I still remember what she said. Maging ang kanyang itsura nang araw na iyon ay akin pang naaalala. Malinaw pa ito sa aking isipan at tandang tanda ko pa.Sampung buwan na ang lumipas ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita sakanila. Magmula nang makaalis ako sa Central ay nawalan na ako ng komunikasyon sakanya maging sa iba pa naming kasamahan.
Kahit na mga impormasyon o kahit kaunting ideya ay wala rin akong nakuha. Mahigpit nilang itinago sa amin ang kinaroroonan ng bawat isa. Ang mabuti lamang nangyari ay magkasama kami ng aking kapatid.
Ang alam ko lamang ay nasa probinsya sila. Hindi ko lamang alam kung saan ang ekstaktong kinaroroonan nila.
"Wacky!" Sigaw ng isang pamilyar na boses sa akin. "Wacky!" Tawag nitong muli.
"You're not listening... again." Madiin nitong sabi.
Napilitan akong ngumiti sakanya. Sinamaan lamang nya ako nang tingin hanggang sa hampasin na ako nito sa aking balikat.
"The f, Dude." Nakangiwi nitobg sabi. "Kanina pa ko nagsasalita, hindi ka naman pala nakikinig. Fox you, Dude." Mapang uyam pa nyang saad.
Bahagya akong natawa dahil sakanyang itsura. Nakangiwi ito habang masama ang tingin sa akin. Magkatabi kami ng upuan kaya naman ng batukan nya ako ay agad akong tinamaan.
"The hell!" Sigaw ko sakanya.
Akmang babawi ako ng batok ay agad syang tumayo at iniwas ang ulo sa akin. Tumayo ito at lumipat ng upuan upang lumayo sa akin. Natawa ako dahil sakanyang ginawa. Childish.
"Ayan! Wala ka kasi sa sarili. Pinagpapantasyahan mo na naman siguro yung babaeng kinukwento mo. Sino nga yun? Belle?" Nakangisi nitong sabi.
Tumayo ako at pumunta sakanyang tapat. Agad naman niyang itinaas ang kanyang tingin sa akin. Suot suot ang ngisi sakanyang mukha ay sinapak naman nya ako saka tumawa ng malakas.
"I told you not to do that again. Aish! Hindi marunong makinig." Sigaw pa nito sa akin.
"Zorrine Ignacio! Run for your life!" Sigaw ko sakanya.
Mabilis syang tumayo sakanyang kinauupuan at dali daling tumakbo palayo sa akin. Natawa ako nang makitang lalo pa nitong binibilisan ang pagtakbo na para bang takot talaga sa aking sinabi.
"Lagot ka sakin kapag nahuli kita!" Pang aasar ko pa.
Lalong bumilis ang kanyang pagtakbo nang nakita nyang inumpisahan ko na ang paglalakad. Prente lamang akong naglalakad. Dahan dahan hanggang sa tuluyan ko nang tinakbo ang aming pagitan.
Tumili ito nang makitang malapit na ako sakanya. Kahit anong takbo ang kanyang gawin ay mahahabol ko pa rin. Maliliit lamang ang mga hakbang nito kaya naman mabilis ko syang mahahabol.
"Stop, Wacky! Behave!"
Natatawa kong hinuli ang kanyang siko. Nagpupumiglas sya at panay ang sigaw. Nakatingin lamang naman ang iba pang mga estudyante sa amin ngunit hindi nangengealam.
Sanay na ang nga ito. Madalang kaming makita sa iba't ibang parte ng Academy na ito. Madalas din kaming nagsisigawan sa hallway kaya ngayon ay kilala kami ng mga tao.
"Bitawan mo ko! Bitawan mo ko!" Pagsisigaw nya.
Naiiling akong hawakan sya ng mas mahigpit. Natatawa naman itong tinatanggal ang aking kamay sakanyang braso. Umangat ang aking isa pang kamay at hinawakan sya sa kabila pa nyang siko.
"Now, you're dead." Nakangisi kong sabi.
Malakas syang pumiglas kaya naman mas lalo ko lamang hinigpitan ang pagkakahawak sakanya. Umiiling ako sakanya. Bumuntong hininga ito saka iniyuko ang ulo at ipinikit ang mga mata.
BINABASA MO ANG
Just Say It
Teen Fiction[ COMPLETED ] Ysabelle Sanchez and Joaquin Ortega's story Started: 06 | 11 | 17 Finished: 06 | 11 | 18 Highest Rank Achieved: #456 in Teen Fiction