"BELLE..."Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Hindi ko gusto ang muli nyang pagdaan lamang sa akin kaya siguro hinawakan ko sya ngayon.
Hindi naman sya umiimik at nakatalikod lamang sa akin. Hindi ko rin naman binitawan ang kanyang braso.
"Belle..." Muli kong pagtawag.
Nanatili pa rin syang nakatalikod sa akin. Hindi ko alam ang tumatakbo sakanyang isip. Marahil ay iniisip nyang maka alis na muli dito.
"Belle..."
Sa huli kong pagtawag ay saka lamang sya lumingon sa akin. Walang emosyon ang nababakas sakanyang mukha. Blanko ang kanyang ekpresyon.
"Anong kailangan mo?" Malamig nyang tugon.
Natahimik ako. Ano nga ba? Nanatili akong nakatingin lamang sakanya. Iniisip kung ano nga ang kailangan ko sakanya o may kailangan ba talaga ako sakanya.
Hinintay nya ang aking sagot, ngunit wala syang nakuha. Wala akong masabi. Hindi maproseso ng aking utak ang gusto kong sabihin.
"Kung wala ka ding sasabihin, bitawan mo ko." Aniya at sinubukang tanggalin ang aking kamay. Mariin kong hinigpitan ang aking hawak.
"Ayoko." Ang tangi kong nasabi.
Napapikit ako nang lumabas iyon sa aking bibig. Kusa ko na lamang iyong nasabi sakanya.
"Let go."
Hindi ako sumagot. Hinawakan ko lamang ang kanyang braso ng mas mahigpit. Tinitigan ko sya. Ilang araw ko din iniwasan ang babaeng ito.
"Ano ba, Wax. Let go!" Sigaw nya sa akin.
Diniinan ko lamang ang aking kapit sakanya. Huwag muna. Pakiusap ko sa aking isip.
Hindi man nya narinig ang aking hiling, sigurado naman ako na nabasa nya kung anong gusto kong ipahiwatig. Pilit nyang kinakalas ang aking kamay sakanyang braso.
Umiling ako upang ipaalam na hindi ko sya bibitawan. Hindi pa. Pilit syang pumipiglas. Pilit nyang tinatanggal ang aking kamay sakanyang braso ngunit hindi sya nagtatagumpay.
"Joaquin. Hindi kana nakakatawa." Seryoso nyang sabi.
Napalunok ako dahil sakanyang kaseryosohan. Kita ko pa rin sakanyang mukha ang blankong ekpresyon na kanina pa nya suot.
Blanko maging ang kanyang mata ngunit nakakasindak. Para bang nanlilisik ito ngunit blanko. Napalunok akong muli.
"Can... We talk?" Nasabi ko na lamang.
Gusto kong umalis na lamang sa aking kinatatayuan dahil saking mga pinagsasabi. Halata sa akin na walang mga kwenta ang aking sinasabi."About what?"
Ano nga ba? Hindi ko rin alam. May gusto akong sabihin ngunit hindi ko alam kung paano sisimulan. Tumikhim lamang ako. Nag isip ng palusot. Think. Bulong ko sa aking isip.
Nakatingin lamang sya sa akin habang hinihintay ang aking sagot. Napalunok ako nang wala pa ring masabi. Hindi ako makapag isip. Walang pumapasok sa aking isip sa mga oras na ito.
Nabablangko ako. Kinakabahan dahil sakanyang presensya sa malapit. Idagdag pa ang aking kamay na hanggang ngayon ay nasa kanya pa ring braso. Lumunok muli ako.
Tinaasan na nya ko ng kilay saka pumiglas muli sa aking pagkakahawa. "What now? Titingin ka na lang ba?" Asik nya.
"Oo."
Lalo akong pinagpawisan nang may lumabas na naman na hindi magandang salita mula sa akin. Tumaas lang lalo ang kanyang kilay sa aking sinabi. Lumunok muli ako at sinalubong ang kanyang tingin.
BINABASA MO ANG
Just Say It
Teen Fiction[ COMPLETED ] Ysabelle Sanchez and Joaquin Ortega's story Started: 06 | 11 | 17 Finished: 06 | 11 | 18 Highest Rank Achieved: #456 in Teen Fiction