A three second kiss.Ayun na ata ang pinakamabagal na tatlong segundo. Matagal ngunit isa sa mga dapat na tandaan. Napapikit ako nang pumasok sa aking isip ang aking ginawa. I just kissed her.
Hindi na panaginip at lalong hindi na ito sa isip lamang. Totoo na. Totoong totoo na.
Sinulyapan ko sya sa aking tabi. Nakaupo ito ngunit nakayuko. Kahit nakayuko ay kita ko ang pamumula ng kanyang mukha. Pakiramdam ko ay namumula rin ang aking tenga. Mainit ang aking pakiramdam.
Malamig ang paligid ngunit mainit ang aking pakiramdam. Kinalma ko ang aking sarili. Ilang beses akong nag buntong hininga saka muling lumingon sakanya. She was staring at me.
Nang makita ang aking paglingon ay agad syang umiwas at yumuko na lamang muli. Nararamdaman ko na ang tensyon sa aming dalawa.
Sinubukan ko syang lapitan pa ngunit agad din syang lumalayo. Sinubukan ko pa nang ilang beses ngunit ganoon pa rin ang kinakalabasan.
"Belle..." Pagtawag ko.
Hindi sya sumagot. Ni hindi rin nagtapon nang tingin. Nanatili syang nakayuko.
"Belle..." Pag uulit ko.
Muli ay nanatili lamang syang nakayuko. Hindi nya ako kinibo at lalong hindi nya ko nilingon.
Hindi ko na natiis ang aking sarili. Nilapitan ko sya at hinawakan na sakanyang braso. Nanatiling nakayuko lamang sya kahit na malapit na sya sa akin at akin nang hawak.
"Let go." Mahina ngunit may diin nyang sabi.
Umiling ako kahit na hindi nya nakikita. Nanatili akong hawak sya kahit na kalaunan ay pumipiglas at gusto na nyang makawala.
"Let go, Wax." Pabulong lamang nyang pagtutol.
Hinigpitan ko lamang ang aking hawak sakanya. Umiling iling din ako upang ipakita sakanya ang aking pagkontra.
"Yung ginawa ko..."
Saglit syang natigilan sa aking sinabi ngunit mabilis ding nakabawi at pumiglas muli sa akin.
"No need to explain. Walang nangyari."
Napahinto ako sakanyang sinabi. Walang nangyari? "Hindi yun ang ibig sabihin ko. Makinig ka. Hindi ko yon pinagsi–"
"I said no need to explain." Sigaw nya. "Walang nangyari. Kalimutan na yun."
Tinitigan nya ako sa aking mata. Bumalik sa pagiging blanko ang kanyang ekpresyon. Maging ang kanyang mukha ay hindi ko nakikitaan nang ano mang amosyon. It was just blank. Blanko.
Kinagat ko ang aking labi upang pigilan ang aking sasabihin. Hindi iyon ang gusto kong sabihin. Hindi ang bagay na yun ang gusto kong ipaalam sakanya.
"Bitawan mo na ko. I don't need your help nor you're presence. Kaya ko ang sarili ko. Kaya ko nang wala ka sa tabi ko."
Patuloy pa rin sya sa pagpiglas sa akin. Lalo ko lamang naman hinihigpitan ang aking hawak sakanya. Pero ilang segundo lamang ay unti unti ko nang niluwagan ang king kapit sakanya. Unti unti. Dahan dahan. Hanggang sa tuluyan nang mawala ang kapit ko.
Kaya kong wala ka sa tabi ko.
Para ng sirang plaka ang kanyang slita sa aking isip. Paulit ulit ito. Naririnig ko pa rin ang kanyang sinabi. Malinaw at may diin.
Hindi sya kumikibo. Nanatili syang nakaupo sa aking harap kahit hindi ko na sya hawak. Nakatitig lamang ang kanyang blangkong ekspresyon sa akin.
Bumuntong hininga ako at unti unti na namang hinawakan ang kanyang kamay. Mula sakanyang kamay ay hinila ko sya hanggang sa yakap ko na sya.
BINABASA MO ANG
Just Say It
Teen Fiction[ COMPLETED ] Ysabelle Sanchez and Joaquin Ortega's story Started: 06 | 11 | 17 Finished: 06 | 11 | 18 Highest Rank Achieved: #456 in Teen Fiction