami nang tao. Nagtutulakan na ang iba kaya naman pumunta agd ako sakanyang likod at hinarangan ang iba pang dadaanan papunta sa amin.

"Maghanap kana ng upuan. Ako na oorder." Tumango lamang sya sa aking sinabi at kaagad ding umalis sa aking unahan.

Mahaba haba pa ang magiging paghihintay ko. Mahaba haba na ang pila at kahit saang counter ay ganoon din kadami ang tao.

Kaunti lamang ang natitirang bakante na lamesa. Maging sa labas ay wala ng
makitang bakanteng upuan. Marami pa ang nakapili habang ang puno pa ang karamihan sa mga lamesa.

"Wax!" Naramdaman ko na lamang ang kanyang paghigit sa akin.

Nakakunoot ang aking noo ng hilahin nya ako paalis sa pila. Lalo pa akong naguluhan nang igaya nya ako palabas ng kainan. Inilibot nya ang kanyang tingin at para bang may taong hinahanap.

"Anong problema mo?" Mariin kong bulong.

Nakisabay rin ako sa paghahanap kahit na hindi ko alam kung sino ang kanyang hinahanap. Inilibot ko rin ang aking tingin at luminga linga sa paligid.

"She's here, Wax. Oh my god!" Aniya at humagikgik.

Tiningnan ko sya nang may pagtataka. Itinaas lamang nya ang kanyang kilay saka muling humagikgik at inangkala ang kanyang kamay sa aking braso.

"Who?" Tanong kong muli.

She rolled her eyes. "Belle." Masama ko syang tiningnan dahil alam kong pinagtitripan na naman nya ako.

"Paano mong makikita kung maraming tao at saka hin–"

Hindi ko pan man din natatapos ang aking sasabihin nang may itinuro sya mula sa malayo. Sinundan ito ng aking mga mata at nang makita ang kanyang itinuro ay nanlaki bigla ang aking mata. Naramdaman ko rin ang pagbilis ng tibok ng aking puso.

"A girl with a bangs." Aniya. "Hindi katangkaran. May bangs na nagtatakip sakanyang noo. Balingkinitan at higit sa lahat, yung babaeng hinahanap mo. Sya yan diba?" Aniya muli at tinapik ang aking balikat.

Just Say ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon